Sunday was a ghost town. Wala si Andrè. No presence. No shadow. No sulyap. Nada.
Which was a blessing, kasi lumuwas si Papa galing Pangasinan. Buti na lang hindi niya kasama 'yung preggy twinkie niya. Oo, 'yung bagong misis na halos kasing-edad ko. Hindi raw makabiyahe. Naks, akala mo naman Batanes ang byahe. Metro Manila lang naman.
Pagdating ng Monday, I was back to my almost functional self. Slightly heartbroken, slightly hungry, and very finals-ready. Hindi ko pa rin binubuksan ‘yung messages ni Pablo. Kasi alam kong pag binasa ko ‘yun, I’d be one sorry emoji away from replying “okay na tayo uli.” Ayoko na ng gulo.
"Tara na?" tanong ni Kaye habang kumakain ng donut na parang hindi siya concerned sa calories.
I nodded. New week, new mindset. Law school first, kalandian later.
Pagpasok ni Andrè, ramdam ko ang tension sa classroom. And also... nakita namin ‘yung pasa niya sa labi. Halatang may sinapak talaga siya. Ang astig tingnan. Kung hindi lang kami cold war ngayon, baka nitease ko na siya.
"Did you two fight?" tanong ni Kaye habang tinitigan ‘yung pinto na parang may multo.
"Oo yata," sagot ko.
"Good," sabay kagat ng donut. "At least 'di siya pupunta dito para dumaldal."
Napatawa ako. Finally, konting tawa. Thank God sa mga tulad ni Kaye. Sobrang three hours akong na-distract dahil sa klase namin, para akong na-reboot.
After class, hindi ko alam kung uuwi ba kami together. Wala akong dalang kotse. Ayoko namang mag-Grab at maubusan na naman ng patience. So bahala na.
"Andrè," tawag ko.
"What?" sagot niya habang sinisiksik sa bag niya ‘yung libro na parang binabanlian.
"Sabay ba tayong uuwi?"
"Yeah."
"Galit ka ba?"
"Hindi."
Tangina. "Galit ka nga?"
"Hindi nga ako galit."
"E bakit parang sinaniban ka ni Voldemort sa tono mo?"
"Just had lunch with my family, so I'm not in the best mood."
Tumigil siya. Tumingin sa akin.
"I am not mad," ulit niya. "Kung gusto mong magpaka-tanga sa lalaki, that's your decision. If you get hurt, I'm still gonna be here to wipe those f*****g tears. If you wanna vent, I'm still gonna be here to listen. I’ll just stay by your side until you find your self-worth again."
At ‘yon na. Ewan ko kung matatawa ako, iiyak, o yayakapin ko siya bigla. Pero ang malinaw lang… si Andrè, hindi lang basta best friend. Siya ‘yung tipo ng tao na kahit ilang beses mo nang sinayad ang mukha mo sa aspalto, tutulungan ka pa ring bumangon—kahit habang may pasa pa siya sa labi at hinanap ng Smirnoff.