Dire-diretso akong naglakad palabas ng exam room after kong isurrender ang papel ko. I clasped my hands together, trying to calm myself down kahit parang gusto ko na lang humilata sa sahig at umiyak. I was all nerves. Tapos na akong magsagot, pero sobrang kinakabahan ako! Nasagutan ko naman lahat... and that’s what made it ten times worse! Para bang... wait lang, bakit nasagutan ko lahat?!
Parang hindi normal ‘yon. Sanay ako sa law school na habang exam, nakikipag-staring contest ako sa tanong at umaasang mag-teleport sa utak ko ang sagot. Pero ngayon? Nasagutan ko lahat?! Diyos ko, baka hallucination na ‘to. Baka hindi ko pala nasagutan ‘yon, baka drawing lang lahat!
Half ng mga classmates ko ay nagsusulat pa. Ako, isa sa mga naunang matapos. Anak ng— ano bang pumasok sa utak ko’t ang bilis kong magsagot? Nabasa ko na ang sagot ko. Wala akong babaguhin. Kaya eto ako, lumalakad na parang may finals ulit mamaya.
Oh god. I hope I didn’t screw that up! That was Persons! FIVE UNITS 'YAN, LORD!
And then…
André calling...
Napakunot ang noo ko. Bakit tumatawag si André?! Hindi siya 'yung tipo ng tumatawag. In fact, he knows I hate getting calls. Alam niya na ‘pag may tumawag nang walang pasabi, agad akong napapa-prito sa anxiety ko.
“What?” I asked habang sinagot ‘yung tawag. I figured emergency ‘to. Kasi kung hindi, mapapatunaw talaga siya ng tingin ko.
“Where are you?” seryoso niyang tanong.
Umangat ‘yung kilay ko. "Labas," sagot ko. “Naghahanap ako ng tubig. Sarado na 'yung cafeteria."
"Where exactly?"
“Babalik na ako sa—"
“Where. Exactly.” Ulit niya, this time with matching James Bond voice.
O siya, sige. Nagbigay ako ng live feed sa kanya. Described everything from the guard sa likod ko hanggang sa basurahan sa kaliwa ko. Kung may GPS coordinate akong dala, sinend ko na rin.
"Don't move," he said before abruptly ending the call.
HMP.
So ayon ako, tumayo sa gilid ng pavement like a disoriented flamingo. Pinapanood ko lang ang mga sasakyan sa harap ko, trying not to spiral. Tahimik akong naka-stare sa kalsada, when suddenly, isang pamilyar na sasakyan ang huminto sa harap ko.
My whole soul froze.
TANGINANG SUV 'TO!
“Hi, dearest step-daughter!” sigaw ng isang boses na para bang ginamitan ng glitter glue. Putek. Si Kassy.
Biglang bumula ‘yung dugo ko. I mean, all that exam anxiety was poof! replaced with pure, unadulterated irita. Anong ginagawa ng babaeng ‘to dito?!
Pinaubaya ko na nga sa kanya ang Pangasinan. Bakit pati Maynila, kinakalat niya na ang germs niya?!
“Maricon,” sabi ni Papa. “Are you done with your exams?” Nakangiti siya, that proud-parent smile.
Nag-nod ako, confused. “Uhh… yes po. Why?”
“We have a reservation sa favorite mong restaurant. Lumuwas kami ni Kassy para i-celebrate ang first sem mo sa law school, anak.”
Wow. Ang saya dapat. Kung wala lang akong kasama na mukhang leftover sa premiere night ng Real Housewives of Alaminos.
Bigla akong na-guilty kasi hindi tuwa ang una kong naramdaman. I mean… Papa ko ‘yon! Lumuwas para sa akin! Pero kasama niya si Kassy! Si Kassy na akala ko one month lang sa buhay namin, tapos biglang naging forever, all thanks to a baby bombshell.
Yup. Nabuntis. Like seriously, kung walang pre-nup at post-nup, baka tinapon ko na sarili ko sa dagat ng La Union.
“Ah…” ‘yun lang nasabi ko. Di ko na na-form ‘yung buong excuse.
“Did you have plans?” tanong ni Papa.
Plans? Ako? Sa bloc namin? Asa! Baka nga ngayon pa lang nagsu-solve na sila ng future recits habang umiiyak sa corner.
I was about to say yes just to escape the upcoming Kassypalooza when—
“Maricon!” sigaw ng boses mula sa kung saan.
PUTANGINA. ANDRÈ.
Lakad si kuya na parang may musical scoring, eyes trained on me na parang may Titanic reunion kami. “Let’s talk. You promised me—”
“Maricon?” tanong ni Papa, obviously catching on sa tension.
Ngayon pa talaga?! Ngayon pa kung kailan I was emotionally preparing for a potential table clash with Kassy?! Andrè, I hate you and love you all at once.
Napatingin siya sa harap ko, finally realizing na kausap ko pala ang tatay ko. Kumunot ang noo niya sandali, pero ayan, nag-register din sa utak niya.
“Good evening, Sir,” bati ni André.
Papa narrowed his eyes. Suspicious. Si Kassy naman, ayun, naglalaway kay André. Babaeng buntis pero horny pa rin sa ibang lalaki?! May nilalang ba na mas nakakairita pa sa kanya?!
“Pa…” I began, hoping to lie my way out.
But NOPE.
Papa decided: “Your friend can join us for dinner, Maricon.”
WHAT IN THE FRESH HELL, PAPA?!
“Oo nga naman, Maricon,” singit ni Kassy with her Stepford Wife smile. “Para naman makilala namin ni Daddy mo ang kaibigan mong pogi—este, mabait pala!”
Hayup na babae ‘to!
I looked at André. Gave him the most desperate “SAY NO” stare in human history. Signal ko na parang: 'Wag kang pumayag, hayaan mo na akong magdusa mag-isa!!!
But of course...
“Thank you, Sir,” he said, SMILING pa talaga, like the traitor that he is.
Next thing I knew, nasa kotse na kami. Kasunod namin ‘yung sasakyan ni Papa.
“Are you mad?” tanong ni André habang nagda-drive.
“Bakit ka pumayag?!” inis na tanong ko.
“Well, for one, it would be rude to say no.”
“No, it won’t be! Malay ba nila kung may iba kang gagawin?”
“Eh di sasabihin mo, ‘Sorry po, busy siya mag-vape sa parking lot,’ gano’n?”
“Ang kapal ng mukha mong ngumiti. Gusto mo bang sabunutan kita habang nagmamaneho ka?!”
“Gusto mo bang iulat ako sa LTO?” sabay ngisi niya. “Sige, try mo.”
Sino bang mas nakaka-stress?! Finals? Si Kassy? O ‘tong gagong ‘to na tinanggap ang invitation sa impiyernong dinner na ‘to?!
Kita ko ang pagkunot ng noo ni Andrè. "Don't you want me to meet your family?" he asked, at agad akong kinain ng guilt. Para kasing ang tono niya ay... kinakahiya ko siya. Anak ng—hindi naman ‘yun ang point, okay?!
I sighed, sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri habang tinatakpan ang mukha ko sa kahihiyan. "No, okay? 'Yung babae na kasama ni Papa? That’s his second wife."
"You mean your step-mom?"
I glared at him, deadpan. “Don’t, okay? Don’t use that word around me. It gives me acid reflux.” Natawa pa talaga ‘tong si Andrè. Hayop talaga. "Obviously, hindi kami friendly. I was trying to get out of dinner kasi exhausted pa ako sa exam tapos... wala talaga ako sa mood makipag-bardagulan sa kanya."
Tahimik lang si Andrè, titig lang sa road habang nagmamaneho. Once again, I was given the golden opportunity to stare at his stupid, unfairly symmetrical face. Hindi ko masisisi si Kassy kung bakit para siyang asong ulol kanina habang naka-tingin kay Andrè—pero 'teh, BUNTIS KA NA. May bata ka sa sinapupunan, tas ganyan ka?
"I just..." I sighed again. "I just don't want you to see me fighting with her, okay? I don't want you to see me like that. Hindi ako pala-away—"
The stoplight turned red. He looked at me. Yung ilaw ng brake lights ng ibang sasakyan, nagre-reflect sa mata niya. At sa ngiti niya.
Fuck.
"You don’t have to explain yourself," sabi ni Andrè, calm as ever. Parang wala lang. Parang hindi niya lang ako sinaksak ng ngiti sa puso.
"I just don’t want you to see me like that," I repeated, softer.
He shrugged. "But you’re like that. And it doesn’t matter. You have good days and bad days. And I still wanna be around you."
OH MY GOD. PAHIRAPAN NG RESPIRATION.
The light turned orange.
"Besides," he added with a smirk, "I think you don’t have to worry about fighting with your Dad’s second wife. With the way your Dad glared at me? I think I’m gonna be the main course tonight."
I laughed. This idiot! Ugh! Bakit ba ang charming mo minsan, ‘no?