Chapter 3 - Back To Reality

1218 Words
Para akong binuhusan ng malamig na tubig matapos kong marinig ang tunog ng aking alarm clock na halos basagin ang jalosies ng aking bintana sa sobrang lakas. Sinasabi ko na nga ba, panaginip lang ulit ang lahat. Masyado ko lang sigurong nami-miss ang kauna-unahang tao na nagparamdam sa akin kung ano ba talaga ang tunay na pagkakaibigan at wagas na pagmamahal. Matapos ang pagmumuni-muni ay muli kong sinulyapan ang kulay luntian kong alarm clock na regalo pa sa akin ni Mark na hanggang ngayon ay talagang iniingatan ko lalo na at ito na lamang ang bagay na mayroon ako na sa kanya nagmula, maliban na lamang sa mga larawang nasa photo album na talagang itinago ko pa. At… “HALA! SHOCKS! 7:20 NA PALA!” palahaw ko na narinig naman ng mga tao sa mansyon. Bumalik ako sa riyalidad matapos kong maaninag sa aking orasan ang oras. May nalalabi na lamang kasi akong apatnapung minuto bago magsimula ang una kong klase para sa araw na ito. Binuksan ko naman ang aking telepono para i-check kung may nagmensahe ba sa akin at hindi naman ako nagkamali. “23 TEXT MESSAGES, 17 MISSED CALLS!” muling pagpalahaw ko at sa pagkakataong iyon ay pinuntahan na ako ni Yaya Bernadette. “Oh, anak. Ano namang ipinapalahaw mo riyan? Dinaig mo pa ang mga alagang manok ng Kuya Ken mo sa pagtilaok. Ay ano ba gang nangyari sa iyo, anak?” pag-uusisa ni Yaya Bernadette. “Kasi naman, yaya. Tingnan mo naman itong text messages at missed calls ni Jackie. Sino po bang hindi magugulat?” angal ko sabay abot ng aking telepono kay yaya. “Naku, anak. Baka naman nag-aalala lang ‘yang si Jackie. Aba, ikaw ay kumilos na at tunay na mahuhuli ka pa sa iyong klase. Ipaghahanda na kita ng almusal at sasabihan ko na rin si Teofilo na ipagmaneho ka,” saad ni yaya. Dali-daling bumaba si Yaya Bernadette para ihanda ang aking almusal at ang kotse na sasakyan ko papuntang school. Dalawampung minuto ang nakalipas at maluwalhati akong nakarating sa campus namin dala-dala ang backpack kong kulay luntian, ito kasi ang paborito kong kulay. Kaagad pumukaw ng atensyon ko ang nagkukumahog sa pagtakbong si Jackie na dala-dala ang listahan ng honors na hiningi pa raw niya kay Ma’am Castro, ang kasalukuyang Assistant Principal for Academic Affairs ng East Heraldiums Academy kung saan ako pumapasok. “PYCE, TOP 1 KA ULIT! CONGRATS!” nakangiti niyang bungad sa akin. Kapansin-pansin ang labis niyang kagalakan nang makita ako. “Sabi ko naman sa’yo na bilisan mo kasi bigayan ng card ngayon!” himutok pa nito. “Really?!” gulat na gulat kong reaksyon. Nakalimutan kong ngayon nga pala yun kaya pala kung todo na lang ang pagtawag at pag-text sa akin nitong si Jackie. Hindi ko rin naman masisisi ang bruha, mas excited pa nga siya sa akin. “Saan tayo after ng PTA meeting?” pagbasag niya sa tumatakbong imahinasyon ko sa aking isipan. “Kahit saan,” ‘yan na lamang ang tanging naisagot ko sa kanya. “Pyce naman oh! Dali na, treat ko! Celebrate natin pagiging rank 1 mo,” energetic na energetic niyang sinabi habang nakapamewang pa ito. “Fine, sa Jollibee na lang tayo. Deal?” sagot ko. “Oo na, Mr. Top,” sagot niya. Sa hindi ko mawaring dahilan ay abot-langit ang ngiti nito. Ano naman kayang tumatakbo sa isipan niya? Huh? Jackie’s POV Kakagising ko lang at ngayon ang araw na malalaman namin ang academic ranking namin. Hindi na ako magugulat kung rank 2 pa rin ako. Si Pyce kasi, masyadong ginagalingan. Sa totoo lang ay academic