Jackie’s POV
Nandito na nga kami ni Pyce sa restaurant na paborito kong puntahan kahit mag-isa ako minsan.
Yeah, hindi kami natuloy sa plano naming magpunta sa Jollibee kasi sobrang daming tao at tinamad naman kaming makipagsiksikan para lang makakain.
Kumukulo na rin daw kasi ang sikmura ni Pyce. Naisip ko naman na parang walang romantic feeling kung sa isang fast food chain ko lang siya dadalhin although alam mo at alam ko na treat ko lang ito sa kanya kasi rank 1 pa rin siya.
Kasalukuyan na kaming nakaupo rito sa “Kusina ni Fidel”. Ilang hakbang lang ito mula sa paaralan namin kaya hindi na rin kami nahirapang hanapin ito, bukod pa doon ay suki na ako ng kainang ito.
“Oh Pyce, anong gusto mong kainin?” bungad na tanong ko sa kanya.
“Kahit ano na lang siguro, Jackie. You know me naman, I can’t make a decision agad-agad at isa pa, bago lang tayo rito. Why not we ask the waiter?” sagot niya.
Shocks, hindi ko nga pala nasabi na madalas akong kumain dito. Sira ka talaga, Jackie!
“Alam mo, parang masarap yung Pork Adobo nila at saka yung Ensaladang Bangus, di ba?” pagkuha ko sa atensyon niya kasi kanina pa itong nakatingin sa malayo.
“Yeah, I might as well have those viands for lunch,” sinabi niya habang nakangiti ngunit kapansin-pansin pa rin ang pagkatamlay niya.
“Is there something bothering you, Pyce?” tanong ko rito na mukhang ikinagulat naman niya.
“I think this is not yet the time for me to share it with you, Jackie,” pagpapaliwanag naman niya.
“I won’t force you, Pyce, but always remember that I’m here, always ready to listen to you. I am your friend now kaya you can always open up about something na gusto mong pag-usapan, okay?” pagko-comfort ko sa kanya.
“Thank you…” hindi na niya naituloy pa ang kanyang sasabihin at tumulo na ang mga luhang wari ko ay kanina pa niyang pinipigilang bumagsak mula sa kanyang mga mata.
Hindi na ako nagsalita at kaagad na tinungo ang kinauupuan niya. Binigyan ko siya ng mahigpit na yakap at niyakap naman niya ako pabalik.
“Akala ko kaya kong dalhin yung bigat palagi pero mahina pala ako kaya heto at umiiyak ako ngayon. I have to always remain at the top dahil kung hindi, my dad will be disappointed of me. I have to always prove my worth sa kanya. I have to impress him with my academic achievements kasi kapag wala akong naipapanalo o wala ako sa ranking, I am a failure. Yan ang tingin niya sa akin and imagine, I have to endure that magmula nang isilang ako sa mundong ito,” pagsasalaysay niya sa bagay na matagal na palang bumabagabag sa kanya.
Matapos iyon ay mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap sa kanya. Wala akong masabi sa mga oras na iyon kaya’t tanging pagyapos na lamang sa umiiyak na si Pyce ang aking nagawa.
“Why do I have to suffer this way?”
“Why do I have to prove my worth all the time?”
“Why do I have to be good academically para lang maging proud si dad?”
“Is it because yun na lang ang puwede kong pangbawi sa kanya dahil yung kaisa-isang anak niyang lalaki ay bakla pa?”
“Tell me, Jackie! Why?”
Hindi na niya marahil napigilang maging emosyonal kaya mas humigpit pa lalo ang yakap niya sa akin.
“Pyce, we may not know each other that much. I know kung anong totoo, you are more than your achievements! Look oh, you’re a good guy with a golden heart! Bakit ko nasabi ito? Sabihin na natin na academic rivals tayo before but given that background, you still let me borrow your notes para sa pagre-review ko,” pagpapakalma ko rito.
“Jackie, ang babaw naman ng dahilan mo para masabing ‘good guy with a golden heart ako’ oh. Notes lang yung binigay ko sa’yo!” bahagyang kalmado na niyang tinuran.
“Kung sa’yo ay mababaw lang yun, puwes sa akin ay hindi. Pumasa ako sa exam nating yun dahil sa kabutihan mo. Hindi ka nagdalawang-isip na ipahiram sa akin ang notes mo kahit na academic rivals tayo,” pagpapaliwanag ko sa kanya.
“To be honest, Jackie, I never looked at you nor treated you as an academic rival. I am aware na you just want to make your big brother proud lalo pa at siya na lang ang kumakayod para sa inyo,” tugon niya na bahagyang naluluha na naman.
“Really? Well, that really makes you a good person, Pyce. I never doubted that you have a pure heart in the first place kasi I can see kung gaano ka rin mag-care sa iba nating mga kaklase, pati sa mga street children na nakikita mo sa daan,” nakangiti kong ibinahagi sa kanya ang mga bagay na nadiskubre ko sa pag-stalk sa kanya minsan.
“You know that too?!” gulat na gulat na reaksyon niya.
Kumalas naman ako sa yakapan namin para akmang humarap sa kanya. Muli rin akong bumalik sa aking kinauupuan bago ibahagi sa kanya ang aking nakita.
“Yeah! Nakikita ko na kaya pala ang dami mong dala minsan ay dahil toys and biscuits pala ang laman ng mga yun na ibinibigay mo naman sa kanila,” saad ko.
“Alam mo, papasa ka ng private investigator,” nakangisi niyang tinuran.
“Yun kaya ang dream ko, ang maging marites sa buhay ng ibang tao,” paggatong ko sa biro niya.
“Edi gayahin mo si Cristy Fermin!” tawang-tawa naman niyang itinugon.
“Jokes aside, Pyce. You are worthy of love, respect, and above all, acceptance! Lagi mong tatandaan na maraming nagmamahal sa’yo at handang suportahan ka sa mga gusto mo sa buhay! At saka, do not let other people’s expectations pressure you kasi hindi naman dapat sila ang may hawak ng buhay mo,” saad ko.
“Bukod pa doon, tatandaan mo na tanggap kita! Piliin mo palagi ang kaligayahan ng puso mo, hindi ang kaligayahan ng ibang tao!” dagdag ko pa.
Muli namang naluha si Pyce sa mga sinabi ko. Siya naman ang lumapit para yapusin ako.
“Salamat, Jackie! I never expected na darating yung araw na ikaw pa mismo ang magsasabi ng comforting words na hinangad kong marinig sa mismong ama ko. Sobrang salamat, Jackie! I’m happy na isa ka sa tunay na nagmamahal at tumatanggap sa akin…na kahit talikuran at iwan man ako ng mga taong itinuturing kong mahalaga sa akin, I know na may ‘Jackie’ ako na palaging masasandalan,” winika niya.
Mas lalo namang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin kaya hindi ko na ring napigilang maluha.
“Alam mo, mag-order na tayo kasi luha mo at luha ko na ang nalalasahan ko. Ang alat kaya, baka mamaya magka-UTI (Urinary Tract Infection) pa tayo pareho!” pabiro kong singit sa emosyonal na naming tagpo.
“Kaibigan talaga kita!” ang tanging naisagot niya.
Bumalik na siya sa kinauupuan niya matapos ang pag-uusap naming iyon, saktong may dumating namang waiter kaya nag-order na rin kami ni Pyce ng kakainin namin.
“Ikaw ba, anong gusto mong kainin?” tanong niya sa akin.
“Menudo at Puchero siguro, tagal ko na rin kasing hindi nakakakain ng ganoong putahe eh,” tugon ko sa kanya.
Makalipas ang mahigit dalawampung minutong paghihintay ay dumating na ang mga pagkaing inorder namin. Kitang-kita sa mga mata ni Pyce ang pagkasabik na matikman ang mga putaheng inorder ko mismo para sa kanya.
“Hala! Nakalimutan ko palang umorder ng kanin, dessert, at drinks,” bulalas ko sabay kamot sa ulo.
“Ano ka ba, Jackie? Okay lang kung wala ng dessert at drinks. Sa kanin ay hayaan mong ako na ang magbayad,” kalmado at nakangiti niyang tugon.
“Waiter, apat na order nga po ng kanin,” ani pa niya.
Grabe! Hindi ko lubos akalain na dahil lang sa pagyayaya ko kay Pyce na kumain sa labas ay nagkaroon pa ako ng pagkakataon na mas kilalanin pa siya.
Bahagya man akong nadismaya dahil maaaring wala akong pag-asa sa kanya, mas lalo akong humanga sa katatagan at lakas ng kanyang loob.
Hindi ko maitatangging mas humanga ako kay Pyce dahil sa kabila ng mga problema ay nakakaya pa rin niyang lumaban pero nais kong maramdaman niya na ngayon, hindi na siya mag-isa dahil makakasangga na rin niya ako sa mga hamong kinakaharap at kakaharapin niya sa buhay.
“You can always count on me!” bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang kumakaing si Pyce.
Itutuloy...