EMIR stepped on his brake. Humigpit ang seatbelt sa biglaang pagpreno kasabay ng pag-usal nang malutong na mura.
He realized a split-second delay could have led to a tragic accident. Kung hindi niya kaagad naapakan ang preno, tiyak na masasagasaan niya ang taong nasa gitna ng madilim na kalsada.
Buong araw ay okupado ang isip at mainit ang ulo ni Emir dahil sa sunod-sunod na mga pagkakamaling natatanggap niya mula sa kanyang mga empleyado. Idagdag pa ang trahedyang ito na hindi niya inaasahang mangyari. He slammed his fist against the steering wheel, his frustration boiling over.
Mula Maynila ay bumiyahe siya patungong Santa Praxedes upang dalawin ang ina at ang apat na taong gulang na anak, si Macie, na labis ang pagka-miss sa kanya. He glanced at his phone, the screen lighting up with a picture of his daughter. Ang bagyo sa labas ay sumasalamin sa bagyo sa nararamdaman niya. Ngunit sa tuwing makita lang ang anak ay ibang kapayapaan ang naibibigay nito sa kanya.
Nasa kalagitnaan pa lang ng biyahe nang magsimulang umulan. Hindi niya alam na may paparating na bagyo. Sa sobrang busy niya, wala na siyang oras para alamin ang lagay ng panahon. At malabong makatatawid siya sa tulay kung mataas na ang tubig-baha patungo sa Santa Praxedes.
Consequently, napagdesisyunan niyang tumuloy na lang sa duplex penthouse sa North Poblacion. Ilang minuto lang ay naroon na siya. Ang desisyon na ginawa niya ay mabigat para sa kanya; he hated leaving his family waiting.
Mula sa loob ng kotse, natuon ang tingin niya sa window glass. Tinatamaan ng headlights ng sasakyan niya’y isang panauhin. Nakapantalon ito, pero natitiyak niyang babae iyon.
Bumaba si Emir sa sasakyan at malalaking hakbang na tinungo ang nakasalampak na babae sa lupa. Hindi pinansin ang umaalimpuyong hangin at malalaking patak ng ulan na sumalubong sa kanyang mukha.
“Are you alright?” he asked, his voice cutting through the storm. The woman slowly looked up at him, her eyes wide and frightened.
He swore inwardly. Hindi niya natatandaan na kinakatakutan siya ng kahit na sinong babae, not even his employees. Pero sa sandaling iyon, ang takot sa mga mata ng babae ay tila salamin ng kanyang sariling pag-aalinlangan. Hindi pansin na may tatawid sa national highway sa ganitong oras at panahon.
Iling ang naisagot ni Pamela, ngunit sa kanyang mga mata'y naroon ang tanong kung mapagkakatiwalaan ba niya ang estranghero.
“Nasaktan ka ba? Any injuries?” he asked, concern lacing his voice.
Iling ang naisagot ni Pamela. Maraming emosyon ang naglalaro sa kanya. Takot, pagkabigla at matinding pagkabahala sa pangyayari.
“Miss, I’ll take you to the nearest clinic to ensure you’re not hurt.”
Pamela hesitated. Could she trust this stranger? He had a deep and cultured voice. Very masculine. So, what? A good voice didn’t guarantee that he was not a rapist or psycho killer. Baka siya ma-scam dahil lamang maganda ang boses nito.
And despite the gentle of tone, she could sense his irritation. Para saan? Dahil napipilitan itong obligahin siya o dahil may pakiramdam itong mahihirapan itong biktimahin siya?
“Miss, hindi ako masamang tao,” saad nito na tila nababasa ang iniisip niya.
“Hindi kita kilala. Why should I go anywhere with you?”
“Naiintindihan ko ang pag-aalinlangan mo,” sabi ni Emir. "Pero pangako ko sayo, gusto ko lang makasigurado na okay ka. You could be injured and might need medical attention.”
Pamela snorted. “Oh, I’m sure you’re just dying to help me,” she said sarcastically. “Pero hindi na, I don’t need your charity or your help.”
Emir looked at her for a moment, his expression unreadable. Nagsising bumaba ng sasakyan at nag-alok ng tulong sa kaawa-awang babae. “Okay, suit yourself, gabi na at bumabagyo, pakiwari ko ay dayo ka lang sa lugar na ‘to dahil tatanga-tanga ka sa daan,” he said, turning to leave.
Pamela gasped. Sa kabila ng malakas na kulog, kidlat at ulan, nabingi siya sa huling sinabi ng lalaki. Mataray niyang sinagot ang estranghero. Biglang kumulo ang dugo niya dito. Sa susunod na pagkikita nila, nais niyang maalala ang mukha nito matapos ang pangyayaring ito, lalo na’t tinawag siya nitong ‘tanga’. Ngunit kamalasan, nahaharangan ng headlights ng sasakyan nito ang bulto ng impatikong lalaki.
“For your information, Mister, wala kang ideya sa nangyayari sa akin! Hindi ko kasalanan na masisiraan ako ng baterya sa gitna ng daan habang masama ang panahon. Bumaba ako ng sasakyan ko expecting someone would help me, but here I am, facing an uncouth man!” she shouted back so he could hear. Her teeth were rattling. Her knees were shaking. She didn’t realize that she was that cold until that moment.
Natigilan ang lalaki sa paglakad pabalik ng kotse. “Uncouth?” paglilinaw nito. “Who's uncouth when just I'm offering help to a poor woman?” he retorted.
“Hindi pwedeng wala kang balak na masama sa akin. For all I know, you could be a psycho killer lurking around for potential victims at this hour. At nakahanap ka ng pagkakataon para kunin ang loob ng bibiktimahin mo.”
Natawa si Emir at napansin iyon ni Pamela. “Why are you laughing?”
Umiling ang lalaki. A mischievous smile lingering. Nang tumingin ito sa kanya at nakitang seryoso siya sa sinasabi niya ay bumuntong hininga ito. “Uulitin ko, hindi ako masamang tao. Hindi kakayaning dalhin ng konsensya ko kung bukas may balitang may babaeng napahamak dahil hindi ko natulungan. I am ready to provide help kung iyon ay bukal sa loob mo.”
Nag-aalangan si Pamela, nahihirapang pumili sa pagitan ng kanyang pride. Ngunit sa kabilang banda, ayaw niyang magmukhang mahina sa pamamagitan ng pagtanggap ng tulong mula sa estranghero.
Nakaramdam siya ng panlalambot sa kanyang mga tuhod. Ang mga talukap ng mata niya ay parang pipikit na sa matinding pagod at lamig na nadarama. She could also feel the tremors in her mouth. Kalakip niyo ay nanlalabo na ang kanyang paningin habang tinitingnan ang lalaki. Kahit ang pagbuka ng bibig nito ay halos hindi na niya maaninag.
Lumapit ai Emir sa kanya. “Look Miss, saan ba ang destinasyon mo? Maaari kitang tulungan kung kinakai—” Hindi na natuloy ni Emir ang sasabihin nang makitang hindi maganda ang lagay ng babae. Bago pa ito sumadlak sa lupa ay mabilis nasalo ng bisig niya ang babae.
“Hey, Miss!” Tinatapik-tapik niya ang pisngi ng nahimatay na dalaga.
Mula sa pagkakasadlak nila sa gitna ng daan ay lalong lumakas ang ulan at ang hangin. Kalakip din ang tuluyan niyang pagkabasa sa ulan.
May pag-iingat niyang binuhat ang walang malay na babae at dinala sa nakaparadang Civic Sedan. Maingat na inihiga sa passenger seat at sinigurong nakabuckle ang seatbelt.
May ilang sandaling pinagmasdan niya ang mukha nito. The woman had rounded-upturned eyes. Natural ang tangos ng ilong, at ang mga pisngi’y tila satin sa kakinisan. Mahaba at kulot ang buhok nito, na lagpas sa mga balikat. Gamit ang kamay, he gently removed a few strands of hair on her face. Kaagad dumako ang kanyang mga mata sa mamula-mula at mabasa-basa nitong mga labi.
Dang it! Whether he admitted it or not, Emir felt a connection, an unfamiliar warmth, a desire to kiss the unconscious woman’s lips. A sentiment he hadn’t felt before.
Pinasadahan niya ang basang kabuoan nito. She’s wearing a distinctive denim-skinny-jeans, sleek black knitted sleeveless blouse, and semi-boots. Bagama’t basa ang kasuotan ay halos kumurba ang numero ng katawan nito.
Pagbunsod ng kulog at kidlat sa kalangitan ang nagpabalik sa diwa ni Emir. Ilang sandali pa'y bumalik siya sa driver seat at isinuot ang seatbelt. May ilang pagkakataon na sinipat ang walang malay na babae bago niya minaniobra ang sasakyan.