CHAPTER 3

2016 Words
Sa paglipas ng mga araw sa Villa ng Hacienda ay talagang nahulog na ang loob ni Luissa ng lihim sa kanyang Ninong. Hindi na talaga crush ang naramdaman niya rito kundi mahal na niya talaga ito. Ngunit hanggang doon lang naman ang lahat, lalo na't may ibang minahal at kinahuhumalingan ngayon ang kanyang Ninong. Iyon ay si Perlita. Nagkagusto talaga ang Ninong niya sa nagngangalang Perlita at ilang beses na nga nitong itinabi ang babae sa pagtulog nito. Narinig din niya sa mga sabi-sabi sa katulong na baka ito na daw ang totohanin ng kanyang Ninong Fabiano. Puro na lang s'ya Ninong, Ninong. Kung iisipin ay hindi naman talaga niya ito Ninong. Kung bakit kasi hinayaan na rin s'ya ng lahat na Ninong ang itawag niya rito na hindi naman niya talaga ito Ninong. Nakakainis lang na habang masaya itong kasama ang nagngangalang Perlita ay heto naman siya na parang pinarusahan. Ayaw naman niyang makaramdam ng ganitong damdamin ngunit sadyang sumisiksik sa kanyang isipan si Ninong Fabiano. Lalo na noong araw na hinalikan s'ya nito ay di na iyon mawaglit sa kanyang isipan. Sa sobrang yaman ng mga Saavedra ay hindi naman matapobre ang mga ito. Kapwa mabait ang mga magulang ni Ninong Fabiano, at ang dalawang kapatid naman ni Ninong Fabiano na sina Juano at Paulino ay mga mabait din ang mga iyon. Parehong mga luma na ang pangalan ng magkakapatid. Dahil sa unang kasaysayan ng mga Saavedra ay nagmula ang mga ito sa tatlong magkakapatid na lalaki na mga half espanyol na sina Fabiano, Juano at Paulino Saavedra. Kaya ang mga pangalan ng mga anak ni Senior Ricardo ngayon ay kinuha sa unang mga pangalan ng tatlong ninuno ng mga itong magkakapatid noon, dahil iyon ang gusto ni Don Manuel Saavedra noong ito'y nabubuhay pa. Sobrang mga guwapo din ang magkakapatid na mga anak ni Senior Ricardo. Nasa america nag-aaral ngayon sina Juano at Paulino kaya tanging ang Ninong Fabiano lang niya ang nandito sa Hacienda ngayon. "Luissa, tulongan mo muna akong magluto. Bilisan mo baka uuwi na sina Seniorito Fabiano at si Perlita mula sa kanilang pamamasyal sa Hacienda. Pinapaluto ako ng kaldereta ng Senioritong Ninong mo para sa kanilang lunch ni Perlita ngayon." Ang sabi ng kanyang Lola Vicenta. Sa tuwing maririnig niya ang tungkol kay Ninong Fabiano at Perlita ay talagang nasasaktan s'ya. Mukhang seryoso na talaga ang kanyang naramdaman sa kanyang Ninong. "O-opo, Lola." Matamlay naman niyang tugon sa kanyang Lola Vicenta. " Oh, bakit parang matamlay at wala kang gana? may sakit ba sa'yo? masamà ba ang pakiramdam mo, apo?" Tanong naman sa kanya ng kanyang Lola. "Naku, hindi po, Lola. At wala po akong s-sakit." Kaagad naman niyang sagot rito. "Kung gano'n, bilisan mo na at maghiwa ka ng mga lamas, gusto ko ring matuto ka talagang magluto, Luissa." Ang sabi naman ng kanyang Lola Vicenta. "O-opo, Lola. S-salamat po, gusto ko rin pong matutong magluto dahil isa iyon sa mga sinasabi sa akin ni Ninong Fabiano." Ang sabi naman niya sa kanyang Lola. Hiniwa nga niya ang mga lamas na pangsahog sa kaldereta na lulutuin ng kanyang Lola Vicenta. Madali lang naman ang paghiwa ng mga lamas kaya agad naman niyang natapos ang inutos ng kanyang Lola. Nanood na rin s'ya sa pagluluto nito hanggang sa matapos na rin ito. Inayos naman nina Aling Luz ang mesa para sa tanghalian ni Ninong Fabiano at ni Perlita. Hindi tuloy n'ya maiwasang magngitngit at mainggit. Napaka swerte ng babaeng ito dahil nagustohan pala talaga ito ni Ninong Fabiano. Nang dumating na ang mga ito ay lihim na lang niyang sinilip ang mga ito sa dining room habang masayang naglunch. Napabuntong-hininga na lang si Luissa dahil sa kanyang naramdamang pagseselos. Tuloyang nainis na rin s'ya sa sarili kung bakit gano'n nalang ang kanyang naramdaman. Hindi na normal iyon. Hindi s'ya dapat na magkagusto sa tulad ni Ninong Fabiano. Dahil una sa lahat, malaki ang gap nila, thirty four na ito at siya'y eighteen pa lang. At isa pa, parang pamilya at totoong inaanak na rin s'ya nito. Kaedad lang halos ito ng kanyang papa Terio. Kaya parang ama na nga niya ito. Di lang halata na thirty four na si Ninong Fabian, mukhang line of twenties nga lang ito. At di pa naman daw matanda ang thirty four na edad nito. Ngunit sa kanya naman ay matanda na ito dahil bata pa lang s'ya sa edad niyang eighteen. Mas lalo pa s'yang namangha sa kanyang nakitang pagsilip sa mga ito. Tumayo ang Ninong niya at umikot ito sa likod ni Perlita. At niyapos nito si Perlita mula sa likuran at hinimas-himas ng kanyang Ninong ang malaking papaya ni Perlita. " Ano ka ba, kumakain pa tayo, Seniorito. Nandito tayo sa dining room niyo." Ang sabi pa ni Perlita kay Ninong Fabiano. At nanlaki pa ang kanyang mga mata nang makitang tumigil na rin sa pagsubo si Perlita at napapikit na lang ito habang ninamnam ang bawat maiinit na haplos ng kanyang Ninong rito. At lalong nanlaki pa ang kanyang mga mata nang dumako ang mga kamay ng Ninong niya sa ilalim nito at hinimas ni Ninong niya ang loob sa Jeans na suot ni Perlita. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib at mabilis na umalis na s'ya sa kanyang kinaroroonan at kinasiksikang likod ng aparador o cabinet sa sulok ng dining room na iyon. Mayroon kasing espasyo sa likod nito na pwedi niyang siksikan. Kaya malaya s'yang naninilip at nagmamasid sa mga ito roon. At nang pagkilos niya'y di sinasadyang masagi naman niya ang isang di kalakihang frame na babasagin, kaya nahulog ito at naglikha ng malakas na ingay. " Ayy!!" Gulat pa niyang sambit nang mahulog ang isang babasaging frame malapit sa cabinet, at ito'y nahulog at nabasag agad! Kapwa naman natigil ang ginawa ng Ninong Fabiano niya at ng nagngangalang Perlita. Mabilis ang mga itong nakatayo at napasilip sa kanya sa likod ng malaking cabinet. "Luissa? anong ginawa mo diyan? bakit nabasag ang frame na 'yan!?" Di naman napigilan ang galit sa tono na tanong ng Ninong niya. " I'm sorry po, Ninong, di ko po sinasadya." Namumutlang sagot niya rito. "Kay Lolo Manuel pa itong frame na 'to, my goodness Luissa, napakasayang ng frame na ito. Ano bang ginawa mo dito sa likod ng cabinet?" Salubong ang kilay na tanong ng Ninong niya. "Ahh, Seniorito Fabian, kanina ko pa napansin si Luissa na naninilip sa atin diyan sa likod ng cabinet. Nagtataka nga ako kung bakit. Una'y akala ko kung ano ang ginagawa niya diyan at hangga't napansin kong naninilip talaga s'ya sa atin." Sabi naman ng nagngangalang Perlita. Mas lalong naningkit ang mga mata ni Ninong Fabiano na nakatingin sa kanya habang sya'y pinamulahan ng mukha. " Totoo ba, Luissa?" Madilim ang anyong tanong ni Ninong Fabiano sa kanya. " Naku, hindi po, Ninong!" Pagkakaila pa niya kahit huling-huli na s'ya. " So, anong ginawa mo diyan? ako pa 'yung gawin mong sinungaling." Sabi naman ni Perlita sa kanya. Sa unang pagkakataon ay noon lang niya nakitang nagalit sa kanya si Ninong Fabiano. Magsalita sana itong muli ngunit bigla na lang dumating si Lola Vicenta. " Maryusep! anong nangyari, Luissa? ano 'to?" Nanlaki pa ang mga matang tanong ng kanyang Lola Vicenta. " Sorry po, Lola. Hindi ko po sinasadyang masagi ko po 'yan." Parang maiiyak niyang wika sa Lola niya. " Bakit? ano namang ginawa mo dito sa likod ng cabinet?" Nagsalpukan ang kilay na tanong ng Lola niya. Kinabahan s'ya ng todo dahil sa kanya lang ang matiim na mga tingin ni Ninong Fabiano habang nagsalubong din ang mga kilay nito. "Sinisilip kami ng apo niyo, Manang Vicenta. At nagmamasid s'ya sa amin ni Seniorito Fabiano." Walang pag-alinlangang sagot ni Perlita. " Ano!?" Gulat na wikang sambit ng kanyang Lola Vicenta. Hiyang-hiya s'yang nakatingin sa kanyang Lola at pati na kay Ninong Fabiano. "Iligpit mo na lang 'yan, Manang Vicenta." Ang utos pa ni Ninong Fabiano sa kanyang Lola na sa kanya paring matiim na nakatingin. Dahil sa pagkapahiya niya ay nagtatakbo na s'ya paalis doon. Mabuti na lang at Frame lang ng isang magandang nature ang kanyang nabasag. At ang nakakahiya ng sobra ay ang pagkabisto niyang nanilip siya kina Ninong Fabiano at Perlita. Hiyang-hiya s'ya at parang ayaw na n'yang makasalubong ang kanyang Ninong Fabian sa loob ng Villang iyon. Pinagalitan pa s'ya ng lihim ng kanyang Lola Vicenta pagkatapos nitong nilinis ang kanyang nabasag. Dahil sa nangyari ay lumabas ng Villa si Luissa. Ngayong hapon na siya uuwi sa Villa dahil nahihiya s'ya sa lahat doon sa nalalaman ng mga ito na siya'y naninilip sa Ninong Fabiano niya at kay Perlita. Hiyang-hiya talaga s'ya lalo na kay Ninong Fabiano. Baka kung anong iisipin nito tungkol sa kanyang paninilip at pagmamasid niya rito at kay Perlita. Wala naman s'yang ibang naisip gawin kundi ang mamasyal sa unahan ng Hacienda. Di naman niya namalayan na nakarating na pala s'ya sa may ilog. Malayo-layo na rin ang ilog sa Villa. Ngunit balewala sa kanya iyon. Naisip na lang niyang aabangan ang pag-uwi ng kanyang papa ngayong hapon at siya'y sasabay na lang rito pauwi ng Villa. Sana'y hindi malaman ng kanyang Papa ang ginawa niyang paninilip kanina. Nakapatong s'ya sa malaking bato roon habang nagmamasid sa pagdaloy ng tubig ng ilog. Mga mahigit isang oras din s'yang nakatulala roon sa malaking bato nang maisipan niyang bigla na maligo sa ilog. Napatingin siya sa paligid at wala namang tao roon kaya maghubad s'ya at tanging underwear na lang niya ang kanyang ititira. Ginawa nga niya iyon. Mas mabuti nang aliwin niya ang kanyang sarili doon upang mawaglit naman ang kanyang mga iniisip tungkol sa pagkapahiya niya kanina. Lumusong nga s'ya sa tubig ng ilog na tanging nakasuot lang ng underwear. Ang lamig ng tubig at ang sarap palang maligo lalo na't nasa mga ala una pa iyon ng tanghali. Nagpakasawa s'yang lumangoy roon at siya'y nag-enjoy mag-isa. Mas maganda sanang kasama niya doon si Pia. Kaya sa susunod ay yayain niya si Pia na maligo doon. Nang mapagod naman siya sa kalalangoy ay umahon muna s'ya roon upang magpahinga saglit. Pumatong pa s'ya at tumayo sa malaking bato. At di nagtagal ay narinig na lang n'ya na may kaluskos na paparating sa ilog na iyon. At laking gulat niya nang tumambad sa kanya ng una ang ulo ng brown na kabayo na lumabas mula sa makipot na daan at hanggang nakita niyang nakasakay roon ang kanyang Ninong Fabian! Nagulat din ito nang makita s'ya roon. At napadaku ang tingin nito sa kanyang katawan na tanging underwear lang ang suot! "N-ninong!" Gulat pa niyang sambit sabay itinakip ang dalawang kamay niya sa kanyang ibabang bahagi ng kanyang katawan. Lumukso ito mula sa kabayong sinakyan at itinali nito ang kabayo. Nakita naman niya agad na uminom ng tubig ang alaga nitong dala-dala. Pagkatapos ay bumaling ang Ninong niya sa kanya at talagang lumapit ito sa kanyang kinatatayuang bato. "Anong ginawa mo dito sa ilog? hindi ka ba natatakot na mag-isa ka lang dito?" Tila galit na tanong nito sa kanya. " Sorry po, Ninong. Nagustohan ko lang mamasyal dito at maligo na lang din dito. Kayo po, bakit bigla na lang kayong nandito, Ninong?." Nangangatal na sagot niya at tanong rito habang tinakpan parin niya ang kanyang ibabang bahagi ng kanyang katawan. "Hinatid ko si Perlita at sumipot na lang ako dito sa ilog para saglit na painumin ang kabayo kong dala." Malagkit ang mga tinging wika nito sa kanya at muli s'ya nitong hinagod ng tingin mula paa hanggang ulo at mula ulo hanggang paa. "Pasensya na po kayo, akala ko kasi ay ako lang dito kaya naka underwear lang po ako!" Nanginig na sabi pa niya at sabay lumapit sa kanyang mga damit na hinubad niya at dadamputin na sana niya iyon ngunit laking gulat n'ya nang bigla s'yang hinawakan sa braso ng kanyang Ninong at pagkatapos ay hinapit s'ya nito. "Naku, bakit po!?" Gulat pa niyang tanong rito. " Sinisilip mo kami kanina. Why? gusto mo ba ako Luissa?" Tanong nito sa kanya at siniil agad siya nito ng mainit na halik sa labi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD