I almost flinched when I heard my name being called. “Maricon!” Like... bakit parang kinabog ako sa harap ng national audience? I almost melted sa kinatatayuan ko nang marealize kong lahat silang apat ay naka-tingin sa akin. As in, apat na lalaking mukhang galing sa Calvin Klein fragrance commercial, nakatitig sa akin na parang ako ang poster girl ng “Did-she-just-trip-on-her-own-heart?” "W-What?" Kunot noo ni Andrè habang hinahatak ako paakyat sa grupo nila. Gentle lang naman siya—hindi naman ako hinatak na parang mamaya ay ipapatawag na sa barangay hall. Kasi alam niyang late-reactor ako sa lahat ng bagay kaya siya na ang nauunang magreact for me. Like a human reaction time buffer. So sweet. So annoying. But sweet. "My friends," sabi ni Andrè sabay turo sa tatlong demigods sa harap