rivals kami, hindi ko na nga rin alam kung paano ako naging malapit sa kanya ganoong palagi kaming magkalaban sa iba’t ibang academic competitions, ultimong extracurricular activities ay nagsasagupaan na rin kami…pero noon yun. Totoo talaga siguro ang sinasabi ng iba na minsan ay nagbabago ang ihip ng hangin. Yung dating kaaway mo ay puwede mo palang magustuhan. TEKA! MAGUSTUHAN? AKO? GUSTO KO SI PYCE? Malala ka na talaga, self! Hala naman pero, bakit parang ganoon na nga? Okay, I like Pyce kaya nagawa kong magparaya para sa kanya. I want to be close to him kaya minali ko na yung ibang mga sagot ko sa exam at recitation para kahit papaano ay bumaba ang grades ko. Am I fool? I guess, oo. Sadly, I became one because tinamaan ako sa isang Prince Yuan Casper Emil Santos-Villanueva. Yung dating kinakainisan ko, heto at gustong-gusto ko na ngayon. Yung dating dahilan kaya palaging sira ang araw ko, heto at siyang nagbibigay ng ngiti sa labi ko. Ang bilis ng mga pangyayari pero kailan nga ba unang tumibok ang puso ko para sa kanya? Kailan nga ba? Ah, tanda ko na, yun ay noong… “HOY, JACQUILYN VIELE AVENIR CRUZAT-SORIANO! GUMISING KA NA!” bulalas ng kuya kong si Red. “KUYA NAMAN OH, KAUSAP KO PA ISIP KO EH!” himutok ko naman. “ABA! Ika’y bumangon na, baka ma-late ka pa!” inis na inis niyang tugon. Agang-aga ganyan na naman siya oh. Kainis talaga! Tiningnan ko ang orasan at… SHOCKS! 6:30 AM NA PALA! Kadalasan kasi ay yun ang oras ng pag-alis ko sa bahay dahil malayo-layo rin ang lugar namin sa school ko. Dali-dali ko namang inayos ang sarili para maligo, kumain ng almusal, at magbihis. “Araw ko yata ngayon ah!” saad ko sa sarili ko. Maaga kasi akong nakarating sa paaralan dahil hindi mabagal ang daloy ng trapiko. Ika-7:30 pa lang ng umaga ay nandito na ako. Sa aking pagmamasid sa loob ng aming silid ay kapansin-pansin na kahit anino ni Pyce ay hindi ko makita. “Naku, wala pa yata ang loko,” bulong ko. Napapakamot-noo ko siyang itinext ng itinext. Napilitan na rin akong tawagan siya dahil mukhang mahimbing pa ang tulog nito. ‘Di ko talaga maintindihan minsan, kung sino pa yung malapit ang bahay sa school ay siya pa ang palaging late. Si Pyce talaga oh! Bandang 7:50 na ng umaga ng masintiran ng aking mga mata ang naghahabol ng hiningang si Pyce, suot-suot niya ang puting-puting long sleeves habang nakapulupot sa leeg niya ang kulay lilang kurbata. “PYCE, TOP 1 KA ULIT! CONGRATS!” nakangiti kong bungad sa kanya. Hindi ko naman masukat ang labis na galak sa aking mukha. “Sabi ko naman sa’yo na bilisan mo kasi bigayan ng card ngayon!” dagdag ko pa. “Really?!” gulat na gulat naman niyang reaksyon. Naku talaga! Mukhang nakalimutan niyang ngayon ang bigayan ng report card at announcement ng ranking ah. Pyce talaga, masasakal kita! “Saan tayo after ng PTA meeting?” pagbasag ko sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. “Kahit saan,” ‘yan na lamang ang tanging naisagot niya sa akin. “Pyce naman oh! Dali na, treat ko! Celebrate natin pagiging rank 1 mo,” energetic na energetic kong sinabi habang nakapamewang. Baka naman madadala ko siya sa pabebe ft. begging side ko. Malay mo? “Fine, sa Jollibee na lang tayo. Deal?” sagot niya. “Oo na, Mr. Top,” sagot niya. Sa hindi ko mawaring dahilan ay abot-langit na naman ang ngiti ko. Kung ‘di mo lang alam, Pyce, sobrang saya ko kasi pumayag ka. Ituturing ko itong first date natin. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD