GABI na ngunit hindi mapakali sina daniela dahil kagabi pa nawawala si Zoe. "Paanong nakaalis siya.." Hindi mapakaling bulong ni Ella habang kagat ang sariling kuko sa kamay.. "Nakakapagtaka talagang hindi natin siya naramdamang umalis kagabi... paano nangyari yun?" Takang bulong din ni daniela habang malamin na nag-iisip. "Ilang taon na ba si Zoe?" Seryosong tanong ni lola ten sakanila. Nag-angat sila ng tingin at magalang na sinagot ang tanong nito. "1,000 years old Na po si Zoe, kagabi lang po. Dapat nga Isu-surprise namin siya eh" Nakangiting sagot ni Sheena. Nanlaki naman ang mata ni lola ten sa nalaman. "Nakalimutan kong kaarawan niya kagabi! Kaya pala..." Ramdam nila Ella na kinakabahan Ito. Kaya agad silang lumapit sa lola ni Zoe pero pinigilan sila nito. "Pasyensiya na

