“WOW!” tanging naibulalas ni Pamela nang marating nila ang batis. Ilang kilometro lang ang layo mula sa cabin. Tila’y sampung minuto ng paglalakad nila ay narating rin nila. Kitang-kita niya ang taas ng rumaragasang tubig sa talon. At hindi siya nagkakamali. Base sa ikinukuwento ni Emir kanina sa paglalakad nila ay pribado ang lugar na iyon at walang nangangahas na pumunta. Dahil napag-alaman niyang binili nito ang lupaing iyon para sa pamilyang bubuoin nito bagaman nasayang lang sa wala dahil hindi pumapabor sa gusto nito ang asawang si Viviene. “You like the view?” tanong ni Emir sa likod niya at lumapit sa kanyang tabi kapantay siya. Pamela smiled and nodded. “This is so marvelous and enchanted” she exclaimed. Habang iniikot ang paningin sa paligid. The water was so clean, it's surro

