" Yes, wala na ang ama ni Baby Bryan!" Matapang niyang ulit na pagsisinungaling sa mga ito. At nakita niya ang pagtalim ng mga tingin ni Ninong Fabian sa kanya. Nasa mga mata nito na nagsasabi na siya'y sinungaling. Ngunit paninindigan niya iyon na wala na nga ang ama ng kanyang anak. At kailangang kikilos na s'ya sa susunod na mga plano kung paano n'ya makuha at mailayo ang kanyang anak mula kay Fabiano at sa magiging asawa nito. Itatakas niya ang bata! hindi pweding tuloyang mapunta kay Fabiano ang anak niya lalo na ngayong nalaman niya ang tunay na ugali ng mapapangasawa nitong si Britney. Mabilis na hinila ni Fabiano ang bata. "Bryan, anak. Kung siya talaga ang mama mo ang iyong ina ay siya ang nag-iwan Sayo at nagpabaya sa kanyang obligasyon. Pinabayaan ka niya." Ani Fabiano sa

