CHAPTER 3

1226 Words
Nang makalabas na ako sa condo niya ay akma na sana akong papasok ng elevator nang bigla namang akong hinila ni Dylan dahilan para mapasandal ako sa mga bisig niya. “Let go of me! I said let go of me!” Nagpupumiglas naman ako dahil nandidiri talaga ako sa kanilang dalawa. “It wasn’t what you think, Babe. I came for me.” Napatigil naman ako at hinarap na si Dylan. “How long have you been cheating on me? And worst sa magiging step-sister ko pa? Are you nuts, Dylan?” “It’s not like...” “I’m done with you! I’m done with every one of you!” This time, tumakbo na ako at agad na pumasok sa elevator. I’ll let him do whatever the fvck he wants in his life and Yumi. We’re almost in a relationship for a year now, pagkatapos ay gano’n niya lang ako ipagpalit? Agad na akong umuwi sa bahay at nagkulong nalang muna sa kwarto ko. Wala na akong pakealam kung umuwi man dito mamaya si Yumi. I’ll let her do what she wants, tutal hindi naman worth it na iyakan ko ang nangyari sa kanila ni Dylan. “Sol?” Nang marinig ko naman ang boses ni Daddy ay agad kong pinunasan ang mga luha ko, lalo na at hindi pa naman naka-lock ang pintuan ng kwarto ko. “Sol? Nandito ka na pala. How’s Dylan now? Okay na ba siya?” tanong niya naman sabay lapit sa akin. Pinilit ko namang ngumiti ng maayos kahit na gustong-gusto ko nang umiyak. “He’s doing better, Dad. You know, he likes the soup that I always bring to him, Mommy’s specialty.” Agad niya namang hinawi ang buhok ko. “Every inch of you is like your Mom’s. I just really hope that we could find her sooner or later, and sana she’s doing fine wherever she is right now.” “I can’t wait to see Mom once again, Dad. Patuloy pa rin ang NBI sa pag-iimbestiga nila sa nangyari.” Ilang araw na rin muna akong tumigil sa pagtulong sa paghahanap dahil na rin dito sa kasal ni Dad at Tita Amanda. Kapag kasi normal day ko ngayon ay palagi akong nasa NBI para tumulong sa search operation nila. “We are her only family left, at tayo nalang talaga ang naghahanap ss kaniya. I bet your Mom is sad right now kung nasaan man siya, at hindi tayo titigil hanggang sa makita na natin siya.” Niyakap ko nalang ng mahigpit si Daddy and then he left the room kaya doon na ako nag-drama sa kwarto ko buong maghapon. Good thing dahil wala namang naghanap sa akin, at nang makalabas na ako sa kwarto ko ay nagulat nalang ako na umalis na pala si Tita Amanda at si Daddy for their honeymoon. “What? Bakit hindi manlang ako sinabihan ni Dad?” pagtatakang tanong ko pa kay Manang Jessa. Napa-iling naman siya sa akin. “Hindi ko rin alam, Miss Sol. Nakita ko lang kasi kanina na umalis ang kotse ni Sir kasama si Madam Amanda.” Umalis nalang ako at lumabas ng bahay. Para akong tanga dito sa amin na walang alam sa nagaganap. If only Mom is here, hindi na ako mahihirapan ng ganito. Akma na sana akong papasok sa bahay, pero agad namang dumating ang sasakyan ni Yumi kaya mas lalong uminit ang ulo ko. “What are you doing here?” Napataas naman ang kilay niya sa akin. “Mom married Tito Mariano, and it only means that this is also my house.” “Your house? Do you really think na maniniwala ako sa panloloko n’yo kay Daddy about the investors na nawawalan na kami ng mga contractors?” tanong ko naman sa kaniya. Hindi na rin kasi ako makasingit kay Daddy sa desisyon niya kaya hinayaan ko nalang. Ayoko naman kasing magkagulo lalo na at marami rin naman siyang iniisip. “I have nothing to do with that, Solene. Excuse me...” Akma na sana siyang papasok sa bahay, pero agad ko naman siyang hinarangan. “Do you really think palalampasin ko ang panlolokong ginawa n’yo sa ‘kin ni Dylan?” She smirked at me. “Why are you mad at me? Can’t you just blame Dylan for being a cheater? For your information Solene, he’s the one flirting at me, so don’t you ever put the blame on me.” Agad naman siyang dumiretso papasok ng bahay kaya hinayaan ko nalang. Kung may sisisihin din kasi ako rito ay totoong si Dylan talaga. If only I was brave enough to confront Dylan that time, kaso hindi. “Yaya, I won’t sleep here tonight kaya h’wag n’yo nalang akong hanapin mamaya.” “Sige po, Ma’am Sol.” Umakyat na ako sa kwarto ko at nag-shower. Do’n nalang muna ako sa bahay nila Kaye matutulog dahil wala talaga akong gana sa nandito ngayon sa bahay. Nang lumabas na ako sa bahay ay ginamit ko nalang ang range rover ko at umalis na. Nang makarating naman ako sa bahay nila Kaye ay nagbabantay na siya sa harap ng pintuan nila. “Oh, Mare, mukhang marami ka na namang problema ngayon ah,” wika niya naman sabay lapit sa akin at nagbeso na. Bumaba na rin ako sa kotse ko at ang butler na nila ang bahala sa kotse ko. Nang makapasok kami ni Kaye ay agad namang bumungad si Tita Mercedes na nakangiti sa akin. “Solene, iha! It’s been a while since you came here.” Lumapit naman siya sabay yakap sa akin. “I feel sorry about what happened to your Mom. Nagulat nga rin ako sa naging desisyon ng Daddy mo na magpakasala agad kay Amanda.” Kumawala naman ako sa pagkakayakap sa akin ni Tita. “I can’t believe this, Tita. Pakiramdam ko ay sa isang iglap lang ay nagbago na ang buong buhay ko.” Tita Mecedes sighed. “Iha, Solene, always remember not to give up, okay? Things will get better soon. Kaye, give something warm to eat to Solene, para hindi na siya masyadong ma-stress, I still have a lot to do tonight.” Nag-beso naman sa akin si Tita at naglakad na papunta sa opisina niya. Dinala naman na ako ni Kaye sa dining area nila dahil hindi pa nga talaga ako kumakain ng dinner. “Bakit naman hindi nagpa-alam sa ‘yo si Tito, Mare? And abroad pa ha? Saan ba sila? Hawaii? Paris? London?” Agad naman akong umiling. “I don’t know. Wala akong idea kasi until now hindi pa naman nakakatawag o nagpaparamdaman manlang sa ‘kin si Daddy.” “What about your company?” “Maybe, I’ll be the one to handle it with Miss Analou.” Agad namang nanlaki ang mga mata ni Kaye. “Isn’t that Analou is Tita Amanda’s sister?” Ngayon ko lang din napagtanto na halos lahat ng nasa board of directors ay pamilya rin pala nila Tita Amanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD