CHAPTER 2

1460 Words
It is the day of the wedding, and I’m still hesitant to go out of my room dahil kahit na tanggap ko na ang naganap ay hindi ko pa rin talaga kayang makita si Dad kasama si Tita Amanda. “Sol, sol.” Narinig ko naman ang boses ni Yumi habang kumakatok sa pintuan, kaya agad na akong tumayo mula sa vanity mirror ko. I opened the door. “What is it?” “Tito Mariano’s waiting downstairs. What are you waiting for?” she coldly asked. Napataas naman ang kilay ko. “I don’t wanna see fake scenarios kaya bababa ako if I want. Thank you for your effort.” Napa-irap naman siya at agad nang naglakad pababa ng bahay. Mabuti naman ‘yon na nagkaka-intindihan kaming dalawa na hindi talaga kami magiging friends. Inayos ko na ang sarili ko at pinagpagan na ang suot kong dress at bumaba na rin sa reception area. Nadatnan ko naman doon ang mga business friends ni Mommy at Daddy. Agad ko rin namang naaninag si Kaye, my only friend na classmate ko rin noong college. “Mare, I was surprised about this sudden wedding. Sigurado ka bang hindi pinikot ni Tita Amanda at ang anak niyan si Yumi ang Daddy mo para lang maki-share sa kayamanan n’yo?” tanong niya naman sa akin kaya napatawa ako. I rolled my eyes. “Hindi ko nga rin alam kung anong pumasok sa isip ni Dad, pero, nonetheless, I still support him. Para rin naman daw sa company ang ginagawa niya, while we are still searching for Mom.” Umupo naman na kami ni Kaye sa isa sa mga upuan sa venue sabay kuha ng pagkain. Dito lang kasi sa bahay ang reception dahil sudden wedding lang naman ang naganap, kaya hindi siya exclusive for the public’s attention. Baka kasi mas lalo pang magkaroon ng issue dahil nawawala pa rin hanggang ngayon si Mommy. “Hindi ka ba natatakot for your family, Mare?” Napakunot naman ang noo ko. “Why would I be afraid?” “Of course, business is business. You didn’t think about why did Tita Amanda suddenly on the picture? Pero when you guys are still searching for Tita Shanel ay hindi manlang siya tumulong, knowing that you guys have the greatest bond sa idustriyang ‘to.” At first, napa-isip naman na talaga ako about sa bagay na ‘yon, pero hinayaan ko nalang since sina Mommy at Daddy lang din naman ang ka-close ni Tita Amanda at ni Yumi. “I also thought about those things, pero Mom always speaks nice about them kaya who am I to judge, right?” “You have a point,” she answered. “By the way, where is Dylan?” Napabuntong-hininga naman ako nang maalala ko ang boyfriend kong madalang nalang kaming magkita ngayon. I get it naman dahil palagi na akong busy sa paghahanap kay Mommy, and nawawalan na ako ng oras sa kaniya. Isa pa, he’s also the CEO of their company kaya it actually impossible for us the get together for a long time everyday. Ma-swerte nalang kaming dalawa kung magsasama kami ng isang oras sa isang araw. “He’s at his condo right now, nilalagnat nga raw siya, and I’ll visit him later, paniguradong magugulat siya kapag pinuntahan ko do’n.” Nagulat naman ako nang bigla akong sinamaan ng tingin ni Kaye. “You haven’t done it right? Hindi pa kayo nagsi-s3x? Or cuddle gano’n, make out?” I was surprised sa tanong niya, pero the truth is hindi talaga ako ako mahilig sa mga gano’n dahil na rin siguro sa pagpapalaki ng mga magulang ko sa akin. Yes, I’m a bit bossy, pero I don’t do that. I’m a not liberated. Umiling naman agad ako sa kaniya. “I still believe in marriage before intimacy, and I am thankful that Dylan trusts and also agrees with my opinion. He’s a actually a good and a husband material kaya ano pa ba ang hihilingin ko?” Kaye chuckled at me. “You never know, Mare. People can be deceiving right now...” “Kaye!” Napatigil naman ang pag-uusap naming dalawa nang bigla siyang tawagin ni Tita Mercedes, her Mom. “Wait lang, Mare.” Tumayo na siya at tumungo sa kinaroroonan nila Tita dahil sa tingin ko ay may bago na naman silang ipapakilala kay Kaye na maging boyfriend nito. Sa pagka-choosy ba naman kasi ni Kaye ay baka tumandang dalaga na. Sa dami yata ng manliligaw ay walang pumapasa sa kaniya kahit isa, dahil halos lahat na yata ng fictional characters ang papakasalan niya sa anime. “Sol, anak.” Nagulat naman ako nang biglang sumulpot si Daddy sa gilid ko. “Dad...” “Come and join us. Doon ka na sa table namin nila Tita Amanda mo, dahil ipapakilala pa kita sa mga business friends namin. Alam mo namang kaka-graduate mo lang galing abroad kaya hindi ka pa nila tuluyang nakikita sa personal.” Ngumiti naman ako kay Daddy. “Is it really necessary?” “It is.” Wala na akong nagawa at tumayo nalang din at sumunod kay Daddy. Mahal ko rin naman kasi si Dad kaya, if it makes him happy, then I’m also happy. “Solene, anak. Sit beside me,” sambit naman ni Tita Amanda namg makita niya ako. Hindi ko talaga alam kung bakit hindi ko makita ang mga sinasabi ni Mommy na magagandang ugali nitong babaeng ‘to. I just hate her, the fact na ayoko talaga siya for Daddy kahit na business purposes lang ‘to. “Oh, it’s okay Tita. I’ll sit beside Daddy nalang.” Umupo na ako sa tabi ni Daddyat may kaharap naman kami ngayong dalawa matanda. “Mr. Vergara, this is my daughter Solene.” Napangiti naman sa akin ang matandang babae. “She is truly beautiful, Mariano. She is a perfect fit for my grandson.” Napapangiti nalang ako sa mga pinag-uusapan nila at napansin ko namang wala na si Yumi sa tabi ni Tita Amanda. “Where’s Yumi, Dad?” pagtatakang tanong ko pa. “I think she have some errands to run kaya agad na rin siyang umalis.” Napatango naman ako. Gusto ko na rin kasing umalis para puntahan si Dylan, pero nahihiya naman akong umalis kapag ganito ang sitwasyon ko. Hihintayin ko nalang na matapos ang reception. Pasado alas-dos na ng hapon nag uni-unti namg umuuwi ang mga guests namin, kaya napag-isipan ko nang magdala ng pagkain for Dylan. “Aalis ka, Sol?” Napalingon naman ako nang makita si Daddy sa likuran ko. “Uhmm, yup Dad. Pupuntahan ko lang si Dylan at nilalagnat daw siya.” “Oh, hindi nga rin nakapunta ang parents niya dahil they’re in Brooklyn right now. Okay, baby. Mag-iingat ka ha?” Lumapit na ako kay Daddy at nag-beso. “Yes, Dad. I will, gotta go!” Agad na akong nag-drive papunta sa condo ni Dylan. Siguro ay dalawang araw na rin kaming hindi nagkikira dahil na rin busy ang mga schedule namin, unlike before noong college kami sa New York ay araw-araw kaming magkasama. After a thirty-minutes drive, nakarating na rin ako sa parkig lot ng condo niya kaya dali-dali na akong pumasok sa elevator. Nang makarating naman ako sa pintuan ng kwarto niya ay napansin kong bukas ito kaya nagtaka ako. Usually kasi ay ang pinsan niya lang na si Harry ang bumibisita sa kaniya kaya feeling ko kay nandito rin ‘yon. Pumasok nalang ako sa loob at deri-deritso na naglakad patungo sa kwarto niya. Excited na rin kasi ako at na-miss ko rin siya kaya no need for a notice na. Pinihit ko naman ang doorknob niya at nabitawan ko naman ang bitbit kong lunch box nang makita ko si Yumi at Dylan naked and their bodies crossed. “What the hell?” I froze. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. It’s a very intense emotion at nadagdagan pa ‘yon dahil si Yumi pa talaga ang nakita kong kasama niya sa kama. “Babe?” Nanlaki naman ang mga mata niya sa akin at agad akong nilapitan. “Don’t touch me you...gross!” Nakita ko naman si Yumi na nakangiti lang sa akin habang nakataas ang kilay. She really did it well. Dali-dali na akong naglakad palabas ng kwarto ni Dylan. I can’t cry here. Hindi dapat ako magpakita ng weakness ko dahil alam kong ‘yon ang maaaring makasira sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD