Mark’s POV
I’m really in a good mood today although it’s a Saturday and I just want to sleep all day. Why? It’s because I can spend one more day with my friend before I go to Japan to study. You read it right, I’m leaving the country for good.
“Son, you know how much it will ease my boredom and homesickness here in Japan if you will live here with me. It’s been 4 years since we’re apart and I want to take care of you again, dear,” saad ni Mommy Jean habang magkausap kami sa Skype.
“Gustuhin ko man, mom, pero alam kong mami-miss ako ni Yu. Mami-miss ko rin siya. Ayaw ko po munang pumunta ng Japan,” tugon ko rito.
“Can you give me at least one more year to stay here?” pagsusumamo ko rito habang nagpapaawa pose pa sa kanya.
“Fine, son. Just promise me that after this school year ay makakasama na kita. Okay ba tayo doon?” kalmado niyang pag-alo sa akin.
“Sure, mom. Thank you so much for letting me stay here! I love you so much!” paglalambing ko sa kanya.
“You’re welcome, son! I love you too!” ang tanging naisagot ni mommy bago niya i-end ang call.
Muling nag-sink in sa akin ang naging usapan namin ni mommy that evening, a year ago.
Sa kasamaang palad ay dumating na nga ang panahong iiwan ko na si Yu. Labag man ito sa loob ko pero wala naman akong magagawa kundi ang lisan siya lalo na at may naging usapan na rin kami ng aking ina.
Kasalukuyan kong ginugupit ang iba’t ibang kulay ng colored paper bilang bahagi ng ginagawa naming pencil holder kasi ito ang naisip naming i-present sa klase bilang finished recyclable product namin. Aside nga pala sa mga strips ng colored paper ay inilabas ko na rin ang pangmalakasan kong 1.5 L na bote ng soft drinks.
“Mark, gusto mo bang tulungan na kita?” suhestyon ni Yu.
“Okay lang ako, Yu. Let me do this for us. Baka masugatan ka pa, I know kaya na you’re not fond of using cutter kaya let me handle this, okay?” nakangiti kong sinabi sa kanya.
“Sige, Mark. Basta if you need help, tell me lang,” nakangiti rin niyang itinugon sa akin.
Matapos ang ilang oras ng paggagawa ay natapos na namin ang aming pencil holder. Kapansin-pansin ang pagiging makulay nito, idagdag mo pa na pinalilibutan ito ng nagkikislapang fake diamonds na inilagay namin sa magkabilang gilid.
Grabe, inabot din kami ng tatlong oras para lang matapos ito pero kahit na ganoon pa, fulfilling talaga kasi pinaghirapan naming gawin ito ni Yu.
“Ano nga palang plano natin, Mark? Ayaw ko pa kasing umuwi!” saad ni Yu.
“Same tayo, Yu. What if we go to the park for a walk?” pag-anyaya ko sa kanya.
“Sure,” matipid niyang tugon pero mahahalata mo sa kanyang mukha ang excitement na nararamdaman niya.
Naglakad-lakad na kami kaagad ni Yu papunta sa park na kung saan madalas kaming magpalipas ng oras.
Nagtungo kami sa lugar kung saan malaya naming napapanood ang paglubog ng araw, kung saan namin naririnig ang matitinis na huni ng mga ibon, at kung saan madarama ang banayad na ihip ng hangin.
Yu’s POV
Akmang pupunta na kami sa Hamilton Park ng hindi ano-ano’y may dumaang pulang sasakyan na bumangga kay Mark. Sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ng driver nito ay hindi ko na naaninag pa ang plaka ng sasakyan.
Bumungad sa akin ang nakabulagta at walang malay na si Mark na sa unang tingin ay aakalain mong wala ng buhay.
Dali-dali ko naman siyang nilapitan upang pulsuhan ito at laking tuwa ko ng maramdaman kong may pulso pa siya.
Nagimbal man ako sa naganap ay kaagad akong naghanap ng maaaring makatulong sa kanya pero maging ako ay gulong-gulo sa mga nangyari kaya’t…
“Doc, kumusta na po si Yu? Kailan po siya magkakamalay?” saad ng isang pamilyar na boses na hindi ko mamukhaan dahil nagsisimula pa lamang mumulat ang aking mga mata.
“Misis, hayaan po muna nating magpahinga ang pasyente. We’re running some tests na rin naman to know what really caused him to become unconscious. Asahan po ninyong anytime soon ay magkakamalay na rin po si Yu,” pagpapaliwanag ng doktor.
“I’ll leave po muna to perform my other duties po,” pagpapaalam naman nito.
“Nurse Evan, ikaw muna bahala sa kanila,” utos nito sa isang nars na sa sapantaha ko ay assigned sa akin.
Matapos ang ilang saglit ay tuluyan na akong nakamulat. Agad naman akong nilapitan ni Yaya Bernadette.
“Anak! Buti naman at nagising ka na. Kung alam mo lang kung gaano ako nag-alala sa kalagayan mo,” bakas na bakas sa kanya ang concern para sa akin.
“Yaya. I need to get up. I need to check kung anong nangyari kay Mark! I need to see him now!” pagde-demand ko sa kanya.
“Anak, sabi ng doktor na tumitingin sa kanya ay malubha raw ang kalagayan nito at baka matagalan pa bago siya magkamalay ulit kaya ang sabi ng Yaya Jenina niya ay baka raw dalhin siya sa Amerika para ipagamot,” nalulungkot na inanunsyo sa akin ni Yaya Bernadette.
“Yaya, ibig-sabihin ba nito ay hindi ko na siya makikita ulit? Ibig-sabihin ba nito ay magkakalayo na kami? Pero, paano yung friendship namin? Paano ko aaminin sa kanya na crush ko siya?” sunod-sunod kong pagtatanong kay yaya at sa bawat tanong na ipinupukol ko sa kanya ay siya namang pagdapo ng kirot sa aking puso.
“Masakit man pero oo, anak. Ayaw kong masaktan ka kaya mas mabuti kung kakalimutan mo na lang si Mark,” dismayado niyang isinaad. Makikitaan ng nangingilid na luha ang mga mata ni Yaya Bernadette.
Walang ano-ano’y niyakap niya ako nang mahigpit at kapwa hindi na namin napigilang maluha.
Isang araw ang nakalipas ay napagpasyahan kong dalawin si Mark sa Intensive Care Unit (ICU) ng ospital kung saan pareho kaming naka-admit.
“Mark, naaalala mo ba noong una tayong nagkakilala?”
“Naaalala mo ba yung first gala natin together?”
“What about yung mga pagkakataong ipinagtatanggol mo ko sa bullies ko?”
“Yung pagtawag mo sa akin ng 'precious' kasi sabi mo isa ako sa mga pinakamahalagang taong nakilala mo, naaalala mo ba yun?”
“Yun bang unang beses na nilibre mo ko ng ice scramble, naaalala mo rin ba yun?”
“Tanda mo pa ba yung araw na naka-perfect tayong dalawa sa Math kahit na super bilis lang nating nag-review?”
“Yung grading period na tie tayo sa pagiging rank 1, tanda mo pa ba yun?”
Sa bawat alaalang binabanggit ko sa kanya ay siya namang pagsakit ng aking dibdib. Ang hirap isipin na yung natatanging kaibigan na mayroon ako ay iiwan na rin ako. Nakakahinayang na hindi man lang ako nakapagpaalam nang maayos sa kanya, o nasabi na may paghanga ako sa kanya.
“Who’s talking?” seryoso at may diin niyang sinambit.
Laking tuwa ko nang marinig kong muli ang kanyang boses pero sa hindi ko mawaring dahilan ay parang may kakaiba sa kanya.
“Do I know you?” nagtataka niyang itinanong.
“Ako ‘to, si Yu!” naluluha kong sinabi sa kanya.
“Yu? Who the hell are you?” galit na galit niyang sinabi sa harap ko.
“Could you just leave me alone? I need to see my yaya,” dagdag pa niya na talaga namang dumurog ng aking puso.
Magmula ng araw na iyon ay natuldukan ang magandang samahan namin ni Mark. Nabalitaan ko na lamang tatlong araw makalipas ang tagpong iyon ay dinala na siya ng kanyang ama sa Amerika para ipagamot.
Itutuloy…