Chapter 20

1807 Words
I was distracted the whole week. After five texts from Pablo—na ang laman lang ay "Hi," "Can we talk," "Sorry," at dalawang "Seen?"—wala na. Nada. Zilch. Zero. As in parang siya na rin ang nag-unsubscribe sa sarili niyang love life. That just cemented my decision to end things with him. I mean, hello? Hindi man lang nag-effort? ‘Di ako pinalaki ni Mama at Papa sa Pangasinan para lang gawing option ni Pablo. Gwapo siya, sige. Fine. Pero maraming gwapo sa mundo. May filters nga sa i********:, hindi na 'yan impressive ngayon. Andrè: Where are you? Bakit ka aabsent? Me: Need to do something for Papa. Di naman ako ondeck sa recit. Pa-record na lang ng class? Thankyouuuu Binalik ko agad 'yung phone sa loob ng bag ko, parang bomba. I didn’t want to answer more questions. Especially not from Andrè. Palagi ko siyang kasama—if he even gets a whiff na kay Pablo ako pupunta, for sure may maririnig akong litanya, kasunod ng side eye at eye roll combo na pang-Miss Universe. Pagdating ko sa bar, sarado pa. Pero may mga tao nang nag-aayos, parang eksena sa behind-the-scenes ng "Bar Rescue." Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko. Mas lalo pang humigpit nang makita ko si Pablo—nasa likod ng counter, punas-punas like some sort of tortured bartender from a teleserye. Huminga ako nang malalim. I needed to do this. Hindi ko pwedeng i-ghost si Pablo kahit na obvious na siya ang multo sa relasyon namin. “Pablo,” I called. Tumingin siya sa akin. Tumama agad ang mata ko sa black eye niya. Grabe. Ilang PSI ba ang suntok ni Andrè? Nagpigil ako ng ngiti. Hindi dahil naaawa ako, kundi dahil ang first thought ko ay, "Oh my God. Effective pala ‘yung suntok na ‘yun." “I just want to talk,” sabi ko. “About… us.” He didn’t say anything. Just got a bottle of whiskey and poured himself a glass. Ay wow, talaga. May pa-theatrics. “You want?” tanong niya. “No, thanks. I’m here to break up with you, not to get drunk and forget my dignity.” Tahimik. In fairness, ang galing niyang magpa-tense ng atmosphere. Parang scene sa pelikula na alam mong walang happy ending. “I really did have a meeting. I didn’t lie,” he finally said. “But still, I don’t think this is working. Clearly, you want someone else.” Prrrrrt. Record scratch. “Excuse me?” I said, mouth slightly open, eyelid twitching, lip trembling in a mix of rage and... sarcasm. “You clearly have something going on with Andrè.” WHAT?!? Saan galing ‘to?! Astrology? Tarot? Fake news sa f*******:? “Are you seriously blaming this on me?” bulyaw ko. “Ikaw ‘tong hindi makapag-commit!” But he just smirked. Ngiting bwisit. "You’re always talking about Andrè. Andrè this. Andrè that." I was ready to yeet myself into the stratosphere. “WE’RE JUST FRIENDS!” “Sure.” Ngising aso. “HE PUNCHED YOU BECAUSE HE THOUGHT YOU DITCHED ME TO PARTY!” I shouted. Then he laughed. Pablo laughed. Ang kapal ng mukha. Naintindihan ko na talaga ang impulse ni Andrè. PUMMELING face worthy nga ito. “Punched?” aniya. “He went batshit crazy. That’s not a normal friend reaction.” Oh my God. Gusto ko nang kunin ang bote ng whiskey at ibuhos sa sarili ko para matauhan. “Alam mo, ewan ko sa’yo. I just came here as a courtesy, okay?” I said, trying to salvage the shreds of dignity left in my soul. “This is not working. And WALANG something sa amin ni Andrè!” Kinuha ko ang paper bag from my tote—DIY breakup kit. “What’s this?” “Birthday gift. Pwede ring parting gift.” Tapos tinalikuran ko siya like the true leading lady that I am. Cue the soundtrack. Beyoncé, pasok! Nagulat ako na ang bilis matapos ng confrontation. Nakakainis. Parang ako pa ‘yung napahiya. Sana pumasok na lang ako sa school kanina. Mas productive pa siguro ako kung nag-review ako ng case law kaysa nakipag-clown kay Pablo. Sabi nga sa movie, "He’s just not that into you." Pagbalik ko sa hallway, nakita ko si Andrè—nakasandal sa pader, arms crossed, parang poster boy ng "Ating Alamin." “Hala, wala pa si Sir?” tanong ko, hingal kabayo pa dahil tumakbo ako paakyat. “Anong nangyari sa’yo?” tanong niya. Sabay abot ng panyo. Classic Andrè. Siya lang talaga ang kilala kong law student na may dalang panyo palagi. What is this? 1950? “T-tumakbo ako,” sagot ko. “I thought you’re skipping class?” “My thing ended early,” sabi ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya na galing ako kay Pablo... pero scary eh. Kasi baka mamaya masambit ko rin 'yung sinabi ni Pablo tungkol sa “kami daw ni Andrè.” Hindi pa ako pro sa pagsisinungaling. Si Andrè kasi, may PhD na sa poker face. Ako? Nasa Module 1 pa lang. “You’re not gonna ask where I went?” I asked. Usually, he’s nosy. Laging may pakialam. Lagi niyang inaamoy kung saan ako galing. But he just shook his head. “Nah. It’s your business,” sabi niya. Then, nag-vibrate ang phone niya. Sumilip ako. Nosy is my middle name. Tumaas ang kilay ko. Nakita ko sa recent calls/texts: Atty. Santillan Lily Maricon WHAT. THE. ACTUAL. FUDGE. Who. The. Heck. Is. Lily? Diyos ko po, kung sinasabi ni Pablo na kami daw ni Andrè, ano naman ‘to? Bagong plot twist? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit parang naiinsecure ako na nasa third spot ako?! Aba, si Andrè nga nasa third spot din naman sa phone ko, tapos Andrhoe pa ang pangalan niya! Parang may bagong version ng name niya, certified extra. “Sana ‘di ka na pumasok. ‘Di na raw aabot sa class si Atty.,” sabi ni Andrè habang nagta-take ng screenshot ng text at pinapadala sa group chat. Parang tanga. ‘Di na lang sana pumasok tapos sabihan ng grupo na wala si Atty. May alam ba siya? “Teka, sino si Lily?” tanong ko kasi ‘di ko talaga napigilang maging curious. Tumingin siya sa akin, medyo nakakunot ang noo. “Bakit? May girlfriend ka na ba?” “Ano? Bakit ka nagiging inquisitive kung may jowa siya o wala?” sagot ko na parang hindi interesado pero obvious na interesado. Nag-shrug ako kasi ‘di ko rin maintindihan kung bakit ako curious. Siguro kasi bigla akong naguluhan after sa mga kalokohan na sinasabi ni Pablo. Wala naman sigurong gusto sa akin si Andrè; siya kasi, sobrang bait lang talaga. Hindi ko rin gustong ipalagay na may gusto siya sa akin kasi mabait siya, eh. Baka naman may gusto rin siya kay Kaye? Kasi sobrang bait din ni Kaye, diba? At kung may gusto nga siya, sigurado ako na sasabihin niya sa akin. Makapal naman ng mukha niya ‘yan, nakakabolah siya kahit yung prof namin na sobrang naninigas kapag may tao sa klase, e. “Wala lang... sino nga ba si Lily?” tanong ko ulit, kasi ‘di talaga ako mapakali. “Friend siya sa US,” sagot niya, very casual. “Close kayo?” balik tanong ko, parang nag-iinterrogate na ah. “Kinda,” sagot niya, pa-bait pa. “Ano bang pinag-usapan niyo?” Nagtaas siya ng kilay. “Bakit ka ba ganun ka curious?” tanong niya, pero nag-shrug lang talaga ako. “Tinatanong lang niya kung uuwi ako sa vacation.” “Ano? Hindi ba Philippines ang home mo?” nagulat ako. Parang may mali sa sinabi ni Lily na uuwi daw si Andrè. Ano ba ‘to? Pambobola ba ni Pablo ‘to para mapasobrahan ang paranoia ko?! Ito ba ang ganti niya sa akin? Gusto niya akong gawing paranoid! Napatawa si Andrè sa mga tanong ko. “Dual citizen ako, kaya technically, US and Philippines ang home ko,” sagot niya, parang experto sa citizenship. Gusto ko pa sana magtanong nang tawagan siya ni Juan Alexandro para itanong kung may dagdag ba si Atty. sa coverage para sa next meeting. Ugh! Epal talaga ‘tong si Juan Alexandro minsan! Medyo matagal silang nag-usap kaya nang matapos sila, feeling ko ang epal na ako kung babalikan ko iyong usapan tungkol kay Lily. Kaya tahimik na lang ako habang papunta kami sa sasakyan ni Andrè. Medyo weird kasi tahimik siya... siya kasi usually talkative—‘yang klase ng taong kaya mong pakawalan ng tawa sa gitna ng meeting tapos tatahimik sa pinaka-importanteng tanong. Kaya nga naiinis si Kaye sa kanya minsan. Simula nang gabi na sinabi niya sa akin na hahayaan niya akong magpaka-tanga, napansin ko na parang may invisible line sa pagitan namin. Parang ayaw na niya makialam sa mga gusto kong gawin sa buhay. Totoo siya sa sinabi niya — susuportahan niya ako kahit magpaka-tanga ako. “Andrè...” sabi ko, feeling ko kailangan ko na siyang kausapin. Ayokong ganito ang distance namin, parang may mali. “Yeah?” tanong niya, habang hawak ang manibela, at nakatingin sakin na parang hawak niya ang buong mundo — at ako ang problem. “Kaya ako umalis kanina kasi—” sabi ko, pero naputol agad nang vibrahan ang phone niya at nakita naming may FaceTime si Lily. “Sasagutin ko na lang ito,” sabi niya na hindi humingi ng permiso — basta nagsabi lang. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong sumilip sa screen para makita kung ano ang itsura ni Lily, pero ‘di ko alam kung dapat ba. Kung espesyal nga siya, bakit ako eepal? At kung kaya niyang pasayahin si Andrè, sana nga. Deserve niya ‘yon. Ang bait niya sa akin, sa Kaye, sa lahat. “San ka pupunta?” tanong niya nang buksan ko ang pinto ng sasakyan. Ayoko nang maupo doon at makinig sa usapan nila na parang nasa ibang mundo ako. Malinaw na malapit sila. May history na sobra. Akala ko close kami ni Andrè, pero parang mas close sila ni Lily. Tama ako na huwag pansinin ang mga sinasabi ni Pablo. Si Andrè ay bait lang talaga. Ako lang ang masasaktan kapag nag-assume ako. ‘Yan ang problema sa mga nice guys — di mo alam kung saan nagtatapos ang pagiging mabait, at saan nagsisimula ang kalituhan. Ayokong malito. Ayokong masaktan. Kasi sa huli, ako lang din ang talo. “Dean’s Office. May tatanungin lang ako,” sabi ko bago ako mabilis na naglakad papasok. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero ang alam ko, ayokong makinig pa sa usapan nila. Hindi ko kaya ang pakiramdam na iyon — na parang sinasakal ako. At ‘di ko gusto ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD