We just dropped by to get a few things. Surprisingly, medyo okay na si Papa tungkol sa’min ni Andrè. Wala rin naman talaga siyang choice. Kasi let’s be honest—what’s not to like about Andrè? He’s like the golden retriever of future lawyers. Mabait, magalang, mahilig magdala ng pasalubong kay Papa, at higit sa lahat, hindi siya nangongopya sa recits. Si Ellie, gustong-gusto rin siya. Kasi tuwing kasama namin siya, si Andrè parang si Kuya Kim—may trivia about the legal system habang nagpapakain ng fries. So eventually, kahit gaano ka-konserbatibo si Papa, wala na siyang na-reklamo. Wala siyang mapintas. Pagdating namin sa bahay, I noticed something was off. Alam mo 'yung gut feeling? 'Yung parang may nagluluto ng gulo? Ayan. Kasi pagkababa ko ng sasakyan, nakita ko si Ellie sa driveway—pik

