"ARAY ha! Hindi mo man lang ba ako tutulungan dito?! Ang bigat kaya!"
Reklamo ni Zoe habang bitbit ang mga paper bags na naglalaman ng mga damit niya. Tinignan siya ng masama ni Tyrone dahil kanina pa siya reklamo ng reklamo.
"Reklamadora! Buhatin mo yang mga yan dahil damit mo yan!"
Sigaw sakanya ni Tyrone. Itinirik niya ang mga mata at sumunod na lamang dito ng may maalala siya. Tama nga sabi ng bugok na to sakin. Wala sa bokabolaryo niya ang salitang GENTLEMAN! bwisit! Hindi naman talaga kasi ako nabibigatan, ewan ko ba pero parang isang papel lang ang hawak ko dahil ang gaan. Kaya lang ba naman ako nagpapaawa effect para mabawasan to kasi sobrang dami! Lahat pa ng tao dito naka tingin! Sana nga lahat sila tao hindi katulad nung mga istudyanteng nasa labas ng kwarto nitong si Mr. Wala sa bokabolaryo ko ang salitang gentleman! Na mga aswang! Namumula ang mata tapos may pangil! Teka, hindi ba alam yun ng iba?
"Ano ba kasing Iniisip mo?"
Napatigil si Zoe sa nagsalita. Si bugok/Hindi Gentleman lang pala.
"Basahin mo"
Nakangising sagot ni Zoe. Tinitigan siya ni Tyrone at muling binasa ang nasa isip nito.
"Arghhhh!!"
Napahawak sa ulo si Tyrone sa sakit! Parang maytumitili sa loob ng utak niya na magiging dahilan kung bakit Ito sasabog. Natataranta namang hindi alam ni Zoe ang gagawin kay Tyrone na naka luhod at sumisigaw. Aksidente niyang nahawakan ang ulo nito. Biglang tumigil sa pagsigaw si Tyrone. Wala na. Hindi na masakit.. a-ang ginhawa sa pakiramdam. Nakayukong bulong ni Tyrone sa Isip. Napangiti naman si Zoe sa narinig kaya binitawan na niya Ito sa ulo at mukhang hindi Ito napansin ni Tyrone. Dinampot na ni Zoe lahat ng Paper bags saka lumabas ng mall sapag-aakalang alam ni Tyrone na nasa labas na siya.
Nagpakawala ng malalim na hininga si Tyrone saka tumayo. Nagulat siya ng wala na sakanyang tabi si Zoe. Nasaan na yun?! takang tanong niya sa sarili. Nang mapansin niyang lahat ng nasa mall ay nakatingin sa labas ay ganun din ang ginawa niya. Nakita niya si Zoe na binitawan lahat ng paper bags at tinulungang tumayo ang bata na nadapa. Binuhat Ito ni Zoe saka ipinatong ang ulo sa kanyang balikat. Napatakip ang lahat sa bibig ng makitang kakagatin na ng bata sa leeg si Zoe. Patakbo pa lang doon si Tyrone ng buhatin ulit Ito ni Zoe at nginitian. Wala na ang matalas at mapula nitong mata ng iharap ito ni Zoe.
Napapantastikohan naman ang iba ng mapagsino ang batang iyon.si Andrea bunso sa pamilyang hexerian ang mortal nilang kaaway. At kung andito ang bunso siguradong andito din ang panganay. Si Ryouje. Nakapagtataka.. bakit Hindi niya tuluyang sinakmal si Zoe gayong wala naman silang awa at pakielam Kung may mamatay dito dahil sakanila. Isip isip ni Tyrone habang nakatingin sa dalawa. Nabigla na lang sila pati si Tyrone ng niyakap si Zoe ng batang si Andrea at ngumiti ng matamis. Sino ka bang babae ka? Tanong ni Tyrone sa sarili habang nakatingin sa mukha ni Zoe na masaya. Lumabas siya at lumapit sa dalaga.
"Tara na"
Bored na sabi ni Tyrone saka tinignan ang batang si Andrea na masama ang tingin sakanya. Matamis ang dugo niya at alam ko amoy na amoy mo yun kaya bakit hindi mo sinipsip? Kausap ni Tyrone kay Andrea sa Isip. Ngumisi ang bata saka sinagot ang tanong niya.
None of your business.
Yun lamang ang sinabi nito bago umalis sa harap niya. Anong matamis na dugo? Ang weird nila ah! Isip isip ni Zoe habang nakakunot noo. Samatalang ang mga nasa paligid nilang istudyante ay tahimik na binabasa ang isip ni Zoe na wala namang kahit na anong pwedeng mabasa dahil blanko ang isip nito para sa mga nakapaligid sakanila. dahil wala silang mabasa na kahit na ano sa isip ni Zoe na ikinakunot nila ng noo.
May pagtatakang nakatingin sila sa dalagang papalayo kasama si Tyrone.
"Bakit wala akong mabasa sa Isip niya?"
Hindi na natiis ng isang istudyateng magsalita dahil sa pagtataka.
"Kahit ako.. hindi ko rin nabasa ang iniisip niya kahit halata namang may iniisip siya pero wala talaga akong nabasa!"
Naguguluhang sigaw pa ng isang istudyante.
"Manahimik ka, hindi lang kayong dalawa ang walang nabasa sa isip ng dalagang iyon. Tayong lahat, walang nabasa sa isip niya. Para siyang espesyal sa university na Ito. Dahil kung iisipin niyong mabuti. Kamukhang kamukha niya ang queen. Hinahawakan siya ng supreme student, nginitian at niyakap siya ng isang hexerian at sobrang tamis ng kanyang dugo. Hindi kaya magbago ang takbo ng buhay natin sakanya?"
Napaisip din ang iba sa sinabi sakanila ng- nanlaki ang mata nila ng mapagtantong si madame lourie pala ang nagsalita. Mas lalo silang napahanga sa bagong Tao na napadpad sa lugar nila. Maski ang madame nila ay nahihiwagaan.
"Sino ba siya?"
Yan ang tanong na lumabas sa mga bibig nilang lahat.
"SAAN kayo galing?"
Bungad ng Ina ni Tyrone na nasa dorm pa pala niya.
"Mall"
Tipid na sagot ni Tyrone sa pumasok ng banyo para mag shower.
"Anong ginawa niyo doon? Hija"
Tanong muli ni Jean pero Hindi na sa kanyang ana. Kay Zoe. At mukhang hindi nito napansin ang mga paper bags nabitbit ni Zoe kaya inangat niya Ito upang makita ng babaeng kaharap niya.
"Ano namang laman niyan?"
Tanong ulit ni jean. Lumabas na sa C.R si Tyrone ng naka topless at sinagot ang tanong ng kanyang ina.
"Mga damit yan mom, huwag kanang puro tanong."
Nakakunot noong sagot nito. Napatangotango na lang ang kanyang ina saka tumingin ng masama kay Tyrone.
"Bumili ka pala ng damit eh bakit itong babae ang pinagbuhat mo!"
Halos umusok ang ilong ni jean sa inis sa ginawa ng anak niya. Walang emosiyon namang tumingin si Tyrone sa ina.
"Bakit ko naman bubuhatin yan eh hindi ko naman yan damit. Sakanya yan!"
Duro ni Tyrone Kay Zoe na nagulat pa.
"Mag-aaral siya dito"
Yun ang huling sinabi ni Tyrone bago lumabas.
"What?!/ Ano?!"
Sabay na sigaw ni Zoe at ng Ina ni Tyrone sa gulat dahil sa sinabi nitong.
'Mag-aaral siya dito'