Chapter Four

351 Words
IPINARADA ni Emir ang Civic sedan sa harap ng malaking solar ng isang kabahayan. Sunod-sunod ang ginawang pagbusina ng lalaki. Nagmamadali. Pagkatapos ay nilingon niya ang walang malay na babae. Bumalik sa balintataw ang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Kahit parang tigre itong kausap ay hindi nito ikinabawas ang kagandahang taglay. Gi-nap ni Emir ng palad ang kaliwang kamay nito. Wari’y gustong ibahagi sa katawan ng babae ang init mula sa sarili. Isang katiwala ang kaagad na lumabas sa entrada ng kabahayan. Kasunod nito si Manang Tasing, ang housekeeper. Lumabas si Emir at umikot sa passenger seat. Binuksan ang pinto at marahang binuhat ang babae. “Ihanda niyo ang silid, Manang!” ang apurang utos niya sa katiwala na sumalubong sa kanya. Hindi alintana ang malakas na hangin at ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat. “Sige hijo.” Nabigla man ito sa nakita ay napilitan itong sumunod at tuloy-tuloy na pumasok sa isang silid. Malaki ang kuwarto na iyon. Kulay abo na lumot ang carpet. Kakulay ng micro-blinds na nasa bintana. Contrast sa off-white na kisame. Makinis ang dingding na adobe. Binuksan ng katiwala ang aircon at inalis ang bed cover na ang kulay ng quilt ay printed grey, white and beige. Malaki ang kama na may malaking headboard na mahogany ang kulay. Ganoon din ang night table sa magkabilang tabi ng kama. Buong ingat na inalapag ni Emir ang wala pa ring malay na babae. Hinagod ito ng tingin. She looked so different from any woman he’d met—a tigress, yet seemingly easily tamed in his perception. Bahagyang yumuko ang lalaki, napansin ang kakaiba at likas na ganda ng babae. Masuyo niyang hinawi ang kapirasong buhok na tumatabing sa noo ng babae. Pigil ang sariling haplusin ang pisngi nito. Somewhat, mayroong bikig sa lalamunan niya ang pumipigil sa kanyang hininga na hagkan ang nakaawang labi nito. Sa halip na mag sentimiento ay inilayo niya ang sarili dito at tumayo ng tuwid. Nang dumating ang katiwala na magbibihis sa babae ay walang anumang halong damdamin ang ipinakita ng lalaki habang umalis na may pinipigilang init sa kanyang katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD