Takot si Luissa nang pinaghahalikan ni Ninong Fabian ang kanyang batok. Hindi niya alam kung ano ang maramdaman ng mga sandaling iyon. Naghalo ang takot sa kanyang isipan.
Sobrang nasasaktan s'ya sa narinig mula rito na siya ang maging kabayaran sa kasalanang ginawa sa ng kanyang ama sa babaeng mahal nito. Gano'n kahalaga para nito si Perlita.
"H'wag po, Ninong. Wala po akong kasalanan sa inyo. H'wag niyo akong idamay sa kasalanang nagawa ng aking ama sa inyo." Nanginig niyang sabi sabay nagtangkang umiwas rito.
Subalit mahigpit siyang niyapos nito at tila bakal sa tigas ang mga bisig nitong nakapulupot sa kanya. Pilit na pinaharap s'ya nito at mahigpit nitong hinawakan ang kanyang bibig at matalim na tinitigan.
"Hindi. Pagbabayaran mo ang ginawang kababuyan ng iyong ama sa babaeng nais ko sanang pakasalan! dahil sa ginawa niya ay naglaho ang lahat na mga plano namin ni Perlita!" Matigas na wika nito na medyo hinigpitan ang pagkakahawak ng kanyang buhok dahilan upang makaramdam s'ya ng sakit.
" Aray ko po, Ninong!" Aniyang nangangatal sa ginawa nito.
Mas lalo pa s'yang nakaramdam ng takot rito.
"Maganda ka, Luissa at pweding-pwedi ka na." Mahinang sabi nito sa kanya na mas lalong ikinatakot niya at napayakap s'ya sa sarili habang naiiyak.
"Fabiano! anong ginawa mo kay Luissa!?" Gulat na biglang dumating na tanong ni Seniora Elaiza.
Mabilis naman siyang binitawan ni Ninong Fabian nang dumating ang seniorang Ina nito.
Lumapit agad si Seniora Elaiza sa kanila.
" Fabiano, ano ka ba?" Muling wika ng Ina nito.
"Don't worry, Mom. I'm just talking to Luissa. Ayaw niyang umalis dito hindi ba? kaya ang gusto ko'y lahat ng mga iuutos ko dito'y susundin niya. Hindi lang sa pagluluto ang obligasyon niya dito!" Sabi ni Fabiano sa Ina.
" Fabian iho, h'wag mo namang ganyanin si Luissa." Ang sabi ni Seniora Elaiza.
" Hindi mo lang ako naiintindihan, Mommy! dahil hindi kayo ang nasa kalagayan ko ngayon. Hindi niyo naramdaman ang sakit na naramdaman ko sa ginawang pag traidor ng kanyang ama sa akin! anak s'ya ni Terio kaya natural lang na pati sa kanya ay magagalit ako!" Malakas na naman na wika nito.
" Fabian-"
" Kung dito man lang talaga siya at di s'ya aalis, magtrabaho siya ng maigi dito, Mom!" Matiim ang mga matang wika nito na nakatingin sa kanya at sa Ina nito.
" O-opo, Ninong. Magtatrabaho naman talaga ako dito." Humihikbing sabi naman niya rito.
"Ayoko nang nakikita kang nakaupo habang may mga dapat pang gagawin! naiintindihan mo ba?" Anito sa kanya.
"Fabian, ano ka ba." Ang sabi ng Seniora.
" Hayaan mo 'ko, Mom! tingnan mo kung ano ang nangyari sa sobrang kabaitan na ipinakita natin sa pamilya nila? diba tinraydor ako ng ama niya? This is also a lesson for us not to show excessive kindness to our helpers so that we will not be abused and betrayed!" Namumulang wika ni Ninong Fabiano na nanatiling sa kanya nakatitig ng matalim.
Hindi na nakasagot pa si Seniora Elaiza nang tumalikod na agad ang binata. Walang ibang nagawa si Luissa, kundi ang umiyak lang ng umiiyak. Napakasakit magsalita ni Ninong Fabiano.
Umiiyak si Luissa habang ipinagpatuloy ang kanyang nilulutong pork sinigang na isa sa mga paborito ni Ninong Fabiano.
Naramdaman niya ang paghaplos ng Seniora sa kanyang likod habang siya'y patuloy na umiiyak habang nakaharap sa nililuto.
" Luissa, tama na. Pasensyahan mo na lang ang ninong mo sa ngayon dahil nasa matinding galit pa siya." Ang sabi nito sa kanya.
"O-okay po, S-Seniora." Garalgal na sagot niya.
Pagkatapos nagluto si Luissa ay papunta na sana siya sa kanyang kuwarto ngunit sinalubong agad siya ng katulong na si Adelyn na matanda lang sa kanya ng tatlong taon. Eighteen s'ya at ito'y kung di siya nagkamali ay nasa twenty one ito ngayon.
" Luissa, Sabi ni Seniorito Fabiano ay ikaw daw ang maglampaso sa buong grand hall dahil bukas ay maaga pa ang mga bisita niya rito sa Villa kaya pinalampasohan na niya agad ang grand hall. Trabaho ko sana ito kaya lang, natatakot ako kay Seniorito na hindi s'ya susundin na ibigay ko sa'yo ang trabaho ko." Malungkot na sabi ni Adelyn sa kanya.
" Pero katatapos ko lang magluto." Reklamo pa niya.
"Pero baka mapagalitan tayo. Pinatigil niya ako sa ginawa ko at ibigay ko daw sa'yo ang trabahong ito." Sabi ni Adelyn.
Malungkot naman niyang kinuha ang mop. At s'ya na ang naglalampaso sa grand hall. Nakakalungkot isipin na pagkawala ng kanyang Lola at ng kanyang ama sa villa ay ito din ang kanyang naging buhay ngayon.
Dalawang oras din s'yang nag mop sa buong grand hall. At pagkatapos ng kanyang ginawa ay nakaramdam talaga ng pangangalay ang kanyang mga kamay lalo na't di naman s'ya sanay sa ganoong mga trabaho na pagkatapos magluto sa kusina ay maglalampaso siya sa buong grand hall.
Sa kanyang pagod ay parang sumakit ang ulo niya. Nakalimutan niya palang kumain kanina ng kanyang lunch. At parang nawala na din s'yang ganang kumain. Parang umuulyap ang kanyang ulo sa sakit kaya gusto niyang magpahinga sa kanyang kuwarto.
At tumungo na sana siya roon subalit di inaasahang masalubong niya ang kanyang Ninong kaya kinabahan naman siya nang magtama ang kanilang mga mata nito!
" Where are you going, Luissa? tapos kana ba sa mga trabaho mo?" Salubong na sabi nito sa kanya.
" Yes po, Ninong. Tapos na po." Nagbaba ang tinging sagot niya rito.
Hindi niya kayang salubungin ang matiim na tingin sa kanya nito.
"At gusto mo nang magpahinga gano'n? dapat sana ay lumayas ka na nga dito, Luissa. Pero dahil gusto mong manatili sa Villa ay ayokong nakikita kang walang ginagawa habang may mga trabaho pang hindi nagawa." Mariing wika nito sa kanya at nilapitan pa s'ya nito.
"Nakikiusap po ako, Ninong, gusto ko po sanang magpahinga na muna. Sumasakit kasi ang ulo ko." Umiiyak na naman n'yang wika rito.
"Anong masakit ha?" Wika nitong biglang sinaklit ang kanyang braso.
Nagulat naman s'ya sa ginawa nito at mas lalo tuloy s'yang natatakot kay Ninong Fabiano.
" Hindi ka pweding magpapahinga habang may trabaho pa, linisan mo ang kuwarto ko ngayon dahil may ginagawa si Adelyn." Ang sabi naman nito.
" P-pero ninong, pagod na po ako. Mula sa pangungusina at paglalampaso ay sumasakit na 'yung ulo ko." Iyak niya sa harap nito.
"Kung gano'n, umalis ka dito at iiwan mo ang lahat na gamit na ibinigay ko sa'yo. Naiintindihan mo? humanap ka ng pwedi mong tirahan. H'wag kang umaasa na pinagtanggol ka ni Mommy. Kahit anong gagawin mo ay anak ka ng ahas, kaya di mo ako mapapaamo kahit anong pagpapaawa mo." Nag-aapoy ang mga matang wika nito sa kanya habang hinigpitan pa nito lalo ang pagkakahawak sa kanyang braso.
" Maawa ka po.." Umiiyak na namang pakiusap niya.
"Kung ayaw mong mapaalis, sundin mo ang utos ko. Linisan mo ang kuwarto ko, ngayon na. Bawal magpahinga kapag may utos pa, naiintindihan mo?" Anito sa kanya.
Kahit masakit ang ulo niya ay napilitan s'yang sundin ang utos ng kanyang Ninong Fabiano. Kaya imbis na pumunta s'ya sa kanyang kuwarto upang magpahinga ay sa kuwarto na lang siya ng Ninong niya
nagtungo. Halu-halo ang kanyang naramdaman ng mga sandaling iyon. Pagod, sakit ng kanyang ulo at matinding kaba. Masamà ang mga tingin sa kanya ng kanyang Ninong. Nasulyapan niyang sinundan s'ya nito ng tingin hangga't sya'y pumasok na sa kuwarto nito.
Nanginig na ang kanyang buong katawan habang nagsimula na siyang maglinis sa kuwarto nito. Nanginig s'ya dahil sa kanyang pagod at kabang naramdaman. Mas sumakit pa ang kanyang ulo nang magsimula na siyang magwalis roon.
Hangga't bigla na lang nagdilim ang kanyang paningin kaya nataranta naman s'ya at nangangapa sa kanyang kinatatayuan. Napakapit agad s'ya sa armrest nitong upuan at naramdaman niya ang biglaang tumatagaktak na pawis sa kanyang noo at tuloyan na s'yang nawalan ng ulirat!
Sumunod at pumasok naman si Seniorito Fabiano sa kuwarto nito kaya gano'n na lang gulat nito nang makitang nakahandusay si Luissa sa sahig.
"Damn!! Luissa, what happened!?" Nagmamadaling nilapitan nito si Luissa at inakwat agad nito ang dalaga.
____
Unti-unting nagdilat si Luissa sa kanyang mga mata at mukha agad ni Ninong Fabiano ang kanyang nabungaran!
Mabilis s'yang bumangon ngunit muling sumakit ang kanyang ulo.
" Saan po ako? a-aray ko po ." Aniyang napahawak sa kanyang ulo.
Nagsalubong ang mga kilay nitong nakatitig sa kanya. Napansin naman niyang nasa kuwarto lang pala s'ya nito at nakahiga sa kama nito. Naalala na agad nya na bigla palang nagdilim ang kanyang paningin at nawalan siya ng ulirat kanina.
Agad niyang naramdaman na kumakalam ang kanyang sikmura dahil sa matinding gutom.
"Ano bang nangyari sa'yong bata ka? bibigyan mo ba talaga ako ng problema? dagdagan mo ba ang sakit ng ulo ko sa ginawa ng iyong ama?" Sikmat agad nito sa kanya.
" S-sabi ko po sa'yo eh, masamà po ang pakiramdam ko at masakit ang ulo ko, Ninong. At gutom na gutom na po ako." Naiiyak niyang sabi rito.
"At pati pa pagkain mo ay poproblemahin namin? paano ka nagutuman ha? hindi ka namin kadugo kaya h'wag kang magpapa espesyal dito na kahit pagkain mo ay kailangan ka pang paalalahanan!" Galit na galit na wika nito sa kanya.
Mas lalo pa tuloy s'yang nanginig sa takot. Naghalo ang panginginig, gutom at takot na naramdaman niya ng mga sandaling iyon.
At nasulyapan naman niya ang maliit na table nito na may mainit na pagkain.
"Kumain ka na!" Malakas na utos nito.
" S-sino po ang nagdala ng pagkain dito? nakakahiya po, babangon na lang ako at lalabas para doon kumain sa komedor. Nakakahiya po, kuwarto niyo po ito." Aniya rito.
" Sh*t!! sabi ko, kumain ka na at huwag kanang maraming salita at pangungusisa! gamitin mo ang utak mo, Luissa. Paano ka makakaabot ng komedor sa kalagayan mong 'yan , ha? nilagnat ka!" Singhal naman nito sa kanya.
Napayakap naman muli si Luissa sa kanyang sarili dahil sa takot. Pakiramdam niya ay di s'ya safe ng mga sandaling iyon sa kuwarto nito. Nilagnat pala s'ya? kinapa niya ang kanyang sarili at ang init nga niya!
Kinuha nito ang maliit na mesang may pagkain at maingat na inakwat palapit sa kamang kinauupuan niya.
Parang medyo lumindol pa ang kanyang paligid at sobrang samà parin ng pakiramdam niya. Napansin niyang gabi na pala.
Dahil sa gutom n'ya ay kumain na s'ya agad.
Nakailang subo pa siya ay para na s'yang masusuka kaya itinigil niya ang kanyang pagkain at para s'yang nahihilo na naman.
" A-ayoko na po, Ninong." Sabi niya rito.
Marahas itong napabuntong-hininga.
"Uminom ka ng gamot! bago muling matulog." Matigas na wika nito.
"L-lilipat po ako ng kuwarto. A-ayoko po dito. K-kwarto niyo po ito." Maluha-luhang wika niya rito.
"D@mn it! sa kalagayan mong 'yan ay pinaiiral mo parin ang negative sa isip mo!? pag ako
ang maiinis ng todo sa'yo ay palayasin talaga kita pag gumaling ka na sa lagnat mo!" Muling singhal nito sa kanya.
" H-h'wag po, maawa ka po, Ninong." Aniya.
Nanginginig ang mga kamay na kinuha niya ang gamot at ininom iyon. Pagkatapos ay muli na s'yang humiga at tumalikod habang lihim ang patuloy na pag-iiyak.
Hindi niya naman namalayang nakatulog pala s'yang muli ng mahimbing dahil siguro sa gamot na kanyang nainom.
Paglipas ng ilang oras ay muli s'yang nagising at nagtataka s'ya kung bakit halos di s'ya makakilos sa kanyang kinahihigaan. Hangga't napansin niyang nakayapos ang mga braso ng kanyang Ninong sa kanya!
Nanlaki ang kanyang mga mata. Tumabi ito sa kanya sa pagtulog at ngayon nakayakap pa ito sa kanya!