Chapter 21

934 Words
Hindi ako makatingin nang maayos kay Andrè. Naiinis ako sa sarili ko kasi bakit ako biglang naiilang sa kanya? He’s Andrè, for heaven’s sake! Iyong lalaking may pagka-demonyito pero supportive sa mga pinaka-kalat kong decisions in life. Five months na kaming laging magkasama—tapos ngayon pa talaga ako maiilang sa kanya?! Nung time na nagpaka-payaso ako sa harap ni Pablo, di ako nahiya. Pero ngayon? Ngayon na nagb-book lang siya ng flight?! “Are you okay?” tanong niya, habang parang siniscan ang aura ko kung may malas ba akong sinasahog sa atmosphere. Nag-blink ako ng ilang beses at nilagyan ng konting award-winning acting skills ang ngiti ko. “Y-Yeah. Nagmememorize lang ako,” sabi ko, kahit ang totoo, ‘di ko na nga maalala kung saang libro galing ang binabasa ko. Mukha naman siyang unconvinced, pero hindi na siya nag-follow up. Thank you, Andrè, for sparing my emotional chaos. Nasa coffee shop kami na medyo malayo sa Ladezma Law School. Hindi puwedeng sa unit—hello, kama. Hindi rin puwedeng library—hello, tension na parang may eksena sa teleserye. Kaya eto kami, sa isang 24-hour coffee shop na parang sinadyang dinisenyo para sa mga estudyanteng gusto ng caffeine-induced breakdown. “You want food?” tanong niya habang nag-uunat at sabay hininga na may kasamang audible regret sa buhay. “Sandwich na lang. Ikaw muna magbayad, I’ll pay you later,” sabi ko. Umiling siya na parang "same old Maricon", tapos lumakad papunta sa counter. At eto ako, pinanood siyang maglakad. As in cinematic level panonood, parang may slow motion. Tapos sabay sipa ng reality sa utak ko. Oh my God. May crush na ba ako kay Andrè?! Since when?! Dahil lang ba 'to kay Pablo at sa mga bintang niyang gusto raw ako ni Andrè?! At bakit ko na-iinternalize?! Baka naman epekto lang to ng finals stress—baka crush ko na rin ang reviewer ko? O baka... dahil biglang may sumulpot na Lily? “Ugh!” Napalakas ang ungol ko. Parang sinapian ng frustration demon. Napatitig si Andrè sa akin na parang “ginugulo mo aura ng kape ko, Mars” look, pero ngumiti lang ako sabay iling. “Wala, naalala ko lang na ‘di ko pa rin gets ang principal by inducement,” sabi ko in my mind, pero hindi ko na binoses. Kailangan ko siyang tanungin. As in, diretso tanong: Gusto mo ba ako, yes or no? Kasi kung hindi, at least malinaw. Hindi ‘yong parang pansit—halo-halo, hindi mo alam kung luto na ba o hilaw pa rin ang feelings. Pero finals week ngayon. Law school before emotional chaos. Kapag after exams ko siya tinanong at nasaktan ako, at least sa sem break ko mararamdaman ang heartbreak habang may halo-halo sa Pangasinan. Strategic. Nag-click ng dila si Andrè habang may binabasa sa phone. Hindi ko alam kung paano ako nag-retain ng info sa Criminal Law habang iniisip ko kung si Lily ba ‘yong kausap niya. Like, girl, what now? Siya na ba ang finalist sa puso niya? At ako? Wala—hindi man lang ako honorable mention? Pero hindi ako girlfriend ni Andrè, diba? Hindi ko rin siya gusto. Wait—gusto ko ba siya? Ugh. Kainin mo na lang ang sandwich mo, Maricon! “Can I borrow your laptop?” tanong niya, at ako naman ay parang isang loyal assistant. “Sure,” sabay abot. Ayan na siya, nagta-type. Ako naman, balik sa Art. 248. 'Wag kang papaapekto, Maricon. Hindi siya Adam’s apple niya ang exam mo. Maya-maya, tumayo siya. Lumabas. Tapos mabilis din siyang bumalik... hawak ang passport at visa niya. Girl. He’s booking a flight. As in. Real-time witness ako sa booking ng lalaking gusto ko yata pero ‘di ko pa sure. Sabi ko sa sarili ko, ‘wag muna akong maapektuhan. Pero parang may countdown na nagsimula sa loob ng dibdib ko. Like “you have 7 days to confess or combust.” Pagbalik niya sa table: “Thanks,” sabay balik ng laptop. “Balik na tayo? Medyo inaantok na ako,” sabi ko. LIE. Hindi ako inaantok. Tatlong shot ng espresso ako, hello?! Pero I couldn’t focus anymore with his face. Nakakahiya na sa reviewer ko—hindi ko na siya mabasa dahil sa dimples ni Andrè. Medyo kumunot ang noo niya. “Okay,” sabi niya. “I’ll just finish this,” sabay turo sa garlic rice at tapa niya na parang sinadya niya talagang magmukhang husband material. Habang kumakain siya, sinimulan ko na ayusin gamit ko. Faked a yawn like a tired tarsier. I needed to get out fast, or baka sa susunod na tanong niya e, "So gusto mo ba ako o gusto mo lang ng notes ko?" “What are you doing after the exams?” tanong niya bigla. Nag-panic ang kaluluwa ko. Did I mentally tell him my plans?! Bigla siyang natawa. “What the hell? Bakit ganyan ang reaction mo?” sabay inom ng tubig. Ayun na naman ang Adam’s apple. PAKIUSAP. BAKIT SIYA MAY GAN’YAN. “W-Wala,” sabi ko sabay clear ng throat. “Uuwi ako sa Pangasinan. Meet friends. Chill. Bahala na,” sagot ko, kunwari cool lang. “‘Ikaw?” tanong ko na parang hindi interesado pero deep inside, gusto kong i-chart ang location niya sa Google Earth. “US.” “San dun?” Bilis ng tanong ko. Halata masyado. Nag-smirk siya. “Getting curious now, aren’t we?” Umirap ako. “Shut up. Dati reklamo ka nang reklamo na wala akong pakialam sa ‘yo. Take this win and shut up, Andrè.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD