Chapter 14

2039 Words
"You're not wearing the one that I gave you," Andrè said with that annoying-as-hell grin on his face. Mabuti na lang wala pang masyadong tao sa classroom—kundi baka headline na naman kami sa Law School Chika GC. I raised my middle finger at him. Gigil na gigil. Pumalag din ang dugo ko, okay? “You ass!” sabi ko sabay hampas sa braso niya gamit ang codal ko. Feel na feel ko talaga maging representative ng Anti-Andrè Abuse League. “What? I was just being helpful!” Sagot niya habang umiwas sa second round ng palo. “Ugh! Bwisit ka talaga!” Patuloy akong naglanding ng hampas sa kanya na parang ako’y ninja na pinanganak sa Faculty of Annoyed Students. Sa sobrang inis ko, parang gusto ko nang i-request sa admin na ilipat siya sa ibang block—preferably sa Mars. I swear, feeling ko dahil wala siyang girlfriend, ako ang naging emotional punching bag-s***h-pang-asar toy niya. And ako naman, hello, certified pikon. Ginto ang asar sa akin, laging may balik! “D’yan ka ba uupo?” Napatigil ako sa panggugulpi kay Andrè nang marinig ko ang boses ni Jax. He was looking at us like a tired, overworked tito who just wanted peace but was stuck in a sitcom. Bag strapped on his shoulder, one hand holding a sandwich. Seriously? Kaninang exam week pa ako di makakain tapos ikaw may brunch? “Di pa ako tapos sa ’yo,” I hissed at Andrè, giving him my best Bubuyog ng Galit glare. Tumawa lang siya. Bwisit. May araw ka rin talaga sa akin, Andrè Javier. Sinasabi ko sa ’yo—at sana hindi araw ng quiz. Bumalik na ako sa pwesto ko. Thank God nasa kabilang continent siya ng classroom. Peace and quiet for the rest of the day? Yes please. Beside me was Kaye. Tahimik lang siya. Hindi madaldal, hindi clingy—saktong tao lang. She speaks when spoken to, which I love kasi parang emotional detox ako from Andrè. Para siyang female version ni Jax—deadpan, serious, borderline intimidating kapag nataon. Nag-scan ako ng notes ko... at napaangat lang ang kaluluwa ko nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Atty. Santillan. Holy crap. Sobrang unpredictable niya. Parang ulan. Or thesis panelist. You never know kung darating siya or hindi—but when he does… alam mong may mamamatay sa recit. “Santiago.” Putek. Ako talaga agad?! Nanginginig ang kaluluwa ko. Tumayo ako. Steady lang, steady lang. Sabi nga ni Andrè, professors can smell fear. ‘Pag naamoy nila na hindi ka handa, mas lalo kang bubugbugin ng tanong. And for once, I believed him—’cause kahit siya, nakakalusot sa mga recit na parang smooth-talking con artist. “Suppose President X, president of State Y, made a unilateral declaration that he will prioritize citizens of State Z to be the workers of the construction of a dam in State Y. Is there a violation? Decide on the basis of the 1987 Constitution.” Wew. Hindi ba pwedeng “state your favorite food” muna? Grabe ka, Sir. Hinawakan ko sariling kamay ko para hindi mahalatang nanginginig ako. You got this. Review mo ‘to kagabi habang umiiyak sa gilid ng kama mo with Yakult. “In the case at hand,” I began, channeling my inner Kaye-level composure, “President X violated Article XII, Sec. 12 of the 1987 Constitution which states that—” Deep inhale. Peak legalese mode: ON. “—‘The State shall promote the preferential use of Filipino labor, domestic materials, and locally produced goods, and adopt measures that help make them competitive.’ Given this, there is a constitutional violation for President X is constitutionally bound to give preferential treatment to the use of Filipino labor, or in this case, the citizens of State Y.” Nanginig ang laman loob ko. Pero I think I did good. No. I knew I did good—lalo na nang makita kong naka-thumbs up si Andrè from across the room. Nagmo-mouth pa siya ng “Nice.” First time niya ’kong hindi inasar sa isang araw. Achievement unlocked. “Viste.” Tumayo si Kaye sa tabi ko like a calm soldier being summoned to war. Ang contrast naming dalawa, grabe. Ako kanina parang contestant sa Basta't Kasama Kita: Recit Edition, siya naman parang sumagot lang ng tanong kung ilang ounces ang tubig sa glass. Pagkaupo ko, whew. Buhay pa ako. Sana okay yung grade ko. Consti I is 5 units, pare. Freakin' FIVE. That’s like emotional labor, blood, and two friendships worth of studying. Natapos ang klase pero parang may drumline sa dibdib ko. "Ay, 89 grade mo." “Shut up.” “I’m serious!” sabi ni Andrè, tumatawa. “I watched what he wrote on your index. Taas, ah. Libre mo ’ko?” I frowned. “Di pa tayo bati.” Tumawa ulit siya. “Pa rin? Worried lang naman ako sa ’yo. Pasalamat ka nga ako unang nakakita sa ’yo. Imagine kung nakita ka ni Kuya Jerry o ni Laine?” “Sino si Laine?” “’Yung babaeng naka-pink sa lobby.” Inirapan ko siya. “Basta babae, alam mo agad pangalan, no?” Sabay kaming naglakad ni Andrè palabas ng room. Sa likod namin sina Jax at Kaye. I swear, mukhang papunta na naman sila sa library. These two treat the library like it’s Disneyland. Alam ko masipag kami—all of us—pero iyong kasipagan ni Jax at Kaye? Literal na pang-mythical creature. Walang pasok pero nasa library? Sino kayo?! Hindi na ako magtataka kung sila na agad ang bar topnotchers sa block. May balita na nga na sila daw 'bar bet' ng SCA, at legit, hindi na ako nagtaka. “Selos ka?” Insert choking sound “You wish.” “May natira pa na food from lunch, right?” tanong ni Andrè habang bitbit ang Consti book ko. “Ano ka, tagabitbit?” “Of course not. Gentleman lang. With conditions.” Pinigilan ko siyang batuhin ng ballpen. “Oo, may natira pa. Pero do you mind kung sa mall na tayo mag-dinner? May bibilhin ako e.” “Sure,” sabi niya habang ngumiti nang parang alam niyang wala akong ibang choice kundi tiisin siya. Kasi kahit annoying siya, to be fair... sa kakulitan niya, hindi mo maiiwasang... okay, fine. Minsan lang ah—ma-appreciate. Tumango din si Andrè. Upon reaching the parking lot, sakay kami sa Everest niya—yes, iyong sasakyan niyang mukhang official car ng NBI. Ang daming nakatingin sa amin sa parking dahil nga naman sa itsura ni Andre na mukhang artista na may business sa Visayas Avenue. Angas ng katawan, law book sa isang kamay, mantsa ng kape sa damit. Real law school aesthetic. The traffic was heavy—as usual. Metro Manila may be geographically small, but its traffic is large enough to eat your soul. Leche talaga ang EDSA. It was just 7:30pm pero parang 9:30 na sa antok ko. I was running on two hours of sleep, one cup of coffee, and sheer constitutional fear. "Ano'ng bibilhin mo sa mall?" tanong ni Andre habang naka-tukod sa manibela, clearly trying to fill in the awkward silence between us. "Gift." "Kanino?" "Kay Papa at kay Pablo. Birthday month nilang dalawa." Nag-antay ako ng follow-up question—wala. Natuwa naman ako, sa totoo lang. At least hindi na siya sumasama ng aura kapag nababanggit si Pablo. Miracle alert! Usually kasi kapag sila magkasama, parang may silent war na nangyayari tapos ako 'yong UN representative sa gitna. Nakakapagod kaya mag-mediator! But the silence was slowly driving me nuts. I reached for the radio at sakto namang isang mellow song ang tumugtog. Hindi ko alam ang title, pero naramdaman ko agad ang Spotify sadness. Perfect background music for law student existential crisis. Pagdating namin sa mall, dumiretso agad kami sa boutiques. I was on a mission. Hindi pwedeng empty-handed ako pag-uwi. Meanwhile, si Andre ay parang bodyguard kong hindi pinapasok sa loob dahil naka-tambay siya sa gilid ng entrance at naka-cross arms. Mukha siyang nakapila sa model casting call ng Bench. Mga babae sa paligid, nag-aadjust ng hair. Isa pa 'tong problema ng lalaking 'to—unintentional panira ng momentum. "Tara nga dito!" tawag ko sa kanya. Mukha siyang art installation sa gilid ng pinto. Ugh. "What?" tanong niya, parang napilitan pa. Hinila ko siya sa harap ko habang tinitignan ko 'yong shirt na bibilhin ko para kay Papa. "Bagay na bagay sa boyfriend niyo, Ma’am!" ani ate saleslady. "No, hindi—" sabay putol ni Andre, "Iba boyfriend niya." UYYYYYY. Nag-part ang lips ni ate saleslady… pati akin. Hello? Bakit parang nagselos ka, beh? Kung 'di ko lang kilala 'tong si Andre sa kabuuan ng kalandian niya, iisipin ko may hidden feelings 'to. Pero knowing him? Baka na-trigger lang pride niyang may ibang lalaki sa life ko bukod sa kanya. "Para kay Papa 'to," sabi ko habang nilalabanan ang urge na murahin siya sa isipan ko. Pero I didn’t know why I bothered to explain myself. Kung para kay Pablo man 'to, so what, beh? Meanwhile, si Andre? Nag-eenjoy maglaro ng mga hanger. Umikot-ikot sa boutique, parang nasa reality show for toddlers. I swear, kung hindi lang 'to matalino, iniwan ko na 'to sa parking. Binayaran ko na lang 'yong long sleeves. Bahala na si Batman. I'll just buy Pablo’s gift another day. Ayoko na ng circus. “Tara na,” I said habang bitbit ko ang paper bag. “Done?” “Di pa, pero next time na ‘yung kay Pablo.” Kunot-noo siya. Ah, gulat siya na siya 'yong dahilan kung bakit hindi ko na tinuloy. Natahimik ulit kami. Gusto ko siyang tanungin kung bakit topakin siya today, pero naisip ko—bakit ko pa ipipilit? Hindi naman siya bata. “Where do you wanna eat?” tanong ko. Kahit wala pa akong gana, mas okay nang mag-dinner kaysa mamatay sa tahimikang 'di ko maintindihan. “Yung kay Pablo,” bigla niyang sabi. I looked at him. “What about him?” “Ano ba’ng bibilhin mo? Baka magsara na ‘yung mall.” “Nah. Next time na lang.” “Bilis na,” sabi niya na parang pinipilit ang sarili. Wow. The topak has evolved into guilt? Revolutionary! “Next time—I—” “Bilis na kasi, Maricon,” parang bata ang tono niya. “Let’s just buy him your gift so we can eat already.” Napailing ako. Oh my God, anak ng asar. Literal na batang may kakulangan sa pansin. Naglakad kami para maghanap ng gift para kay Pablo. But real talk? Wala akong idea anong bibilhin. My first boyfriend and I broke up before his birthday. Tapos mga guy friends ko before? Puro low maintenance. Give them pancit canton and they’ll call you their best friend for life. “Ikaw, ano’ng gusto mong ma-receive?” tanong ko kay Andre. “Bakit ako?” “Wala lang. Parang same kayo ni Pablo ng gusto, e.” And just like that—his soul left his body. Lumaki 'yong mata niya. Parang nakakita ng multo. Bruh, relax lang! I just said you both like bars! “The f*ck, Maricon,” he said habang bigla siyang naglakad ng mas mabilis. OH. AYAN NA. NASAKTAN SI EGO. “Grabe!” natawa ako. “You sound so offended!” Pero naglakad siya ng mas mabilis! Ang unfair! Alam niyang baby legs ako tapos marathon runner siya? Dahil ayokong maiwan, nag-jog ako para makahabol. Hindi ko alam kung mall to o fun run. Bigla siyang huminto. ACK. Nasa harap niya ngayon ang tatlong lalaki. Lahat sila? Tall. May dalang aura. Parang modelo. Parang magkakaibigan lahat ng Greek gods. At ako? Mukha akong lost potato chip. I was frozen. Hindi ko alam anong gagawin. May isa sa kanila na mukhang full Filipino. Pero 'yung dalawa? Mukha silang may lahi ng Europe at kawalan ng pores. Naglakad si Andre pabalik sa akin. Then he said, “Maricon.” At that exact moment, I forgot how to function. I just stood there, clutching a paper bag, heart pounding, and mind spiraling. Lord, hindi pa po ako ready sa ganitong eksena. Wala akong bitbit na self-esteem ngayon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD