Napahawak sa noo si Pia dahil sa kanyang pagkadisperada. " Oo, 'yan nga ang plano mo. Pero naisip ko din na kapag gagawin mo 'yan, parang mas pinahirapan mo pa ang sarili mo. Kung ano man ang mga galit mo kay Seniorito Fabian ay iwaglit mo nalang yan para sa anak mo. Ang mahalaga ay di na mauulit ang nangyari noon. Kita mo naman na may fiancee na s'ya hindi ba? kapag maikasal na yan sa iba ay tatahimik na yan sa buhay bilang isang asawa ni Miss Britney. Ang mahalaga ay malaya kang lalapit at hihiram sa anak mo." Ani Pia. " Pero Pia, hindi pwedi ang sinasabi mo. Mas kilala ko si Ninong Fabiano. Oo, ikakasal na nga s'ya pero nagawa pa niyang yayain ako sa condo niya sa Bacolod!" Sabi niya sa kaibigan. " Okay lang 'yan, Luissa. Ang mahalaga ay di ka magpadala. Ganyan talaga ang mga maya

