"HOY! tumayo kana jan! Papasok na!"
Hinila pabalik ni Zoe yung kumot na gamit niya ng hilain yun ni Tyrone sakanya.
"Ayokong pumasok! Bahala ka sa buhay mo!"
Sigaw niya pabalik saka padabog na humiga. Kaninang umaga siya natulog kaya gising na gising siya ngayong gabi pero ayaw niya talagang pumasok dahil gusto na niyang umuwi. Nagpakawala ng malalim na hininga si Tyrone.
"Papasok ka sa ayaw at sa gusto mo! Ang kapal naman ng mukha mong hindi sumunod sakin samantalang halos buong dorm ko angkinin mo! Tumayo ka jan kung ayaw mong ipalapa kita sa mga Istudyante dito!"
Napatayo agad si Zoe sa huling sinabi ni Tyrone sakanya. f**k! Nanlalapa sila?! O baka naman yung mga istudyanteng nakita ko lang kahapon na namumula ang mata tapos may pangil! s**t! Nanlalapa yung mga aswang na yun?! Waaaaaaahhh! Gusto ko ng umuwi!
"Ano nanamang Iniisip mo?"
Kunot noong tanong ni Tyrone ng makitang ngumi-ngiwi si Zoe. Sinamaan niya Ito ng tingin.
"None of your business! Aalis na ako dito! Hindi ako papasok! Takte! Pang-gabi ang pasok?! Niloloko mo ba ako?! T-tapos.. may mga nanlalapa pa!"
Nagmamadaling nag-ayos si Zoe ng sarili pero pinigilan siya ni Tyrone.
"Wala akong pake kahit anong sabihin mo! Basta sa ayaw at sa gusto mo papasok ka! At eto ang tatandaan mo! Kapag wala ka sa tabi ko sasakmalin ka nila!"
Nanggigil na sigaw ni Tyrone dahil sa sobrang hirap pagsabihan ni Zoe. Yung totoo lang huh, tama ba yung mga pinagsasabi ng lalaking to? O tinatakot niya lang ako? Bulong ni Zoe sa isip saka tumingin ng seryoso kay Tyrone.
"Imbis na tignan mo lang ako magbihis kana!"
Hinagis ni Tyrone ang Uniform sa mukha niya. Sisigawan niya sana Ito kaso wala na si Tyrone sa loob ng dorm nito kaya Walang nagawa si Zoe kung hindi suotin yung uniform na binato sakanya.
Lumabas siya sa kwarto ng binata at nakita niyang nakasandal Ito sa gilid. May pa-arte arte pang nalalaman susunod rin naman. Bulong Ni Tyrone sa isip saka naglakad. Napasinghap naman si Zoe sa narinig. Napakagaling talaga bumulong! Rinig na rinig ko naman! Napairap sa hangin si Zoe saka sumunod kay Tyrone.
NAKA-harap si Zoe ngayon sa malaking pinto kung saan pumasok si Tyrone na hindi siya inantay. Kinakabahan ako! Pagkasabi niya nun sa isip niya. Pumasok siya sa loob at lahat ng atensiyon ay nasa kanya.
"H-hi?"
Kinakabahang ngumiti siya dahil hindi maipinta ang mga mukha nila. Nang mapansin niyang nakatingin sakanya ang Prof. nag 'bow' siya saka buong puso na ngumiti. Napansin niyang papunta Ito sakanya kaya nag-aangat siya ng tingin.
"Kamukhang kamukha mo siya.."
Sabi nito at hinawakan ang kanyang baba.
"Kamukha ko? Sino naman po?"
Nagtatakang tanong niya ngunit ngumiti lang ang Prof. Saka siya niyakap ng mahigpit na ikinagulat niya.
"Cecelia!"
Sigaw nito sakanya saka tinapik ang likod niya. Nakita ni Zoe na tumayo lahat ng magiging kaklase niya kaya marahan niyang tinulak ang Prof. At pilit na ngumiti.
"Pasyensiya na pero hindi po ako si Cecelia. Ako po si Zoe. Zoe Hazen po, N-new Student."
Pagtatama niya sakanyang pangalan. New student name akooooo! Huhuhu! Hinagilap ni Zoe si Tyrone na agad naman niyang nakita. Titignan niya sana Ito ng masama ng mapansin niyang mukha itong nagulat pati na rin ang iba pang mga istudyante. Nilingon niya ang Prof. Na ganun din ang reaksiyon.
"A-anong problema? Bakit ganyan ang mga mukha niyo?"
Kinakabahang tanong ni Zoe b-baka may multo sa likod ko! Lahat sila nakatingin sakin ng gulat ang mga mukha ehhh! L-lilingon ba ako?
"A-anong sabi mo? Hazen ka? Paanong naging hazen ka eh bilang na lang ang hazen at nawawala pa sila!"
Galit na sigaw ng Prof. Sakanya kaya napa-atras siya. Kanina ok lang naman kami ah! Niyakap niya pa nga ako eh! T^T
"Pero nagsasabi po ako ng totoo-"
Napalingon si Zoe ng marinig niyang bumukas ang pinto ng silid na iyon dahilan para maputol ang sasabihin niya. Iniluwa nun ang isang lalaki na nagpabilis ng t***k ng puso niya sa hindi malamang dahilan. Parang pamilyar siya sakin. Bulong niya sa isip. Bigla itong tumingin sakanya at nakita niyang nagulat Ito base sa naging reaksiyon ng mukha nito at pinakatitigan siya. Umiwas ng tingin si Zoe dahil hindi niya kayang tumitig ng matagal sa mata nito.
"New student, Isang buong dugong tao? Kailan pa siya napabilang sa Vampire University? Sapagkaka-alam ko may dugong bampira lang ang dapat na andito"
Parang nabingi si Zoe sa Narinig. Y-yung mga kawirduhan na napansin ko sakanila at yung mga may pangil at mapulang mata na napagkamalan kong aswang ay bampira?! Y-yung.. naninisip ng d-dugo?! Pasimpleng tinakpan ni Zoe yung leeg niya. D-dapat mag-ingat ako.. b-baka.. sipsipin na lang nila bigla yung leeg ko.. o-o kaya.. umalis na ako dito!
"Biro lang"
Kunot noong bawi ng lalaki sa sinabi niya kaya nakahinga ng maluwag si Zoe. Mabuti naman.. baka aswang talaga yung una kong mga nakita.. pero nakakatakot sila! Baka mamaya manakmal sila bigla bigla!
"Ryouje Hexerian"
Pakilala nito at inilahad ang kamay. Ng aabutin na Ito ni Zoe mabilis niya itong binawi saka ngumisi. Bwisiiiiiiiiit!!!! gigil na sigaw ni Zoe sa isip saka sinundan niya ng masamang tingin si Ryo na humilata sa pwesto nito. Ng lingunin niya si Tyrone ay umiiling itong umupo. Curse you hexerian! Pati na ang lalaking may dahilan kung bakit ako andirito! Nag martsa si Zoe papunta sa isang bakanteng upuan. Hindi pa siya nakakatagal na umupo doon ng bigla na lamang may pumasok sakanilang silid at lumapit Ito sakanya.
"Yes?"
Mataray na tanong niya sa lalaking nasa harap niya na bagong dating pa lamang. Wala ngayon sa mood si Zoe kaya naka *Maldita mood* siya.
"For your Information Miss, pwesto ko yan"
Turo nito sa inuupuan niya. Hinagilap naman ni Zoe kung may pangalan doon na nakasulat ngunit makinis at walang bahid ng kahit na ano doon. Humarap siya sa binata saka Ito tinaasan ng kilay.
"Wala namang nakalagay na pangalan dito, ano bang pangalan mo? Kung maka-angkin ka parang sayo to! Bakit.. ikaw ba ang nagmamay-ari ng paaralan na Ito?"
Nanunuyang tanong ni Zoe saka Ito pinukulan ng masamang tingin. Nakaramdam naman ng hiya ang lalaking kaharap niya dahil pasimpleng tumatawa ang mga kaklase nila at dahil doon napatungan din ng inis ang hiyang nararamdaman nito. Pasimple niyang ginamit ang kapangyarihan kay Zoe upang umalis Ito sa kanyang upuan at nagawa niya nga.
"s**t!"
Daing ni Zoe habang sapo ang kanyang pang-upo. Bigla na lamang siyang nahulog na parang may humila sakanya pero Hindi na niya inintindi yun dahil lalo siyang nainis ng humalakhak ang mga kaklase niya. Hindi lang inis kundi galit. Nagagalit na siya!
Mabilis na tumahimik ang paligid ng suntukin niya ang upuan na nasa tabi niya. Nabutas ang upuan at tumalsik naman ang naka-upo doon.
"WHAT IS YOUR NAME?!"
Mahinahon ngunit may diin at parang hinukay sa ilalim ng lupa ang boses ni Zoe sakanyang tanong para sa lalaking nasa harap. Nakita niyang napalunok Ito kaya matamang tinitigan niya Ito.
"A-andrei Boulst"
Lalong nakaramdam ng kaba si Andrei ng ngumisi si Zoe sakanya.
"Andrei Boulst, salamat sa pagpapahiya ah!"
Galit at nanlilisik ang mga mata ni Zoe Habang nakatingin sa mga mata ni Andrei.
"I-ikaw naman... hindi mabiro, upo kana.. h-hahanap na lang ako ng I-ibang upuan..hehehe"
Tumayo si Zoe saka Ito kwinelyohan.
"No need Mr. Boulst, tandaan mo ang araw na ipinahiya mo ang Isang Zoe hazen. You suffer hell"
Napaatras si Andrei sa takot lalo na ang huling binulong ng dalaga sakanya.
Nasaan ka.. nasa mabuti ka bang kalagayan? Naaalala mo kaya ang ating mga pinagsamahan.
Napalingon si Zoe sa gawi ni Tyrone at pinanliitan Ito ng tingin. Mabilis siyang tumakbo palapit kay Tyrone at eto Naman ang kinuwelyuhan.
"Alam mo ba na ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung pinapakielaman ang gamit ko!"
Galit at halos umusok ang ilong ni Zoe ng isigaw niya iyon. Hindi naman nakaimik si Tyrone dahil... natatakot siya. Nakakatakot ang babaeng kaharap niya. At halos lahat silang nasa loob ng silid na yun ay tila parang naputulan ng mga dila. Mabilis na dinukot ni Zoe ang kanyang cellphone sa bulsa ng binata at tinignan ang caller. It's Gecelle.
"Gecelle Montalles!"
Sigaw ni Zoe at pakiramdam niya maiiyak na siya ano mang oras kaya tumakbo siya paalis sa silid na iyon. At pumunta sa lugar na siya lang.