Nasa magandang condominium si Luissa kasama ng kanyang alalay na kaibigan na si Dona. Kahit sikat na siya ay patuloy parin s'yang nagba-vlog at nag u-upload ng mga video, nasa 6.2 millions followers na s'ya ngayon. "Anong gusto mong iluto ko para sa hapunan natin, Luissa?" Tanong nito sa kanya. "Magluto ka nalang para sa sarili mo, Dona. Mag gatas na lang ako sa tuwing hapunan. Ayoko na munang kumain ng rice sa tuwing gabi. Two times a day nalang ako sa rice simula ngayon. Ayokong tumaba, mukha kasing tumaba ako eh." Sabi niya rito. " Hindi naman ah. Ang sexy mo nga, malayong-malayo ka na dati, ang ganda ganda mo ngayon, Luissa. At siyempre no, hindi rin pahuhuli itong alalay mong kaibigan, kaya sexy din ako tulad mo. Bahala na't sabihin ng iba na feelingera ako. Wala akong paki

