Muling nanlaki ang mga mata ni Luissa nang sakop na naman ng kanyang Ninong ang kanyang mga labi. Langhap pa niya ang mabangong amoy- panlalaki nito. Nangangatal ang kanyang mga tuhod nang galugarin ng Ninong niya ang loob ng kanyang bibig. Grabe itong humalik! Expert na expert.
Masuyong hinimas-himas nito ang kanyang mga hita na kahit tila nakuryente s'ya ay sobrang nagustohan naman niya ang ginawa sa kanya nito. Simpleng himas lang nito ay nag-init agad ang kanyang katawan.
Hindi naman dapat na iyon ang kanyang maramdaman ng mga sandaling iyon. Nagkagusto s'ya sa kanyang Ninong-ningongan na kung iisipin ay amo lang niya. Gusto niya talaga ito kaya gustong-gusto naman niya ang mga ginagawa nito ngayon sa kanya.
Ngunit nang maisipan ni Luissa na may Perlita naman ito ay para s'yang nagbalik sa katinuan. At isa pa hindi naman niya alam na baka sinubukan lang s'ya ng kanyang Ninong. Baka nakahalata ito sa kanyang mga kilos at siyempre lalaki ito kaya naisipan nito sigurong subukan s'ya kung kakagat ba din s'ya. Magiging kawawa lang s'ya kung magpapadala s'ya sa bugso ng kanyang damdamin. Malayo naman sa katotohanang magkagusto din ito sa kanya.
Nang maisip niya iyon ay natauhan naman siya. Kahit nagkagusto pa s'ya sa kanyang Ninong ay pumalag na s'ya sa tagal ng paghalik nito sa kanya. Pinatigil niya ang malilikot na mga kamay nitong dinama na ang kanyang naka underwear lang na katawan.
" No, Ninong. Tama na po." Aniyang iniwas na ang kanyang mga labi sa mga labi nitong tila gigil na gigil na humalik sa kanya.
"Why? didn't you like my kisses?" Tanong pa nito sa kanyang naningkit ang mga mata.
"H-hindi po kasi magandang isipin." Napayoko s'ya at nagbaba ng mga tinging sagot niya dahil nahihiya s'ya rito na muli na naman s'yang nagpahalik nito at dagdag pa na nahimas pa s'ya nito.
Napayakap s'ya sa kanyang sarili na naka underwear lang sa harap nito habang nakayuko. Hindi niya kayang salubungin ang matiim na mga tingin nito sa kanya.
"Hindi mo naman talaga ako Ninong. So, stop calling me that. " Natawang wika nito sa kanya.
"But anyway, ngayon lang pala kita napansin, Luissa. Maganda at dalaga ka na talaga. But sa susunod, h'wag kang maninilip dahil babae ka. Nakakahiya ito sa tulad mong dalaga na. Sinisilip mo kami kanina ni Perlita. Paano kung wala kami sa dining room at nasa kuwarto kami? tapos napadaan ka at doon nanilip? idi makita mo pa ang di bagay makita. At tulad din ngayon, h'wag mong hayaan na ma display lang dito sa ilog ang katawan mo. Paano kung ibang tao ang nakadaan dito at masamang tao? ano ang mangyayari sa'yo? buti na lang at ako lang ang dumaan ngayon dito. Naiintindihan mo ba ang point ko? babae ka at bata pa kaya ingatan mo ang p********e mo, okay? Magbihis ka na at umuwi na tayo sa Villa, isasakay na lang kita pauwi." Mahabang wika nito sa kanya.
Hindi s'ya nakasagot sa kanyang Ninong Fabiano.
Nagmamadali naman s'yang nagbihis. Tumalikod na ito sa kanya at ito'y papunta na sa kabayo nito. Nakaramdam ng inis si Luissa sa kanyang sarili dahil sa kanyang naramdaman. Napilitan s'yang sumakay sa kabayo
ng kanyang Ninong at umangkas sa likod nito na kahit hindi sana niya gustong umangkas. Ni hindi na s'ya umimik pa dahil nakaramdam parin s'ya ng pagkapahiya rito.
Pagkatapos ng lahat ng iyon ay parang wala lang din nangyaring gano'ng eksena sa kanila ni Ninong Fabiano at parang wala lang rito ang ginawang paghalik muli nito sa kanya at paghimas. Hindi niya talaga sinabi iyon sa kanyang Papa Terio at Lola Vicenta.
Narinig din niyang masaya sina Ninong Fabiano at si Perlita sa relasyon ng mga ito. Maraming nagsasabi na napaka swerte nga talaga ni Perlita dahil sa dami ng mga magaganda at mga mayayamang girl friend ng kanyang Ninong Fabiano ay ito talaga ang napili ng Ninong niya na balak pakasalan.
____
Pagkalipas ng ilang araw ay maaga pa lang nakahanda na ang kanyang Papa Terio papuntang pastulan ng mga kahayupan sa Hacienda. Ito ang kanang kamay ng ama ni Ninong Fabiano kaya malaki din ang obligasyon nito araw-araw sa hacienda. Bukod sa inisip na matalik na kaibigan na ito ni Ninong Fabiano ay inisip na rin ng buong pamilya Saavedra na kamag-anak ng mga ito si Terio at si Lola Vicenta. Maging si Luissa ay kunti lang ang trabaho sa villa. At di talaga s'ya halos pinatrabaho ng mag-asawang Seniora Elaiza at Senior Ricardo Saavedra.
" Aalis na po kayo, Papa? heto na po 'yung baon niyo, pinabigay ni Lola." Ang sabi at lapit ni Luissa sa amang si Terio.
Tulad ng kanyang Ninong Fabiano ay parang binata lang ang kanyang ama dahil di na talaga ito muling nag-asawa nang mamatay ang kanyang ina sa panganganak sa kanya. At matikas din at may hitsura ang kanyang ama. Magandang lalaki din ito kaya nagmana din s'ya sa kanyang ama na may magandang mata at matangos na ilong.
" Oo anak. Kailangang maaga pa ako sa pastulan dahil may iba pa akong gagawin." Ang sagot ng kanyang ama.
" Sige po, Papa. Ingat po kayo." Ang sabi niya sa kanyang ama.
" Salamat anak." Tugon naman nito.
Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay may lihim din palang nagkagusto si Terio
kay Perlita. At nang malaman iyon ni Perlita ay lumandi naman ito kay Terio. Walang kaalam-alam si Seniorito Fabiano na nakipagkita at nag-aabang si Perlita kay Terio sa pastulan ng mga hayop at pagkatapos ay dinala ito ni Terio sa isang liblib na lugar upang doon angkinin.
Ngunit nagulat sila nang isang tauhan sa Hacienda ang nakakita sa kanila sa may liblib nang mangaso ito ng ibon. Sa gulat ni Perlita dahil ayaw nitong makarating kay Seniorito Fabiano na pinagtaksilan nito ang binata kaya sumigaw kunyari si Perlita at humingi ng tulong na ito'y gustong gahasain ni Terio.
" Tulong! hayop ka, Terio! pinilit mo akong dalhin rito!" Malakas na sigaw ni Perlita at pinagsasampal si Terio sa mukha.
Sa gulat naman ni Terio na gano'n ang ginawa sa kanya ni Perlita ay nasampal niya rin ito. Iyon ang nasaksihan ng isang tauhan kaya nagmamadali naman itong tumakbo paalis at humingi ng saklolo sa lahat ng tauhan sa Hacienda.
Alerto namang lahat na tinulongan si Perlita at naabutan nila itong may mga bogbog sa mukha. Binogbog ito ni Terio dahil sa galit ni Terio na pinagbintangan s'ya nitong ginahasa nito ang dalaga. Si Perlita na lang ang naabutan ng mga tauhan at ng Seniorito Fabiano na maraming bogbog sa katawan at wala na si Terio doon. Lumayas na ito.
" Perlita!" Ani Seniorito Fabiano na nilapitan at niyakap nito ang dalaga.
" Nasaan ni Terio!? traidor siya! traidor!" Galit na galit na sigaw ni Seniorito Fabiano.
"U-umalis na s'ya. Lumayas na s'ya.." Hagulhol na iyak ni Perlita.
"Hayop siya! kinilala ko s'yang kaibigan mula pa noon! pero ahas s'ya! traidor!" Malakas na sigaw at nag-aapoy ang mga mata ni Seniorito Fabiano sa galit.
____
Dahil sa masamang balita ay inatake naman sa puso ang Ina ni Terio na si Lola Vicenta. Namatay ito kaya parang bigla na lang nagdilim ang mundo ni Luissa nang siya na lang ang natitira. Nahuli at nakulong ang kanyang ama at namatay ang kanyang Lola Vicenta.
At ang masaklap pa ay gusto pa siyang palayasin ng kanyang Ninong Fabiano sa Villa.
"Ayoko nang makikita pa ang pagmumukha ng anak ni Terio dito, Mommy Elaiza! palayasin na rin si Luissa dito!" Nag-aapoy na naman sa galit na sigaw ng kanyang Ninong Fabiano.
" My god iho, saan naman pupunta si Luissa? h'wag mo s'yang idamay sa kasalanang nagawa ng kanyang ama! wala na rin si Vicenta, kalilibing lang ng Lola niya maawa ka naman sa kanya. Kaya kawawa naman s'ya." Ang sabi naman ni Seniora Elaiza sa panganay na anak.
Habang si Luissa naman ay takot na takot na nagsusumiksik sa sulok dahil sa matatalim na tingin sa kanya ni Ninong Fabiano.
" Hindi s'ya karapat-dapat dito sa villa! isang linggo lang ang palugit kong ibibigay sa kanya, Mommy! kailangang lumayas na rin dito ang anak ng ahas! ayokong mag-aalaga tayo dito ng anak ng ahas!" Namumula sa galit na wika nito.
Hindi na mapigilan ni Luissa ang mapahagulhol ng iyak.
"H'wag niyo po akong idamay sa kasalanang ginawa ng aking ama, Ninong.." Iyak na iyak na wika ni Luissa.
" Shut up!! hindi mo ako, Ninong!" Nanlilisik ang mga matang singhal sa kanya nito.
" Fabian, ano ka ba, baka ma-trauma si Luissa sa mga ipinakita mong galit. Wala s'yang alam sa mga pinagagawa ng kanyang ama!" Ani Seniora Elaiza.
" Basta, Mommy palayasin niyo ang anak ni Terio dito!" Matigas na wika ni Fabiano at tumalikod na agad ito.
Nanginig si Luissa habang umiiyak. Nilapitan naman s'ya ni Seniora Elaiza.
"Tama na, Luissa. H'wag kang mag-alala, hindi ako papayag na palayasin ka ng anak ko dito at idamay ka niya sa galit niya sa iyong ama." Ang sabi sa kanya ni Seniora Elaiza.
"Seniora, saan na po ako nito? paano na po akong nag-iisa na lang sa buhay? wala na si Lola at nakulong pa si Papa? parang hindi po ako makapaniwala na magagawa ni Papa Terio ang paggahasa kay Perlita. Kasi mabait po ang Papa ko." Hagulhol parin na iyak ni Luissa.
Ngunit paglipas ng isang linggo ay hindi talaga umalis sa Villa si Luissa dahil iyon din ang kagustohan ng mga magulang ni Fabiano na hindi paalisin si Luissa sa Villa.
Kaya mas lalong sumiklab ang galit ni Ninong Fabiano sa kanya at nag-isip ito kung ano ang dapat gagawin nito sa kalmadong paraan.
Isang hapon habang nagluluto ng hapunan si Luissa ay biglang na lang lumapit sa kanya si Ninong Fabiano sa kusina. Siya na kasi ang kusinera ng Villa simula nang mailibing ang kanyang Lola Vicenta.
"Gusto mo pala talagang manatili dito ha, Luissa? okay, pero kailangang sundin mo ang lahat na gusto ko." Biglang nagsalita sa likuran na wika ni Ninong Fabiano sa kanya.
Nagulat naman s'ya at napatingin siya rito. Sa totoo lang ay takot na s'ya sa presensya nito.
"N-ninong." Tanging sambit niya.
"Hindi mo ako Ninong, kaya tumigil ka sa kakatawag sa akin ng Ninong. Tinraydor ako ng iyong ama kaya dapat sigurong traydorin ko rin s'ya, hindi ba? at sa pamamagitan mo'y makaganti ako sa ginawa niya sa babaeng nagustohan ko at balak ko sanang pakasalan. Ikaw ang kabayaran, Luissa." Mariin at mahinang wika nito sa kanya habang bigla na lang s'yang niyapos nito mula sa kanyang likuran at masuyong hinalikan ang kanyang batok!