"Get that away from my face," I snapped habang abot-tenga ang ngisi ni Andrè, hawak ang phone niya na parang siya ang official videographer ng buong graduating batch. Hindi siya tumigil. Kahit ilang beses ko pa siyang sinabihan, tuloy-tuloy pa rin siya sa pagkuha ng pictures at videos. Para na kaming nasa Behind The Scenes ng isang low-budget na reality show. Nasa makeshift studio kami sa loob ng gym—mainit, maingay, at amoy foundation. Naka-pila kami para sa graduation pictures, at si Andrè, para siyang batang first time makakita ng tao na may makeup. "You look so different when you're fully made up," sabi niya, still recording, parang nagva-vlog. “Grabe, Maricon, ibang tao ka ‘pag sineryoso ka ng kilay mo.” Napangiwi ako. "Gusto mo rin ayusan kita ng kilay?" Pero imbes na tumigil, i

