Chapter 22

1134 Words
A crisp laugh erupted from him. Anak ng tipaklong. Bakit parang ang sarap pakinggan ng tawa ni Andrè? Hindi naman siya masyadong tumatawa dati ‘di ba? Or maybe he did… at ako lang ang hindi nakapansin kasi busy akong magpaka-bitter kay Pablo dati. Diyos ko po, biglang ang hot ng boses ni Andre habang tumatawa! Bakit ganon?! Paang tadhana, bakit ang unfair mo?! Parang kahapon lang, bestie levels lang kami ni Andrè. Ngayon? Aba, pati bagsak ng bangs niya may slow-mo sa utak ko! Nag-e-escalate ang feelings ko ng walang paalam, walang memo, walang warning. Baka nga matagal ko na siyang gusto at ngayon lang ako nagka-time to process kasi wala na akong ibang ‘ino-overthink’ kundi kung paano ko maiiwasang i-stalk si Lily Santiago sa f*******:. Maybe I was scared all along. Na baka hindi ko siya kayang sabayan. Si Andrè Ladezma, the Great Ladezma ng law school. Too charming. Too experienced. Too gwapo. Baka magising na lang ako isang araw na nagsawa na siya sa pagkachismosang clingy ko. "Seattle," sabi niya. “But I’ll probably spend most of my time in Hawaii since may trip daw ‘yung tropa ko.” Nag-nod lang ako. Hindi ko alam paano isisingit ang tanong ko… pero kailangan eh. "What else do you want to know?" he asked, obvious na aliw na aliw sa expression ko. Wala akong salamin, pero sure ako—nagta-transform na ako into “Maricon, the walking insecurity.” I looked at him hard. As in, if looks could poke, may butas na 'yung noo niya. May gusto kaya siya sa akin? O baka ginugulo lang ni Pablo ‘yung utak ko dahil bored siyang mabuhay? "Kasama si Lily?" Oops. That was not subtle at all. That was as subtle as a karaoke machine at 3AM on a Monday. He laughed. AS IN. Tumawa talaga siya, at parang narinig ng buong coffee shop ang kasabikan ng puso kong ma-reject. "Yeah… why? Jealous?" Was I?! Unfortunately, oo. But did I want to admit that? Absolutely not. I shrugged. Pero grabe ang effort ko para hindi makita ni Andrè na nanginginig ang labi ko. Napasandal ako sa upuan na parang sinapian ng ligalig si spine ko. "Maybe... I thought I'm your best friend." Napatingin siya sa akin. Naka-ngiti, pero may something sa mata niya na parang... curious? Or amused? Or napapailing sa pagiging clingy ko? "Are we best friends?" he asked. I shrugged ulit. Ambag ng mga hindi makaamin. "I don't know... pero ikaw ‘yung closest friend ko right now," sabay tingin sa cup ng three-shot espresso ko para hindi niya makita ang kahihiyan sa mukha ko. "I mean... baka si Jax ang best friend mo. Okay lang naman." Ngumisi siya. AS IN 'YUNG NGITI NA MAY PA-LIP BITE. Ano ba ‘tong lalaking ‘to at gusto akong patayin via slow emotional combustion? "You’re acting weird, Maricon." “Sabi mo lang ‘yan kasi hindi mo pa nababasa ‘yung tanong ko sa finals,” sabay tayo ko as if makakatakas ako sa reality. “Wait—tapusin ko lang ‘to,” he said, turo sa tapa rice niya na mukhang mas masaya pa siyang kasama kaysa sa akin. Psh. Fine. Kumain ka. Pero sa loob-loob ko? HMP. Sana ma-umay ka. Habang nag-aayos ako ng gamit, kunwari nag-yawn ako. Hindi naman ako inaantok, pero baka sakaling maniwala siya na kaya gusto ko nang umalis ay dahil antok na antok na ako… hindi dahil gusto kong umiwas sa sobrang kilig-induced stress. Paglabas namin ng coffee shop, tinamaan ako ng sunrise straight to the face. Ang ganda ng kulay ng langit, pero mas naaliw ako sa thought na sa sobrang early ng gising namin, feeling ko kasama ko ang lalaki ng pangarap ko sa isang sunrise drama scene ng teleserye. “What’s wrong?” tanong ulit ni Andrè habang sinusundan ako palabas. “Nothing,” sabi ko habang hindi siya tinitingnan. “But I’m gonna ask you something after exams.” Natahimik siya. Napakunot ang noo. “What? Can’t you ask me now?” “Nope.” Ako rin naman gusto ko na, e! Pero ang dami kong finals sa sabado! Kapag sinabi ko na ngayon, baka sa halip na criminal law ang maisagot ko sa tanong, pangalan mo pa. He groaned. “Unfair. I won’t be able to stop thinking about this.” I grinned, proud sa sarili kong na-distract ko siya. “E ‘di mas fair.” Pagpasok sa kotse, ang tanong niya sa akin every five seconds: “Anong itatanong mo?” Tapos habang bumababa kami sa condo: “Clue naman, please lang?” “Nasa Saturday pa,” sabi ko. “Focus ka muna sa exam mo.” “Kapag bumagsak ako, kasalanan mo.” “‘Wag ka ngang echosero. Ikaw nga si Mr. Highest Score Every Damn Time.” He pouted. YES. NAG-POUT. At para siyang batang inagawan ng fried chicken. “Pero anooo baaaa, Maricon?! Just tell me. I’m dying of curiosity!” Ewan ko na lang sa mukha niya—walang ka-powder powder, pero grabe kung makafresh. ‘Yung parang sinabuyan ng blessed morning dew ang buong aura niya. “Wala kang makukuha sa akin, Andrè,” sabi ko sabay snap ng fingers ko like a queen shutting down a clingy ex. Tumawa siya. “Ang sungit mo ngayon. Clue na lang.” “Wala nga! Secret! Gusto ko ma-surprise ka.” Nag-grunt siya like a frustrated caveman. “Hmp. Sana hindi mo na lang sinabi na may sasabihin ka. ‘Di sana hindi ako mababaliw.” Tumawa ako. Then… tumahimik. Biglang tumama sa akin ang realization. When I was younger, kapag tinatanong ako anong gusto ko sa lalaki, lagi kong sinasabi: "Yung kayang patawanin ako kahit ang bigat ng mundo." Kasi simula nung namatay si Mama, parang dinala niya lahat ng tawa ko sa libingan. And now, here comes Andrè. Making me laugh again. Making me feel again. And I was so. Freaking. Screwed. “What?” tanong niya, noticing na bigla akong natahimik. Lumapit siya, tinanggal ang kamay sa bulsa, at—anak ng puto’t kutsinta—hinawakan ang mukha ko. As in CUPPED MY FACE WITH HIS STUPIDLY GORGEOUS HANDS. “Are you okay?” NO?! IKAW BA NAMAN KUPASAN NG KILAY AT TITIGAN NG GANYAN NA PARANG KAYO NA SA DREAM SEQUENCE NI MARGARITA SA CHANNEL 2? “N-Nothing,” I stammered. Pilit akong ngumiti at tinanggal ang kamay niya sa pisngi ko. “Inaantok na ako. Good night—I mean, good morning.” Sabay pasok sa condo at hinampas ang sarili sa couch like emotionally wrecked damsel. Tumingala ako sa kisame. Hinihiling sa universe na sana... sana... "Andrè Ladezma..." I whispered, my hand over my violently beating heart. "Oh God... I can't believe... nabiktima mo rin ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD