Pumayag naman si Luissa sa gusto ni Daniel na ipasyal muna s'ya nito sa buong Hacienda. Hindi naman namalayan ni Luissa ang paglipas ng mga oras. Pagkatapos nilang mamasyal ni Daniel ay nag meryenda lang sila ni Daniel sa tindahan ni Aling norma at iyon nalang bilang lunch nila ng kanyang kababata. At sa tindahan ni Aling norma sila nag-uusap ng binatang kababata. " Tulongan mo ako, Daniel. Gusto kong makakuha ng mga ebidensya na hindi totoong ginahasa ng aking ama si Perlita noon. Upang ipapatunay ko sa mga Saavedra lalo na kay Ninong Fabian na mali sila sa pagpapakulong sa papa ko. Alam kong kapag may mga patunay lang na ibedensya na hindi ginahasa ng papa ko ang dating kasintahan ni Ninong Fabiano ay kusang makonsensya sila at si Ninong Fabian. Kaya please... tulongan mo ako. At ako

