"Shhh... huwag kanang umiyak.. hindi masama ang anak ko. Kung ano mang sinabi o ginawa niya sayo biro niya lang yun" Pagpapatahan ng mommy ni Tyrone kay Zoe na patuloy paring humihikbi. Wala na si Tyrone sa dorm niya dahil umalis Ito upang makapag-usap ng maayos ang dalawa.
"Nasaan po ba ako? Gusto ko na pong umuwi."
Nangangambang tanong ni Zoe dahil gusto na niyang umalis sa lugar na yun.
"Sasamahan kitang lumabas sa gubat"
Muntik na siyang masamid sa sinabi ng babaeng kaharap niya. Tumakbo siya papuntang bintana at halos malaglag ang panga niya sa nakita. Nasa University ako sa gitna ng gubat?! Nananaginip ba ako?! Nagdedeleryong tanong niya sa sarili.
"P-paanong may school dito? Sa gitna ng kagubatan?!"
Nagtatakang sigaw niya na halos sabunutan ang sarili habang nakatingin sa mga istudyante na palakad-lakad.
"Andito ka sa V. University"
So, nasa V forest ako kung saan nakatirik ang V University. Great! Nakakagago! Pagak siyang tumawa saka tumakbo sa pinto.
"Aalis na po ako"
Nagmamadaling paalam niya saka binuksan ang pinto At lumabas.
"Sandali-"
Hindi na natuloy ang sasabihin ng ina ni Tyrone na si Jean dahil sa nakita sa katawan ng dalagang si Zoe.
"P-paano mo yan nagagawa?"
Napatingin siya sa sarili ng mapansing nakatitig ang lahat sa Suot niyang damit.Fuck!
Puno ng dugo yung damit ko pero unti unti yung nawawala!
Namamalikmata ba ako?!
"kamukha niya si Queen Cecelia!"
"Baka si Queen cecelia yan!"
"Imposible! Tao siya!"
"nakita niyo naman kung paano maglaho ng parang bula yung mga dugo sa damit niya diba! Kaya walang imposible sa estranghera na yan"
"pero kasi Tao siya! At yung dugo niya... ang TAMIS! nakakaakit!"
"Sariwang... sariwa..."
Napaatras siya ng makitang namula bigla ang mga mata at lumabas ang mga pangil ng mga istudyanteng nasa paligid niya at palapit Ito ng palapit sakanya. H-halimaw? P-paanong..
"Anong kalokohan to?!"
Napalingon siya sa sumigaw at nakita niyang palapit sakanya yung lalaking may dahilan kung bakit siya nasa paaralang iyon. Si Tyrone. Kasama sina Andrei at Liam.
"Ikaw ang sisisihin ko kapag may nangyaring masama sakin!"
Bulyaw niya na parang wala sa panganib ang kanyang buhay. pinaghahampas niya si Tyrone na masama ang tingin sakanya.
"What the f**k! Nagawa mo pa akong hampasin kahit alam mong mamamatay kana dito!"
Nanggigil na sigaw niya kay Zoe saka hinawakan ng mahigpit ang dalawang kamay nito at kinaladkad paalis sa lugar na yun.
"Bitawan mo nga ako! Ano ba!"
Pilit na inaalis ni Zoe ang kanyang braso sa mahigpit na pagkakahawak ni Tyrone. Pero sadya talaga itong malakas kaya nahatak siya nito sa likod ng University kung saan may maliit na kubo at napapaligiran ng mga nag-gagandahang mga bulaklak. Natahimik si Zoe at mariing pinagmasdan ang paligid.
"Ang ganda."
Nakangiting sambit niya. Hindi na nga niya napansing binitawan na siya ni Tyrone na ngayon nakatitig sa mukha niyang may bahid ng Saya sa ganda ng paligid na nakikita niya.
"Tama na yang kadramahan mo!"
Sigaw sakanya ni Tyrone saka ulit siya kinaladkad. Paalis doon.
"Teka saan ba kasi tayo pupunta?! Hindi mo naman ako kailangang kaladkarin eh!"
Naiinis na binitawan siya ni Tyrone saka dire-diretsong pumasok sa Mall na nasa tabi lang ng V.U. napanganga naman si Zoe sa nakita. Kung sino man ang nagmamay-ari ng V.U at mall na yan siguradong napaka-yaman. Hanggang sabi niya sa isip.
"Anong iniisip mo?"
Takang tanong ni tyrone sakanya na tinaasan niya ng kilay.
"Pake mo ba? Saka private yun! Mabuti na lang at hindi ka mind reader!"
Mataray na sigaw niya dito saka inirapan.
"Lahat ng Andito puro mind reader. Kaya Lahat ng taong napapadpad dito nababasa namin ang iniisip. Except you"
Napakurap-kurap siya ng hindi pa nagsi-sink in sa isip niya ang mga sinabi ni Tyrone. Napailing na lamang Ito habang tinitignan siya.
10%
20%
30%
40%
50%
60%
70%
80%
90%
95%
99%
100%!
"MIND READER KAYONG LAHAT?!"
halos lumuwa ang mga mata ni Zoe sa gulat ng mag-sink in sakanya ang sinabi ni Tyrone. Lahat naman ng nasa paligid nila ay nakangiti na napapailing na lang dahil sa kaingayan nito at ang epic nitong reaksiyon.
"Itikom mo nga yang bibig mo! Nakakahiya ka!"
Naiinis na sigaw ni Tyrone saka hinatak si Zoe papasok sa mall. Ang kaninang mga Istudyanteng naiiling-iling sakanila kanina ay napalitan ng gulat. Dahil nga kamukha ito ng sinasabi ni lang Queen Cecelia at hawak Ito ng Supreme student na kahit sino ay wala pang nakakahawak maliban sa ina nito.
"Ano ba kasing gagawin natin dito?!"
Sigaw ni Zoe na nakakaagaw nanaman ng pansin. At kung anong reaksiyon ng mga Istudyante kanina sa labas, ganun din ang reaksiyon ng mga istudyante sa loob ng mall.
"Shut up!"
Pinandilatan ng mata ni Tyrone si Zoe sa galit pero nagmatigas din si Zoe dahil binigyan siya nito ng death glare.
"Shut up your face!"
Nanlilisik ang matang sigaw ni Zoe. Nagpupuyos naman sa galit na kinaladkad ni Tyrone si Zoe sa Clothes Area.
Lahat ng mga makitang damit ni Tyrone na babagay kay Zoe dinadampot niya. Kinuhaan niya rin Ito ng Uniform para pumasok Ito sakanyang klase upang mabantayan.
"Mahilig ka pala sa mga damit na pambabae ah."
Nakangising komento ni Zoe habang nakatingin sa mga damit na pinagdadampot ni Tyrone.
Hindi na lamang pinansin ni Tyrone ang katangahan ng babaeng kasama niya. Hindi ba niya naiisip na para sakanya to?! Kung sakin lang namang mga damit to Hindi ko na siya kailangang isama pa! dahil sakit lang siya ng ulo! Stupid girl. Nanggigil na bulong ni Tyrone sa isip dahil sa sinabi ni Zoe.
What the hell?! Bubulong-bulong naririnig ko naman! Malay ko bang para sakin pala yang mga damit nayan dahil uuwi na rin naman ako! Maka stupid girl wagas! Palibhasa dakila siyang jerk! Hmpt! Bulong ni Zoe sakanyang Isip sa narinig niya mula sa binata. Ang hindi niya alam.. yung bulong na sinabi ni Tyrone ay sa Isip at hindi sa bibig ngunit baliktad ang pagkakaalam niya. Dahil ang alam niya mahina itong binulong ng binata dahil nakayuko Ito habang kumukuha ng mga damit niya.