bc

Forgetting Yu!

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
independent
confident
heir/heiress
sweet
bisexual
loser
detective
campus
highschool
civilian
like
intro-logo
Blurb

Synopsis:

“Hindi ka man maalala ng isip ko, batid kong magbuhat noon ay ikaw lang ang isinisigaw ng puso ko.”

Yuan seemed to be the target of bullies during his elementary days. Nerdy, skinny, and sickly, yan kasi siya noon kaya hindi na kataka-takang madalas siyang pagtripan ng mga kaklase niya. Although he possesses such qualities, he is extremely intelligent and known to be an exceptional student.

Things suddenly changed when he met Mark, a transferee student who became his first best friend, pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkahiwalay sila dahil sa isang malagim na aksidenteng babago nang tuluyan sa takbo ng kanilang mga buhay.

Fortunately, they met again when Mark decided to come back to the Philippines to study which made Yuan excited.

If you think that they will come back to being the usual good friends they were, well, you are wrong! Sa hindi kasi inaasahang pagkakataon ay hindi pa rin tuluyang bumabalik ang kanyang mga alaala dahil na rin sa aksidenteng naganap ilang taon na ang nakakaraan.

Muli kaya silang bumalik sa dati nilang samahan? O muli silang magkahiwalay dahil sa mga alaalang hindi na nila puwede pang ulitin at balikan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Memory of a Best Friend
Yu’s POV It’s been 4 years since I last saw my first-ever best friend in my damn life but, even a memory of him never left my mind and my heart. He engraved a special place in me na kahit kailan ay hindi ko makakalimutan dahil lumipas man ang mahabang panahon ay hindi kailanman nagbago ang pagtingin ko sa kanya. “Crush kita, Mark!” ani ko sa aking isipan. “Paano ko kaya aaminin sa nag-iisang best friend at first love ko na mahal ko siya? Paano kaya, Eddie?” tinuran ko habang nakaharap sa aking teddy bear na binigay pa ng yumao kong ina sa akin. “Kung ako sa’yo, Pyce, itigil mo na yan. As if naman sasagutin ka ni Eddie. At saka, sino bang tinutukoy mo na best friend mo…at ano kamo, first love?!” pag-uusisa naman ni Yaya Bernadette. “Yaya, kilala mo naman po kung sino siya. I think I don’t need to tell you about him na,” tugon ko naman sa kanya. “HIM?! Wait anak, so you’re gay?” gulat na gulat na tanong niya sa akin. “Yeah!” sagot ko. “Hindi ba halata?” pabulong kong itinanong sa kanya. “Naku anak, napapansin ko na noon pa pero ayaw naman kitang pangunahan. Besides, kahit hindi kita kadugo ay alam mo namang mahal na mahal kita kaya tanggap kita maging sino ka pa. Wala man ang mommy mo ngayon pero alam ko na mahal na mahal ka rin niya kahit ano pa ang maging kasarian mo,” mangiyak-ngiyak na ibinahagi ni Yaya Bernadette. Matagal na rin kasi siya sa pamilya namin. Sa katunayan, siya palagi ang kasama ko sa bahay sa tuwing may business meeting ang parents ko kaya hindi na ako ibang tao sa kanya. Siya na rin ang tumayong pangalawang magulang ko kaya’t hindi na rin ako nagulat na napupuna nga niya ang tunay kong sekswalidad. “Thank you, yaya! You know how much I miss mommy. Sana magkasama na kami,” naiiyak kong tinuran. “Loko ka talagang bata ka. Huwag mo naman muna akong iwan, aba naman. Aring batang ari talaga oh!” maluha-luha ring sinabi sa akin ni yaya. “Joke lang naman, yaya. Si mommy kasi, iniwan ako nang maaga.” “Oh siya, anak. Mukhang alam ko na kung sino ang tinutukoy mo. Si Mark ba?” muling pag-uusisa nito. Hindi na ako nakasagot, sa halip ay nginitian ko na lang si yaya. “Nga pala, anak. ‘Di ba magkikita kayo ngayon para sa project ninyo na by pair kamo?” “Opo, yaya. Buti pinaalala mo po sa akin. Muntik ko na ring makalimutan yun ah,” nakangiti kong sinabi habang mistulang napapakamot pa sa ulo. Naku naman, muntik ko pang makalimutan yun. Halata siguro na aamin ako kay Mark na may paghanga ako rito. Bandang alas-otso ng umaga ay umalis na ako ng mansyon namin para makipagkita kay Mark sa tambayan namin sa campus — ang legendary HikHok Shop na kung saan makakabili ng iba’t ibang school supplies at journalism materials. Well, hindi ninyo naitatanong pero pareho kaming member ng school publication nitong si Mark. Sports Writer ako habang siya naman ay isang Editorial Writer. Magtatatlong minuto na nga akong naghihintay sa labas ng shop pero kahit anino ni Mark ay wala akong makita. “Nasaan na kaya ang cutie pie ko?” paulit-ulit ang mga katagang iyon na patuloy na tumatakbo sa aking isipan. Ilang sandali nga ay may isang makisig na lalaki na akong nakitang naglalakad palapit sa akin. Nakasuot ito ng blue polo shirt, ripped jeans, at naka-shades na tinted ng kulay orange. Napakaporma niya at aakalain mong isa na siyang high school student sa datingan niya. “Sorry, Yu. Masyado akong napasarap sa pagtulog ko. You know naman, it’s a Saturday today at talagang nakakatamad gumising nang maaga,” pagpapaliwanag nito. Hindi ko pa rin mapigilang mapatingin sa pormahan niya. Lalo lang akong na-fall sa kanya. “Teka nga muna, Yu! ‘Di ba aamin ka sa kanya? Nakakalimot ka na naman!” biglang pagpapaalala sa akin ng isipan ko. “Mark!” pagpukaw ko sa kanyang atensyon. “Why Yu? Is something bothering you?” bahagyang nag-aalala niya akong tinanong. “Nevermind. Let’s work on our project na muna, this can wait naman,” nahihiya kong isinagot sa kanya. “BAKLA! Dapat sinabi mo na. Kainis ka naman oh!” pakikipagtalo ng isipan ko sa akin. Matapos ang tagpong iyon ay pumasok na kami sa loob. Nagsimula namang maglabas si Mark ng mga kagamitan na kakailanganin namin para sa gagawin naming proyekto. Itutuloy…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Burning Saints Motorcycle Club Stories

read
1K
bc

Tis The Season For My Revenge, Dear Ex

read
73.4K
bc

Owned by My Husband's Boss

read
10.2K
bc

The abandoned wife and her secret son

read
3.2K
bc

Mistletoe Miracle

read
7.2K
bc

Road to Forever: Dogs of Fire MC Next Generation Stories

read
45.0K
bc

The Billionaire regret: Reclaiming his contract Bride

read
1.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook