Sa galit ni Fabiano ay muling hinila nito si Britney palayo kay Luissa. " Tama na, Britney! hindi ko na nagustohan ang mga inaasal mo! tapos na nating naayos ang problemang ito kagabi!" Galit na wika ni Fabiano rito. "Hindi ko maiiwasang magalit parin Fabian! bitawan mo ako! hayaan mo akong sabihin lahat sa iyong Ina ang pagtataksil niyo sa akin ni Luissa! nakita ko sa dalawang mga mata ko kung paano mo hinalikan si Luissa!" Piglas na naman nito mula kay Fabiano. Mas lalong nanlaki ang mga mata ng Seniora sa narinig mula kay Britney. Galit na kinadlakad ng tuloyan ni Fabiano ang fiancee papasok sa loob ng Villa. Naiwan naman sina Seniora Elaiza at Luissa habang ang bata naman ay kinuha na ng yaya nitong si Merna para maligo na upang makapasok na sa school nito. "Anong mga sina

