Chapter 8

1946 Words
Chapter 6: Ang paghihiwalay ISINASALAYSAY NI ALEXANDER: Hindi ako makapaniwala na seryoso si Sarah sa aming paghihiwalay, wala siyang mapupuntahan at walang matatakbuhan. Hindi ko kailanman nakilala ang kanyang pamilya at ayaw niyang pag-usapan sila Pag-uwi ko, nakita ko ang aking kapatid na sinusukat ang bagong koleksyon. Tinanong ko siya kung andito ba s’ya maghapon hanggang ngayong gabi. “Alex! Gusto kong sabihin sa’yo na ang bagong koleksyon ay kamangha-mangha. Hindi na ako makapaghintay na mai-launch ito agad-agad”, sabi ni Gina na kita ang kasiyahan, tulad ng reaksyon nito palagi pagkatapos subukan ang lahat ng damit mula sa mga bagong koleksyon. "Nasa kwarto ba si Sarah?" tanong ko, hindi pinapansin ang excited kong kapatid, habang tinatanggal ang aking kurbata. Simula nang pumasok ako sa pinto, wala akong narinig na kahit anong ingay mula kay Sarah, kahit alam kong nandiyan siya dahil nakaparada ang kanyang sasakyan sa labas. “Wala s’ya rito”. Mabilis na sagot ng aking kapatid, at mabilis na bumalik sa kanyang wardrobe. Tumingin ako sa kanya nang naguguluhan at lubos na nalilito. Paanong wala siya dito kung nandiyan ang kanyang sasakyan? Hindi nagtagal, nawala ang pagkakakunot ng aking noo nang maunawaan ko kung ano ang nangyayari. Pina-prank ako ng aking kapatid, siguro gusto niyang subukan ang aking pasensya. Ayoko nang aksayahin pa ang oras ko kay Gina pag siya’y umaastang bata. Umakyat na ako patungo sa kwarto. “Sarah”. Tawag ko nang hindi ko siya makita sa kwarto. Pumasok ako sa banyo, ngunit wala siya roon. Walang bakas ng kanyang presensya kahit saan, lahat ay hindi nagalaw, gaya ng kung paano ko iniwan ang lahat bago pumunta sa kumpanya. "Sarah, nandito na ako. Mag-usap tayo." sabi ko. Hinubad ko ang aking suit at iniwan ito sa aparador. Tinaboy ko ang anumang ideya na si Sarah ay wala sa bahay nang makita kong naroon ang lahat ng kanyang mga damit kung saan ito nakatago at ang maletang dinala niya para sa kanyang isang linggong bakasyon na umabot lang ng ilang araw. Bumalik ako sa kwarto at may nakaagaw ng pansin ko. Nasa kama ang mga susi ng sasakyan ni Sarah at ang mga credit cards n’ya. Ano'ng ginagawa ng mga ito dito? Napaka-organisado ni Sarah sa mga gamit niya, hindi niya ito iiwan dito. Binuksan ko ang kanyang drawer kung saan niya itinatago ang mga mahahalagang gamit upang ilagay ang kanyang mga susi at cards, at doon bumagsak ang puso ko nang mapansin ko ang isang maliit na detalye. Ang kanyang mga papeles, mga dokumento, ang alahas na itinatago, lahat ay nawala. Talaga bang umalis siya? Totoo ba ang sinasabi ng kapatid ko? Bigla, nakaramdam ako ng bigat sa aking dibdib at lalo pang sumama ang aking pakiramdam nang maisip ko na umalis siya sa bahay. Pero saan siya pupunta? Kanino? Hindi siya kumuha ng kahit isang sentimo, at gaano ko man isipin, hindi ko maintindihan kung paano niya nagawang ituloy ang kanyang sinabi. Sa kabila ng lahat, hindi ko kayang ipagsawalang-bahala s’ya matapos ang dalawang taon ng aming pagiging mag-asawa. Hindi ako makatulog buong gabi. Ito ang unang pagkakataon na natulog akong pakiramdam ko ay may kulang. Hindi ako komportable sa katahimikan ng silid. Hindi ko naririnig ang mahinahong paghinga ni Sarah habang siya’y natutulog. Ang lamig ng kama ang naging bagong kong kasama. Kinabukasan, nalaman na ng pamilya ko ang nangyari, at sinumpa ko ang kapatid ko dahil sa kadaldalan nito. Ang aking ina ang unang dumating nang maaga, nang ako’y naghahanda na para mag-jogging. “Anak, gusto kong malaman mo na ito ang pinakamatalinong desisyon na nagawa mo sa loob ng maraming taon. Sinisira lamang ng babaeng iyon ang imahe mo. Walang nakakalam tungkol sa kanyang pinagmulan, pero malinaw na siya ay mahirap at hindi bagay sa iyo. May mas karapat-dapat sa’yo”. Sabi ng aking ina habang ako ay umiinom ng kape, nakikinig ng mabuti sa kanya nang hindi inaalis ang aking tingin sa kanya. Hindi ba gusto ng aking ina si Sarah? Ganito na ba ang iniisip nila tungkol sa kanya buong panahong ito? Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na galit sa paraan ng pagsasalita ng aking ina tungkol sa asawa ko. Wala siyang karapatang tratuhin ito ng ganoon. "Siya ang humingi annulment sa akin", sabi ko. Agad na lumitaw ang pagkabigla sa mukha ng aking ina. Gusto kong linawin na siya ang nagdesisyon para sa isang makatarungang dahilan. “At please, huwag kang magsalita ng ganyan tungkol sa kanya. Maaaring hindi kilala ang kanyang pinagmulan at blangko ang nakaraan n’ya, pero ang mga pagpapahalagang itinuro sa kanya ay mas nagpapakita ng tunay niyang pagkatao kaysa sa mga milyon na wala siya upang ikasaya mo.” “Sigurado akong nakahanap siya ng mas mayaman, isa siyang mukhang pera!”. Aniya pa, hindi pinansin ang aking hiling na huwag magsalita ng masama tungkol sa dito. “Magandang araw, Mom”, sabi kong nagpapahayag ng pamamaalam. Upang umalis na siya sa aking bahay, bago pa tuluyang maubos ang konting pasensya na natitira sa akin. Alam ko ang katotohanan na ang pinakahuling bagay na pinahalagahan niya ay ang pera ko, hindi niya kailanman ginamit ang mga cards na ibinigay ko sa kanya para sa kanyang buwanang gastusin, hindi siya humingi ng kahit isang sentimo sa akin, pinakasalan niya ako dahil sa pagmamahal at iyon ang nagpapahirap sa akin sa mga sandaling iyon. Ako ang unang lalaki niya, at ang unang kabiguan nya. Nang sumapit ang gabi, hindi ko na mabilang kung ilan na ang naiinom ko, gusto kong burahin ang hindi kanais-nais na pakiramdam ng pagsisisi, mahigit isang araw na wala akong naririnig mula sa kanya, kung okay ba siya o kung sino ang kasama niya. Ang kanyang cellphone ay out-of-service at hindi siya tumatanggap ng mga mensahe. Binlock niya ako. Wala nang paraan para makontak siya. Tumunog ang doorbell at dali-daling binuksan ng kasambahay ang pinto nang walang imik. "Oh, tingnan mo, naglalasing ka ba dahil kay Sarah? Anong nangyayari sa'yo? Naghihintay ako sa apartment ko para tapusin ang nasimulan natin". Si Rachel ang huling tao na gusto kong makita. Ang pang-blackmail niya ang nagdala sa akin kung nasaan ako ngayon. “Anna, bakit mo siya pinapasok?” tanong ko sa kasambahay nang may malamig na tono at lumapit ito sakin na halata ang takot sa kanyang mukha. Hindi na mahalaga, hindi ko tatakutin ang aking tauhan dahil sa babaeng ito. “Hindi bale na, huwag mo nang isipin, magpatuloy ka na sa iyong trabaho”. “Ayaw mo na ba akong makita? Parang hindi ganyan ang sitwasyon kahapon nang halos angkinin mo na ako”. Sa tuwing aalalahanin ko ang sandaling iyon, ang sandaling dumating si Sarah ng hindi inaasahan sa opisina ko, na dapat ay nasa Bohol siya. God, hindi ko maalis sa isip ko ang itsura ng mukha niyang puno ng pagkabigo, ang mga mata niyang punong-puno ng luha, ang paraan ng pagtitig niya sa akin ng may pagkasuklam, at kahit gusto kong magpaliwanag, wala nang anumang makakapagjustify sa akin kataksilan. Hindi ganun ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Ang mga mata niya ay kumikislap kapag nagtatagpo ang aming mga tingin. Isang malaking pagkakamali ang nagawa ko sa kanya, nasaktan ko ang taong hindi karapat-dapat sa ganung trato, at kahit hindi ito lumalim, nagsimula ako ng isang bagay na hindi kailanman dapat nangyari, na hindi ko sana pinayagan. “Tumahimik ka, Rachel, alam mo ang dahilan kung bakit muntik nang may mangyari sa atin, at hindi dahil gusto ko”, singhal ko bago ko tuluyang inumin ang huling lagok ng hawak kong brandy. “Love, paano mo nasasabi ‘yan sa akin ngayon? Matapos ang lahat ng nangyari satin, totoo na hindi natin naabot ang puntong gusto ko, ganoon na rin iyon, gusto mo pa ng isa pang inumin?” Lumapit siya upang kunin ang hawak kong walang laman na baso, tiningnan ko siya ng may galit at panunuya. “Gusto kong umalis ka na sa bahay ko.” Sabi kong inis sa kanyang presensya. “Pero kakarating ko lang. Ano ka ba, gusto mo bang malaman ng lahat ang iyong lihim o tuparin ko ang ipinangako ko sa’yo, magiging malungkot iyon para sa’yo”. Nagtagis ang mga panga ko, ang galit ay kitang-kita sa aking mga mata, pinipigilan ang kagustuhang hilahin siya sa buhok at itapon siya palabas ng bahay ko. Pero siyempre, magpapatuloy siya sa kanyang pang-ba-blackmail kahit nakuha na niya ang gusto niya. Sana lang ay maresolba agad ng mga abogado ko ang isyu, upang hindi ko na kailangang mabuhay sa pagdurusa sa pang-ba-blackmail ni Rachel, at upang maging ligtas kaming lahat. Sinalinan niya ako ng dalawang baso ng brandy at kahit na sa umpisa ay ayaw ko itong tanggapin, kinuha ko din ito dahil sa kanyang paulit-ulit na pagbabanta. Galit ako kay Rachel, pero mas galit ako sa aking sarili dahil sa pagiging mahina at duwag ko, isa akong respetadong tao, pero nakagawa ako ng malaking pagkakamali na pinagsisisihan ko. Gusto ko sapakin ang aking sarili dahil sa pagpili ng pinakamadaling opsyon. Hindi ko alam kung anong punto nagsimulang maging malabo ang paningin ko, hindi ako sanay na nalalasing ng mabilis kahit pa nakainom na ako ng ilang baso, hindi pa ako naaapektuhan hanggang sa mga oras na iyon, ang huling naaalala ko ay si Rachel na inaakay ako paakyat sa kwarto habang hinahaplos ang katawan ko. Nagising ako na matindi ang sakit ng ulo, ang mga alaala ng nakaraang gabi ay nanumbalik sa akin, kaya’t lalo sumakit ang ulo ko, kahit na sa totoo lang, ang tanging naaalala ko ay pagsisikap kong makaakyat ng hagdan at pagkatapos ay nakatulog na sa kama nang hindi na alam kung anong sumunod na nangyari. Tumingin ako sa tabi ko, ang nakahubad na si Rachel ay mahimbing na natutulog na para bang wala siyang kahit anong problema. Sinubukan kong alalahanin kung may nangyari sa pagitan namin noong nakaraang gabi, pero ang totoo, wala na akong naaalala pagkatapos kong humiga sa kama. Ginising ko siya nang walang kahit anong delicadeza at itinaboy siya palabas ng bahay ko, at sa pagkakataong ito, nagtagumpay ako. Ang makita siyang nakahiga sa bahagi ng kamang para sa asawa ko ay nagpapakulo ng aking dugo. Hindi na niya kailaman mapapantayan si Sarah. Bumaba ako para mag-agahan na may pinakamasamang disposisyon na naranasan ko sa maraming taon at isang matinding sakit ng ulo, ngunit hindi ito maikukumpara sa sakit ng dibdib na dulot ng kapansin-pansing pagkawala ng aking asawa. Ibinigay sa akin ni Ana ang mga liham at isang partikular na sobre ang nakakuha ng aking pansin. Inihilamos ko ang aking mga kamay sa aking mukha, nakakaramdam ng pagkabigo at inis sa aking sarili dahil hinayaan kong magtapos ang lahat sa ganito. Pinagsisisihan ko ang pagbibigay kay Rachel ng kalayaan na gawin ang gusto niya sa akin basta’t hindi niya ibubunyag ang lihim na itinagong ko ng mahabang panahon, at hindi ko alam kung paano niya natuklasan ito, lalo na kung ano ang ginamit niyang banta laban sa akin. Binuksan ko ang sobre at binasa ang bawat salita sa dokumentong iyon na mabilis ang kabog ng dibdib. Ito na ang huling hagupit na nagpatumba sa kamelyo. Ibinalibag ko ang lahat ng nasa lamesa, ang mamahaling china at mga kristal na baso ay nabasag nang tumama sa sahig, kasama ng mga hindi nagalaw na pagkain. Tumapon ang orange juice sa buong lamesa, dumagdag sa kalat sa sahig. Parang hindi pa sapat, tinapon ko pa ang mga silya sa aking daraanan, para bang ang mga ito ang may kasalanan sa mga resulta ng aking mga maling desisyon. Ito ang annulment certificate, tanging ang pirma ko na lang ang kulang. Ang mga annulment papers.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD