Kinabukasan pinag patuloy na ni Ms.Vena ang pag-totour nito kay Nayumi sa Powerhouse Designs Building. Nagkita ito sa harap ng building malapit sa Elevator at nagtungo sa 69th Floor ng building.
( Elevator door Opening ) “ 69th Floor!”
Unang lumabas si Ms.Vena galing sa elevator at sumunod naman si Nayumi. Ipinakita nito ang mga importanteng lugar na kailangan matandaan ni Nayumi.
Bukod pa rito, Ipinakita na ni Ms.Vena kung saan ang magiging office ni Nayumi.
“Tadan————!!!! Welcome—-Sa magandang office para sa Magandang binibi!.”
“Ano pang hinihintay mo, “Oopen the fu*kin door!. Baka nakalimutan mo hindi tayo pareho ng finger prints, kaya ikaw lang ang makakabukas nyan.”
Pag-bukas na pag-bukas ni Nayumi sa pinto. Laking gulat nito sa nakita.
“Ito ba talaga ang office ko—?!!!” Kasabay ng pag talon nito ang pag yakap kay Ms. Vena ni Nayumi sa sobrang tuwa.
Sa likod ng desk ni Nayumi makikitaan ito ng malaking glass window na may panorama view, kaya naman kitang kita nito ang buong Makati.
Inakala din ni Nayumi na tapos na ang pag to-tour sa kanya ni Ms. Vena. Kaya naman agad na itong nag simula sa pag ta-trabaho.
Kumuha agad ito ng sketch pad sa kanyang bag para simulan ang mga projects na dapat nyang tapusin.
“ Nayumi! Hindi muna kailangan ng sketch pad, Nakalimutan muna ata na Big time ang kumpanya.”
“ Nakikita mo yang itim na square na tablet?!. Oo, yan nga! Yung nsa desk mo. Yan ang X-Pen Artist pro 24. Yan ang sketch pad mo. Diba ang astig!.”
Na mas lalong ikina-mangha ni Nayumi. Hinding-hindi talaga sya makapaniwala. Noon, Isa lang ito sa mga pinapanood nya sa mga K-Dramas.
“Deserve ko ba talaga lahat ng to Ms. Vena?” Gagalingan ko talaga para hindi ko madissapoint ang mga nag hired sa akin.”
Ang hindi alam ni Nayumi, Sa 69th floor din ng building matatagpuan ang office ni Big Boss No.1 or Big Boss Yummy Alessandro! Ang bunso sa tatlong mag-kakapatid. Very Macho at Manly.
Meron syang nakaka-akit na boses at ang mga tingin nitong malagkit na para kang hinuhubaran. Kaya naman lahat ng babae ay napapa-kilig nito, effortless.
“Nakikita mo yang malaking door sa dulo. Yan ang office ni Sir. Alessandro. Madalas syang wala dito, kaya pag nakita mo sya. Naku day! Sabihin mo agad sa amin ni johny. Wag kang selfish gurl!. Sabay tawa ni Ms. Vena
Walang sinayang na oras si Nayumi at nag simula agad itong pag-aralan ang X-Pen Artist Pro Tablet.
Sa kalagitnaan ng pag ta-trabaho ni Nayumi. Nagulat ito sa narinig, Bigla kasing nag ring ang bell ng pinto ng kanyang office. Agad naman syang tumayo para pag buksan at alamin kung sino ang nasa likod nito.
“Good Morning!, So.. you’re Nayumi? I spelled it right?”
Sya si Ms.Dola, Ang assistant ni Big Boss No.1. Isa syang Maarte, Masungit, GGSS o Gandang ganda sa sarili, feeling perfect na may makapal na make up.
Wala syang kasundo sa kumpanya. Ganun pa man kahit maraming nag-rereklamo sa ugali nya, hindi sya basta-basta pweding i-fired ng manangement. Si Ms. Dola kasi ay isang matalik na kaibigan ni Big Boss Alessandro.
“ Good Morning!. Yes, You spelled it correctly. I’m looking forward to working with you Ma’am.” Kasabay nito ang pag eye to eye contact ni Nayumi at itinapat ang kanyang kamay para makipag shake hands.
Laking gulat ni Nayumi ng bigla nalang itong tumalikod sa kanya na parang walang narinig. Dere-deretso si Ms. Dola sa pag lalakad papunta sa kanyang office.
“Sorry, No handshake. I’m not sure if you’re fully vaccinated.” Sabay bagsak ng pinto ni Ms. Dola mula sa kanyang office.
Nagulat si Nayumi sa ipinakitang ugali ni Ms.Dola sa unang araw sa trabaho. Hindi nalang niya ito binigyang pansin. Mabilis din ang takbo ng oras. Hindi namalayan ni Nayumi na lunch time na pala. Nakipag kita na ito sa mga kaibigan.
Mag-kakasamang nag break sina Nayumi, Ms. Vena at Johny. Sila ang pinaka maingay sa lahat, kaya naman madali silang nakilala sila sa buong building.
Siguro kung meron lang “ MOST FRIENDLY AWARD” goes to—- . Sa kanilang tatlo mapupunta.
( Staff Lounge )
“Masungit nga si Ms.D, Buti nalang winarningan nyo na ako kaninang umaga bago ako mag umpisa. Ang ganda pala talaga nya”. Pa-Bulong na sinabi ni Nayumi sa mga kaibigan.
“Day—-! Tumingin ka nga sa salamin. Wala ngang sinabi ang beauty nya sayo, Organic!Natural!. Nakita mo sya ang kapal ng make-up diba.” Panlalait ni Johny kay Ms.D
“Psssssstttt—-! Wag kang maingay kaloka to. Baka may makarinig sa atin. Adiik ka!”. Pero Agree ako dyan!.” Kasabay ng pag-tayo ni Ms. Vena, chineck ang paligid at pasimple itong tumawa.
Laking pag-papasalamat ni Nayumi sa mga kaibigan nito. Kahit two days palang nya itong nakakasama parang matagal na silang magkaka-kilala. Sila rin ang gagabay kay Nayumi para hindi ma-pressure sa unang araw sa trabaho pati na rin sa mga susunod na projects na ibibigay sa kanya ni Ms. Dola.
Unang araw palang ni Nayumi pero ang dami ng projects na ipinagawa sa kanya ni Ms. Dola. Mabilis natapos ang araw at lumalim narin ang gabi at nagpaalam na ang bawat isa na uuwi na sa kani-kanilang bahay.
(Eksena sa parking lot ng Powerhouse Designs Building)
“ Nayumi! Wala ka bang sasakyan? Sabay kana sa akin?!” Pasigaw na tanong ni Ms.Vena habang nasa loob ng kanyang magarang sasakyan.
“Wala Ms.Vena pero nakapag-booked na ako ng grab. On the way na. Thank you!.” Sabay kaway nito kay Ms. Vena.
“See yah tomorrow morning—Dreamers!” Ito ang gusto ni Johny na marining sa mga kaibigan bago maghiwa-hiwalay. Kaya naman ganito na lagi ang magiging eksena sa parking lot ng building tuwing uwian.
Bukod tanging si Nayumi lang ang walang sasakyan. Nung maka sakay na si Nayumi ng taxi napansin nito napansin nito na malinis ang daan kaya naman maagang naka-uwi si Nayumi sa Barangay San Isidro.
Nakwento ni Nayumi sa mga magulang ang mga magagandang pangyayare sa buong araw nito sa unang araw nya sa kanyang trabaho. Nabangit din nito na meron syang nakilalang dalawang mababait na kaibigan.
Kaya naman umaapaw din sa saya ang mga nararamdaman ng mga magulang ni Nayumi sa mga na-aachieved nito sa buhay.
Dahil may malaking sahod at magandang trabaho na si Nayumi napagdisisyunan nito na huminto na sa pag-tatrabaho ang Ama, subalit nag matigas ito.
Napagdesisyunan din ni Nayumi na sa darating nitong unang sahod. Gusto nito ibahagi sa kanyang mga kapit-bahay ang blessings na natatamo nito.
“ Ma-,Pa-!. May na-isip po akung gawin sa unang sahod ko. Pero depende din po sa inyo kung papayag kayo.”
“ Anak, Ayoko—— ayokong maki-alam sa sahod mo, pera mo yan kaya ikaw lang ang may karapatang mag desisyon. Nandito lang ako at gagabay sayo.” Sabay tapik nito sa balikat ni Nayumi.
“ Tama ang Papa mo, Matalino kang bata. Malaki ang tiwala namin sayo. Kaya wag muna kaming isipin.”
Naisipan ni Nayumi na mag bigay ng ayuda sa mga kapit bahay. Kaya naman sa araw na sya ay tatangap ng pa-unang sahod, Gusto nyang ibili ito ng groceries, gulay, mask, hygiene kit at bigas.
Natuwa naman ang mag asawa sa idea ng kanilang Anak.
“ Masaya ang puso namin ng Ama mo anak, Sa tagumpay mo ngayon, hindi mo nakalimutan tumulong.” Tumayo ang maluha-luhang si Mary at Niyakap nito ang Anak.
Araw-araw pare-pareho ang routine ni Nayumi. Gigising ng umaga para pumasok at uuwi ng gabi para matulog.
Lumipas ang Dalawang Lingo. Malapit-lapit na ang Pay Day.
( PowerHouse Designs Building)
Ang aga-aga at nag aabang na si Johny sa Entrance ng Building. Hinihintay nito si Ms. Vena at Nayumi. Dahil si beking johny ay sobrang excited sa ibabalita sa Dalawa.
“ Nasaan na sila! My gossshhh— “bilisan nyo guys!.” Baka umalis na sya! Mahirap pa naman hagilapin tong si bunso!.” Tarantang taranta itong si Johny habang kinakausap ang sarili.
Dalawang minuto lang nakalipas at dumating nang sabay si Ms.Vena at Nayumi. Naglalakad ang dalawa pantungo sa kinatatayuan ni johny.
Napatalon ang beki sa saya ng matanaw nito si Ms. Vena at ang kasama nitong nag lalakad na si Nayumi..
“ Dreamers!! BILIS—- put*cha naman pacute pa daw sila oh— kung mag lakad. Le*che!.” Pasigaw nitong sinabi sa dalawa.
Nang-malapit na ang dalawa. Pinag-tatawanan nila si johny dahil hindi ito mapakali sa pinag-tatayuan nito. Tumatalon-talon, lakad dito lakad doon. Na parang na-tata*.
“ Anong nangyare sayo bakla ka! Galaw ka ng galaw para kang may Tit* sa pw*t! hindi ka mapakali, tanaw na tanaw ka namin.” Ganito talaga mag usap si Johny at Ms.Vena kaya normal nalang sa kanilang dalawa.
Na ikinagulat naman ni Nayumi. Hindi nya alam kung tatawa sya o mahihiya sa dalawang kaibigan.
Minamadali ni Johny si Ms.Vena at Nayumi. Sinabi nito na may meeting sila sa Office ni Nayumi.
“ I don’t remember na may meeting tayo today johny.” Biglang naging seryoso naman itong si Ms.Vena.”
“ Ako din! I don’t remember any meeting today. Ang weird nitong si Johny, Usually pag may meeting tayo sa office tayo ni Ms.Vena.” Sambit ni Nayumi kay Johny.
Napailing ang ulo ni Ms.Vena at Nayumi dahil sa ang gulong kausap nitong si Johny. Sinunod nalang nila ito at sabay-sabay silang tatlo pumunta sa Office ni Nayumi.
(69th Floor!)
Sabay-sabay lumabas ang maiingay na si Ms.Vena, Johny at Nayumi sa Elevator. At hindi nag tagal pumasok na rin sila sa Office ni Nayumi.
“ Hindi ba tayo naririnig sa labas!” Tanong ni Johny sa Dalawang kaibigan.
“ Sabihin muna ang gusto mong sabihin Johny! Nakakairita kana. Ang gulo mo” Stress na boses ni Ms.Vena.
Bago ito ikwento ni Johny, Tumawa muna ito ng malakas. Sabay hampas ng bag nitong kulay itim.. Kinikilig sya ng sobra. Kulang nalang hilain nya ang buhok ni Nayumi at Ms.Vena.
“ Bwiset ka talagang bakla ka! Hindi ka titigil?! Marami akung gagawin today! Umayos ka nga!” Sumigaw na si Ms. Vena
Tawang-tawa na din itong si Nayumi.
“ Ito na! Ito na!! Nandyan kasi si Bunso Ms. Vena—!!! Si bunso —-si bunso!!. Binati nya kasi ako kanina ng “Good Morning” Omyyy—-gosshh! Hangang ngaun naririnig ko pa din ang boses nya. Muntikan na din ako mahimatay kanina Guys!.” Nakakatuwang pag masdan si Johny kung paano nya ito ikwento sa mga kaibigan.
Nahiwagahan si Nayumi kung sino ang bunso na sinasabi ni Johny. Inakala nito na isa sa mga lalaki ni Johny ang tinatawag nyang bunso. Kaya naman sinabihan nya itong mag-ingat sa mga lalaki. Ang naiinis na si Ms. Vena at ang hindi mapakaling Johny nag tinginan at sabay tawa sa isat-isa.
Kaya naman ipinaliwanag ni Ms.Vena kay Nayumi kung sino ba talaga si Bunso.
“Pasensya kana Nayumi kung naguguluhan ka sa aming dalawa. Ang Bunso sa tatlonh Big Boss o tawagin nating si Big Boss Yummy, Nandito sa building, kaya nag kakaganyan si Johny.” Ngiting tagumpay ni Ms.Vena habang iniexplain nito kay Nayumi.
Dahilan kung bakit gustong-gusto pumunta ni Johny sa Office ni Nayumi, Ito ay marahil gusto niyang masilayan muli ang Very Macho at Manly nyang si Big Boss Yummy No.1.