Chapter 24

1453 Words
Pagdating namin sa restaurant, nauna na sila Papa. May extra plate na agad sa table—di ko alam kung mapi-proud ako or mapipikon sa preparedness ni Kassy. "Where do you wanna sit?" tanong ni Andrè. "Can you sit beside Kassy?" I replied instantly. "Ayokong mapatungan ng steak knife ang mukha niya kung ako ang katabi niya." Natawa si Andrè kaya napatingin sa amin si Papa. Napataas pa ng kilay. Biglang naging serious ang mukha ni Andrè—as in, parang naalala niyang may threat sa buhay niya ngayon. Hahaha! Gusto kong matawa kasi mukhang sinaniban siya ng takot. Naupo kami. Ako sa tabi ni Papa. Si Andrè sa tabi ko, tapos si Kassy sa tabi niya. Wrong seat choice. Now I had a full view of that she-devil in designer maternity wear. Wala na akong gana kumain. Ang ulam ko ngayong gabi: galit at asar. “So… you haven’t really introduced yourself,” Papa said. Tumuwid ng upo si Andrè. "Andrè Santiago Ladezma, Sir." “Kaklase ka ni Maricon?” Andrè nodded. “Yes, Sir. And neighbor, Sir.” Nanlaki mata ko. HALLER?! Hindi naman kailangan banggitin ‘yon! Hindi naman siya palaging nasa unit ko! Papa gave me the look. Yung "may tinatago ka sa akin" look. Ang sarap i-flip ng table, e! “What are your parents’ jobs?” "PA!" Tumili ang kaluluwa ko. Friends lang kami ni Andrè! Friends! Pero nagtapik si Andrè sa binti ko, parang sinasabi na ‘it’s fine’. Hindi ‘yon nakatakas kay Papa, na mas lalong tumaas ang kilay. "My mom's a hedge fund manager in Seattle, Sir. My dad's a lawyer here. They’re annulled. I studied college in the US, then bumalik sa Pilipinas for law school." HUMIHINGA PA BA KO?! I needed tequila. Stat. Buti na lang dumating na ang waiter. Nag-order ako agad tapos tumakbo na ako papuntang CR. I needed a break from this interrogation s***h torture. Harap ako sa salamin. “This is fine,” bulong ko. “Hindi ka pa naman nahuhulog sa upuan. Hindi mo pa nababato si Kassy ng kutsara. This is fine.” Pero syempre, hindi pa tapos ang malas ko. Bumaliktad ang sikmura ko nang biglang pumasok si Kassy sa CR. YES. KASSY. The villain herself. "You chose well, step-daughter," she said while washing her hands. Ang kapal ng mukha niya. At ang kapal rin ng Cartier Love Bracelet niya! Ginto yata ang apdo ng babaeng 'to. I tried to keep breathing. Hanggang ngayon, pinapangarap ko pa rin siyang mawala gamit lang ang hangin. "Andrè is a good catch," she said, smiling like a snake. "From a political clan pala. Related to the president." PAANO? PAANO NIYA NALAMAN? CIA BA SIYA?! "And they say we’re not blood related... pero pareho lang naman tayong oportunista." She left. Iniwan niya akong gulat, galit, at nangangati ang kamao. TUMIGIL ANG MUNDO. EXCUSE ME?! Ako ang oportunista?! Ako?! SAMANTALANG IKAW ANG WALKING EVIDENCE NG WORD NA ‘SOCIAL CLIMBER’?!!! Nanginginig ang buong katawan ko. She ruined my night. Again. And for what? Para lang i-down ako with her Birkin-scented insult? Pagbalik ko sa table, agad akong sinalubong ni Andrè. “Are you okay?” tanong niya, halatang may concern. “I’m fine,” sabi ko, na parang hindi ko siya kilala. “Hindi ba... mamaya pa flight mo?” He nodded. “2am. Why?” "Can we excuse ourselves? I wanna go home." Hindi na siya nagtanong. Sinabi lang niya kay Papa na kailangan naming umalis. At syempre, si Papa, mukhang gusto pa akong kulungin sa interrogation room, pero pumayag na rin. Pagkakasakay namin sa kotse niya, tinanong niya agad, “Where do you wanna go?” "Di ka ba mag-aayos ng gamit?" Umiling siya. “My things are packed,” sabi ni Andrè habang tinuturo ang trunk ng sasakyan niya. "Do you wanna go somewhere else? You haven’t eaten anything yet," dagdag niya kahit obvious na pareho kaming gutom na gutom pero mas piniling i-ignore ‘yon for the sake of pride at emotional damage. Umiling ako. "No..." Sagot ko habang sinulyapan ang relo ko. Ten p.m. na pala?! “Let’s just go to the airport. Hatid na lang kita.” Hindi na nagtanong si Andrè. Tumango lang siya at tahimik kaming bumiyahe. No music. No drama. Just two people pretending they’re okay even though one of them almost flung a steak knife kanina sa mukha ng madrasta niyang mukhang walking LV store. Pagdating sa airport, we went inside. Kumain kami sa isang fast food chain na kahit obvious na hindi pang-date setting, e parehong ngumiti lang kami nang mapansin naming sabay kaming um-order ng spaghetti. Code red: shared brain cell moment. "Maricon," he suddenly said habang ako ay nasa kalagitnaan ng dramatic spaghetti twirl. "Hmm?" tanong ko, not even looking up, kasi masyado akong busy galitin ang pasta sa plate ko. He looked like gusto niyang paalalahanan ako sa hindi ko pa nasasabi. Pero imbes na magtanong, ngumiti lang siya and said, “Whatever she said to you, don’t let her get into your head. She can’t make you feel bad without your permission.” Tangina. Bakit ang linis mo magbigay ng free therapy habang may ketchup ka pa sa bibig? I stared at him. Hindi ko siya gusto dahil mayaman siya. Never ‘yon. Wala akong pakialam sa family name niyang may sariling building sa BGC. Pero bakit ba hinahayaan ko si Kassy na sirain ang gabi ko? She wasn’t even the main character. She’s the unwanted spin-off no one asked for. “Thanks, Andrè,” I said, finally meeting his eyes. Ngumiti lang siya. “Will you be okay this break? Sa Pangasinan ka, right?” Tumango ako. “Yeah... pero probably one week lang. Baka magpatayan kaming dalawa ng madrasta ko, tapos headline na lang kami sa 24 Oras.” He laughed. “I’m sure you can handle yourself.” I rolled my eyes. “Duh.” After that, we talked about random things. Mga walang kuwentang bagay gaya ng: Bakit hindi masarap ang tocino sa fast food? Bakit mas masakit pa sa breakup ang exam results? At bakit kaya walang mabait na neighbor sa Netflix shows? We didn’t talk about the exam. Alam ni Andrè na ayoko ng post-mortem analysis ng test dahil ang sakit-sakit na nga, babalikan pa. Leave the trauma behind, okay?! “Baka maiwan ka ng flight mo,” I said nang mapansin kong pasado alas-dose na. He still had to check in and pass immigration. May chance pang ipatanggal ang shampoo sa bagahe niya. Hinatid ko siya hanggang sa kung saan lang allowed ang non-passengers. Sabi ng airport personnel, “Hanggang dito na lang po, Ma’am.” Parang breakup line. Ouch. “So... see you in two months?” sabi ko, trying to be cool. He was looking at me like I was about to explode. “Yeah... two months,” sabi niya sabay hagis ng car key sa akin. “Drive my car for me?” I grinned. “Sure ka? ‘Di ba traumatized ka pa nung last time na nag-drive ako?” I reminded him of that legendary moment nang ginitgit ako ng truck sa 100b at sinigawan ko ito na parang ako pa ang truck. From that day forward, Andrè decided he would rather die than let me drive again. He shrugged. “Well, my car’s insured. Do your worst.” Challenge accepted. "Ingat ka, okay? Enjoy Hawaii. Post ka ng pictures. Gusto ko ng may sablay kang Hawaiian shirt,” sabi ko. Ngumiti siya. “Don’t miss me too much while I’m gone.” “Duh. Wala ng mangungulit sa ‘kin na magluto ng itlog every morning.” He laughed again. Damn. Should I tell him now? Pero paalis na siya. Hindi kami magkakaroon ng time to process kung anuman ‘to. Kasalanan talaga ‘to ni Kassy. Kung hindi lang siya nag-drop ng emotional nuclear bomb, nasabi ko na sana kanina. “So... I’ll be going,” sabi niya, clearly waiting for something—maybe my confession? Tumango ako. “Ingat ka.” Tumayo lang kami doon. Staring at each other. Wala nang dialogue. Tanging t***k ng puso ko at flatulence ng aircon lang ang naririnig ko. Gusto kong magsalita pero... this wasn’t just about me asking if he likes me back. What if he doesn’t? What if masira ang buong friendship? We needed time. So I gently nudged him. “Sige na, alis na.” Ngumiti siya, ran his fingers through his wavy hair—my God, that stupid hair flick—and said, “I’ll see you in two months,” before turning away. Tumayo lang ako roon. Nakatitig sa likod niya hanggang tuluyan siyang mawala sa paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD