MULA sa labas ng Cabin ay tahimik na namamahinga si Pamela habang nakatingala sa maaliwanag na kalangitan. Iniisip niya ang nangyari ng nakaraang araw sa pagitan ng kapatid niyang si George at ng asawang niyang si Dylan. Hindi siya makapaniwala na may relasyon ang mga ito. Wala siyang naalala na pumatol ang kapatid niyang si George sa kapwa lalaki nito. At si Dylan, hindi halata sa bihis at galaw nito na ganoon ang personalidad nito. Nais niyang kalimutan ang nangyari bagaman sa tuwing napag-iisa siya, tulad ngayon ay naalala niya ang kawalanghiyaan ng asawa at ng kapatid niyang si George. Mabuti na lang ay hindi niya tuluyan ipinagkaloob ng tuluyan sa lalaki ang sarili rito. At kahit na mangyari man iyon ay hindi iyon papayagan na mangyari. Mabuti na lang niyon dumating si George tamang

