Chapter 6

1557 Words
Chapter 5: Ang anunsyo Ang tumigil sa pag-iisip ng mga bagay na nagpapahirap sa akin ay tila imposible, lalo na ngayon na may imahe sa aking telepono, na pinili kong tingnan muli sa pangalawang pagkakataon, tulad ng isang masokista, habang pinag-iisipan kung buburahin ko ba ito o itatago sa aking gallery. Wala nang kailangang maging manghuhula o humingi ng paliwanag para malaman na kagagaling lang nila sa isang napaka-intimate na scene sa kama na dati ay pinagsaluhan namin ni Mr. Lancaster. Sa kabila ng mga pagpipilit kong hikayatin ang aking sarili ay tinalo ako ng pagkabigo at sakit na dulot ng pagtataksil ng pinakahindi ko inaasahang tao. Hindi ko kayang magpatuloy nang ganito araw-araw. Hindi ko dapat hayaan sina Rachel at Mr. Lancaster na gawin ang anumang nais nila sa puso ko, sa nararamdaman ko, at sa dignidad ko. Kung nagdesisyon silang sirain ang lahat sa akin para magsama, sige lang, gawin nila lahat ng gusto nila. Lalayo ako hanggang maaari. Kapag nilagdaan na ni Alexander ang mga annulment papers, wala na silang maririnig pa ang mula sa akin. Determinado at taas-noo, pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi, bago lumakad patungo sa aking aparador at namili mula sa mga damit na naroon ng isusuot ko para sa salu-salong inorganisa ng aking ama. Hindi nagtagal ay kumatok si Maga sa pinto at pagkatapos ng ilang segundo ay lumantad ang babaeng may brown na buhok, brown na mata, at may pinakamalaki at pinakamatamis na ngiti na nakita ko sa buong buhay ko. "Hindi maari ito. Hindi maaari!" Si Abby ay nadala ng kanyang kasiyahan nang makita ako, at ibinagsak ang mga shopping bags na hawak niya at nagmadaling lumapit para yakapin ako nang sobrang higpit na halos hindi na ako makahinga. "Nagbalik ka na! Wala kang ideya kung gaano kita namiss, Sari. Hindi ako makapaniwala! Bumalik na ang best friend ko!" Ibinalik ko ang masigla niyang yakap, kahit na nahirapan akong huminga. Napakatagal na mula nang huli kong makita ang pinakamatalik kong kaibigan, ang tunay kong best friend. Malapit na akong maging emosyonal, pero nag-focus ako na huwag mawalan ng hininga. "Abby, namiss din kita, pero kung patuloy mo akong yayakapin ng ganito kahigpit, mawawala ako sa'yo nang tuluyan". Hirap kong sinabi, at nang mapansin niyang sobrang higpit ng yakap niya, binitiwan niya ako, pero hindi niya pinakawalan ang mga kamay ko, ang ngiti niya ay abot hanggang mata. "Hindi ako dapat na ako umalis, Abby." "Ano ka ba, hindi tayo nandito para maghinagpis. Nangyari na iyon. Ginusto mong makasama ang lalaking nakilala mo na naging pinakabata at pinakapopular na negosyante sa Manila, mahusay. Naging kayo, mas mahusay. Nagpakasal kayo, magaling. Ngayon, maghihiwalay na, ayos lang yan. Nagawa mo ang mga gusto mo, at ngayon, bumalik ka para gawin kung ano pa man ang mga gusto mong gawin, ng mas mainam!" Nahawa ako sa kanyang magandang mood at lahat ng positive energy na ipinapakita niya, pero sa pagkakataong ito, hindi ko magagawa ang gusto ko. Hindi ako bumalik nang mag-isa, bumalik akong may kasama. "Well... baka hindi", sabi kong natatakot sa magiging reaction niya kapag nalaman niyang buntis ako. Mas takot pa ako kaysa sa naisip kong magiging reaksyon ng aking ama. "Huwag mong sasabihin sa akin na mamamatay ka dahil sa isang tanga! Hindi ko alam ang ginawa niya sa’yo, pero kung nandito ka, naiisip ko na", inis niyang sabi, habang pinupulot ang mga bag na binitawan niya nang pumasok siya sa kwarto at inilagay ang mga iyon sa kama. "Tingnan mo kung anong klaseng babae ka, ikaw ang tagapagmana ng Doinel, isang babaeng nag-uumapaw sa class at appeal, napakatalino, matatag. Mayroon kang ngiti para sa lahat, at sobrang totoo mo. Kaya mong gawin ang lahat, at hindi dahil nasaktan ka ng isang tanga, ibig sabihin nun ay hindi mo na ipagpapatuloy ang buhay mo. Mali ka, yun ang gagawin mo—ipagpapatuloy mo ang iyong kamangha-manghang buhay at ipapakita mo sa kanya na nawalan siya ng pinakamagandang bagay na maaaring mangyari sa miserable niyang buhay. Ako na ang pipili ng damit mo, darating ang kapatid ko sa pagtitipon, at sigurado akong matutuwa siyang makita ka". Nagtungo si Abby sa wardrobe nang buong kumpiyansa, tulad ng dati, at bumalik na may dalang na mga damit na inilapag niya sa kama. Napanatili pa rin namin ang tiwala sa isa’t isa, sa kabila ng matagal na panahon na hindi kami nagkita o nag-usap. At tulad ng dati, hindi pwedeng hindi niya babanggitin ang kanyang kapatid. Akala ko noon, sa pagtagal ng panahon ay mawawala rin ang kabaliwang ideya niya na makita ang kanyang kapatid na kasama ang kanyang best friend, pero mukhang hindi. Patuloy pa rin niyang nanaisin na maging hipag ako hanggang sa huli. "Buntis ako", walang paligoy-ligoy kong bulalas, at tumigil siya sa paghahanap ng isusuot ko para sa gabing iyon. Kitang-kita sa mga mata niya ang pagkabigla, oo, sobrang nagulat siya, kaya't kinailangan niyang umupo sa kama at pinaypayan ang kanyang mukha gamit ang kanyang kamay sa isang dramatikong paraan, karapat-dapat maging isang drama queen. "Hindi maaari, iyan ba ang dahilan kung bakit ka nandito? Ayaw niya ba?" tanong niya na may magkahalong pag-aalala at galit sa boses, habang palipat-lipat ang tingin niya sa mukha at sa tiyan kong natatakpan ng roba. Naisip ko na kung ganoon lang sana, hindi ito magiging kasing-tragic ng totoong dahilan, pero ni hindi niya nga alam na buntis ako. "Niloko nila ako ng kaibigan ko," pagtatapat ko sa kanya ang tunay na dahilan para hindi siya mag-isip ng kung anu-ano, at tuluyang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Umupo ako sa tabi niya at ikinuwento ang malungkot na sandaling naabutan ko si Alexander na kasama si Rachel sa mismong oras na balak ko sanang sabihin sa kanya na magiging ama na siya. Ikinuwento ko rin ang tungkol sa pakikitungosa akin ng pamilya ni Alexander at ng ilang mga kaibigan nito na hindi talaga ako gusto. Patuloy si Abby sa pagmumura at pang-iinsulto sa pamilya Lancaster, sa mga kaibigan ng mga ito, at lalo na kay Rachel, na sa huli ay lumabas ang tunay na kulay bilang isang pekeng kaibigan. " Alam mo ba? Sa nangyaring ito, ipinapakita mo na mas malakas ka kaysa inaakala ng kahit sino. Kung ako ang nasa lugar mo, baka mamamatay na ako, hindi! Maghahanap ako ng paraan para maghiganti. Pero tingnan mo ikaw, kalmado at puno ng kumpiyansa, yan ang kaibigan ko! Higit sa lahat, hindi karapat dapat ang gag*ng iyon sa isang babaeng tulad mo, at ang walang-hiyang babae na iyon, anong klaseng mga kaibigan ang nahanap mo? Wala siya ni katiting na dignidad. Karma ang bahala sa kanila, umupo ka lang at panoorin mo kung paano sila magbabayad. Tingnan mo, bagay na bagay sa’yo ang damit na ito. Tatawagan ko ang aking mga stylists para sila na bahala sayo". Tumayo siya mula sa kama, iniwan ang mga damit na hindi niya napili, at tumawag gamit ang kanyang cellphone. "Rose, pumunta ka sa Doinel villa, magiging espesyal ang gabing ito." Napuno ang club ng mga kilalang tao sa mataas na antas ng lipunan. Nag-organisa ang aking ama ng isang eksklusibong pagtitipon, kung saan hindi basta-basta makakapasok ang kahit sino, lalo na ang mga paparazzi na hindi pinapalampas ang pagkakataon na maglabas ng balita tungkol sa mga kilalang tao. Ginawa niya ito higit para sa kadahilanang ang media ay hindi malaman ng tungkol sa pagkakakilanlan ng tagapagmana ng Doinel. Mas gusto ng aking ama ang ganito simula nang minsang may nagtangkang dukutin ako para sa malaking halaga ng ransom. Sa kabutihang-palad, bata pa ako noon at wala akong anumang natatandaan sa insidenteng iyon. Ang pulang damit na may mga diamante sa palda mula sa koleksyon ng aking ama ay mas nagpatingkad sa aking makinis na balat at sa aking maliit na baywang. Ang mahahabang palda ay may mataas na slit na nagpapakita ng aking kanang binti, at tiyak na magmumukhang sexy pero disente. Hinayaan kong nakaladlad ang aking kayumangging buhok sa aking balikat, na ipinapakita ang bukas na likod ng damit. Mahusay ang ginawa ng mga stylists sa banayad kong make-up, ipinapakita nito nang tamang-tama at hindi eksaherado ang bawat detalye ng aking mukha. Pakiramdam ko ay komportable at kuntento ako sa resulta, ngunit hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Maraming taon na ang lumipas mula nang huling dumalo ako sa anumang high society events, lalo na yung mga inorganisa ni Leonardo Doinel. Isinantabi ko lahat ng iyon upang makasama si Alexander, na kahit pa dumadalo sa mga katulad nitong pagtitipon at malalaking events para sa kanyang kumpanya, isang beses lang akong dinala at hindi ako nagtagal ng mahigit dalawampung minuto. Nakilala ko ang kanyang kapatid na babae at ang kanyang ina, na naghintay ng pagkakataon na wala si Alexander para atakehin ako dahil sa pagdalo ko sa isang event na para lamang sa mayayaman at mga importanteng tao, hindi para sa isang hindi kilalang tulad ko. Ang totoo, wala akong pakialam sa mga sinasabi nila tungkol sa akin, binalewala ko ang kanilang paulit-ulit na pag-atake, ngunit umalis ako sa lugar nang sabihin nilang maaapektuhan ang imahe ni Alexander dahil sa pagkakaroon ng isang mahirap na asawa na may kahina-hinalang pinagmulan ng pamilya. Sobrang nabulag ako sa pagmamahal, kaya mas pinili kong protektahan ang kanyang imahe, at iniwasan kong makita siyang kasama ako sa mga importanteng kaganapan. Kalilimutan ko na ang mga alaalang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD