Nagalit na rin si Fabiano sa mga ipinakita ni Miss Britney. Malakas nitong hinila ang fiancee at inilayo kay Luissa habang patuloy pa iring nagpupumiglas. " Ano ba, Fabian! bitawan mo ako!sasabunotan ko ng todo ang inaanak mo! nakakadiri kayo! may lihim pala kayong landian dalawa! inaanak at Ninong pa talaga! mga walang hiya!" Pagwawala parin ni Britney na dinig na dinig pa ni Luissa kahit papalayo na ang mga ito. " Tumigil ka na, Britney! hindi ko talaga tunay na inaanak si Luissa! Ninong lang ang nakasanayan niyang itawag sa akin mula nang maliit pa s'ya!" Malakas na ring singhal ni Fabiano kay Miss Britney habang patuloy itong kinaladkad ang fiancee patungong elevator upang magtungo sa Third floor kung saan ang kuwarto ni Fabiano. Namangha naman si Britney sa narinig. Ang buong a

