"My god! Lea!! Ahhh!! what happened... what happened to you?!!"
Sigaw ng Isang Babae habang yakap ang babaeng huling pinaslang ni Zoe.
"PAPATAYIN KO ANG GUMAWA SA KAPATID KO NG KAHAYUPAN NA ITO!!! MGA DEMONYO!!"
Sigaw ni Liza na puno ng puot at galit sapagkamatay ng nag-iisang kapatid. Ang magkapatid na ito ay si Lea at Liza Temberlake The Heiresses of Temberlake Organization.
HABANG nagdadalamhati ang dalagang si Liza. Si Zoe ay buhat ng hindi kilalang tao. Umaga na ngunit tulog pa din Ito.
"Pare, bakit mo pa yan kinuha? Nakakadiri! Tignan mo oh! Puno siya ng dugo!"
Diring diri na Turo ni Andrei habang nakangiwing tinitignan ang babaeng buhat ni Tyrone.
"Maka kadiri ka naman jan wagas! Parang kagabi lang sarap na sarap ka pa sa dugong sinipsip mo sa mga nag-camping dito."
Walang ganang komento ni Liam sa kaartehan ni Andrei.
"Psh! Kailan ko pa hiningi yang opinyon mo liam? Manahimik ka jan kung ayaw mong sipsipin ko yung dugo mo at itong babaeng buhat ni Tyrone na sobrang tamis at amoy masarap na sariwang dugo ng babaeng to—"
Hindi naituloy ni Andrei ang sasabihin niya ng maramdaman niyang nakatingin ng masama si Tyrone at nakalabas ang mga pangil na handa siyang kagatin ano mang oras.
"Subukan mo lang.. Ako mismo ang papatay sayo Andrei."
Maydiin at may pagbabantang sabi ni Tyrone. Napalunok laway si Andrei sa takot. Kilala niya si Tyrone. Kung anong sabihin nito talagang gagawin nito kaya Hindi na lamang siya umimik ngunit sa hindi inaasahan napalingon siya kay Liam na nakangisi sakanya ng nakakaloko. Binigyan niya Ito ng isang masamang tingin ngunit Hindi rin nagpatinag si Liam na asarin pa lalo si Andrei.
"Imbis na mag-inis-an kayong dalawa jan, bakit hindi niyo isipin kung sino itong buhat ko. Hindi natin siya nakita sa mga grupo ng mga nagcamping dito sa V forest at ang mas nakakapagtaka... halatang sinugod ng isang hayok na bampira ang dalawang bangkay kanina base sa mga katawan nito dahil halos maubos ang dugo nito. Pero ang nakakapagtaka lang din.... bakit buhay pa ang isang to at puno ng dugo ng Tao at hindi ng sariling dugo niya?"
Takang tanong ni Tyrone. Kanina niya pa kasi iniisip kung bakit buhay pa ang babaeng buhat niya.
"Baka naman ginawa siyang bampira."
Seryosong sagot ni Liam at hindi na lamang pinansin si Andrei na nang-aasar.
"Posible rin naman pero amoy dugo siya ng tao."
Nagtataka paring sagot ni Tyrone kay Liam.
"Syempre puno ng dugo ng tao yang bitbit mo."
Nakangising sagot ni Andrei. Nakatanggap naman siya ng death glare kay Tyrone.
"Huwag mo akong Ginagago Andrei Boulst! Use your f*****g Commonsense!"
Nanggigil na sigaw ni Tyrone. Natigalgal naman si Liam Shreig at Andrei Boulst dahil tuloy tuloy na pumasok si Tyrone H. Kraig sa Vampire University bitbit ang dalagang Si Zoe Hazen.
"Tyrone! Where have you been— Who's that freakin' b***h?!"
Nakatanggap ng masamang tingin si Carla Foreill kay Tyrone H. Kraig na nilagpasan lang siya.
"Woah! Great! Just great! Ty."
Naiinis na sigaw niya saka padabog na nag-walk out pero may nabunggo pa siya na lalong nagpainis sakanya. It's Liam Shreig. Her most Enemy.. Ang dakilang pakilamero ng buhay niya.
"Watch your freakin' way Asshole!"
Gigil na sigaw niya sa binata. Nginisian siya nito na lalo lang nagpataas ng Inis niya.
"Sarili mo ba sinasabihan mo? I think sarili mo nga.. good girl."
Nang-iinis na sabi nito saka siya binunggo.
"Arghhh! f**k you Liam Shreig!"
Gigil na gigil niyang sigaw saka nagmartsa paalis.
PINUPUNASAN ni Tyrone ang mukha ng dalagang dinala niya sa kanyang dorm na puno ng dugo. Alam niyang maraming bampirang nakamasid sakanila kanina kaya agad niya itong pinasok sa dorm niya. Pansin niyang matatalas ang tingin ng mga Ito sa babaeng bitbit niya dahil nga sa amoy ng dugo nito na napaka-tamis.
"Sino ka ba? Tao ka lang kaya kawawa ka dito. Parusa yun sa pagpapahirap mo saking mag-isip!"
Naiinis na bulong ni Tyrone sa dalaga ng bigla itong gumalaw at magdilat ng mata. Ang masaklap...
Sinampal niya si Tyrone H. Kraig. The Supreme Student of Vampire University Na mas kilalang 'the brute supreme student of V.U' Kahit na sinong bampira sa V.U hindi pa siya nahahawakan. Except sa Nurse/Doctor/Scientist ng clinic nila ang 'mom' niya. Isa rin itong bampira. Bampirang may puso at may awa sa mga tao na napapadpad sa V.U dahil matapos niya itong gamutin kung may sugat man... tutulungan niya itong makalabas ng gubat upang manatiling buhay at maka-uwi sa pamilya nito. Ganoon din naman ang ibang mga bampira dito sa V.U hanggat kontrolado nila ang kanilang sarili. Ngunit dahil nga may mga pasaway na bampira tulad nila Andrei na mabilis mapikon. Agad nilang dinadakma ang mga taong walang alam na sila ay bampira.
"you... slaped me."
Hindi makapaniwalang daing ni Tyrone. Mabilis namang umatras si Zoe at dinuro si Tyrone.
"Kasalanan mo yan! Bakit ba kasi sobrang lapit ng mukha mo sakin?! Hahalikan mo ako no?! Siguro r****t ka! Nasaan ba ako?! Saan mo ako dinala?!"
Nahihintakutang tanong ni Zoe dahil hindi niya alam kung nasaan siya at kung sino ang lalaking nasa harap niya. Wala siyang maalala maliban na lang ng matapos siyang maghugas at manonood na ng T.V hanggang doon lang at wala ng iba. Wala na siyang alam sa mga nangyari o ginawa niya.
"Nasaan ka? Andito ka sa kwarto ko... at tama ka r****t ako. Kaya be ready dahil hindi ako gentleman. Wala sa bokabolaryo ko yun."
Nakangising pananakot ni Tyrone. Nagulat na lamang siya ng humagulgol Ito ng iyak. Hindi niya inaasahan iyon kaya nataranta siya at hindi alam ang gagawin.
"f**k! S-stop Crying!"
Sigaw niya Kay Zoe na mas lalong nagpahagulgol dito at ngayon nanginginig na sa takot.
"oh shit.. Nagbibiro lang naman ako kaya tumigil kana sapag-iyak na parang bata!"
Ninenerbyos na sigaw ni Tyrone dahil ngayon lang may ngumawa sa harap niya. At yung ngawang yun puno ng takot sakanya. Nagbibiro lang naman siya at hindi naman talaga yun ang intensiyon niya sa dalaga.
Tumigil na Ito sapag-ngawa pero humihikbi Ito ng nakayuko. Hahawakan na niya sana Ito para humingi ng tawad na hindi naman niya ginagawa ng biglang bumukas yung pinto ng kwarto niya at iniluwa non ang mom niya.
"Tyrone anong ginawa mo?!"
Sigaw ng mommy niya saka mabilis na tumakbo palapit sa babaeng binitbit niya at ngayon bitbitin niya. s**t. Bakit ngayon ko lang naisip na bitbitin ko yan dahil ako ang nagdala sakanya dito!