Ikalabing-anim

1785 Words
"TULUNGAN niyo po ako! Tulong!" Malakas na sigaw ko nang nawalan ng malay si mama habang naglalakad kami sa kalsada. Siguro dahil sa init ng araw kaya nawalan siya ng malay. May mga naglapitang mga tao pero walang isa man ang tumulong sa amin. Imbes ay tinitigan lang kami at iba naman ay kinuhanan ng picture o video ang mga nangyari. Huh? "Sabi ko tulungan niyo kami! Hindi kunan ng larawan!" Galit na sigaw ko sa kanila. Ano na bang nangyayari sa mundo?! "Anong nangyari sa kanya?" rinig kong tanong ng isang babae sa may likuran. May sumagot naman na nahimatay raw ang nanay ko. May mga narinig pa ako na nakakaawa raw ako. Dapat tulungan daw ako. Pero kahit isa walang lumapit para tulungan ako! Kung sana tinutulungan nga nila ako kaysa nakikipagkwentuhan sila sa tabi ko. Wala man lang ba talagang tutulong sa akin na kargahin ang mama ko para makaupo siya sa isang upuan? Kahit 'yun lang?! Pinilit kong akayin ang mama ko kahit mabigat siya at nagulat ako ng biglang gumaan si mama. Napatingin ako sa gilid ko, may tumutulong sa akin para kargahin si mama. Kumunot ang noo ko ng makita ko kung sino yun. Nakasuot siya ng itim na belo-wait! Madre! "Umalis 'yung hindi tutulong! 'Yang mga kumukuha ng larawan o video humanda sa akin! Kakasuhan ko yan kapag nakita ko sa f*******: o twitter ang pangyayaring to! Imbes na tumulong kayo, 'yan pa ang inaatupag niyo." Inis na sabi noong madre. May narinig pa akong nagreklamong babae na maldita raw yung madre. Na pasikat. Na umalis na sila! Aish! Mga walang respeto. Kayo nga 'yung pasikat! "Paupuin niyo muna natin siya dun at bigyan ng space para makahinga..." sabi noong madre. Pinaupo namin si mama sa isang bench at humarap sa mga taong nasa paligid namin. "Ibig sabihin lumayo kayo rito! Lalo na yung walang balak tumulong at gusto lang maging famous sa social media." Sabi niya. May nakinig sa kanya. May iba naman hindi. May iba naman na sinamaan lang siya ng tingin pero walang pakialam si sister sa kanila. Humarap ulit siya sa mama ko at hinawakan ang palapulsuhan ni mama. "Anong ginagawa mo sa mama ko?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. "Baka pabida lang yan- "Nurse ako bago naging madre, hija." Madiin na sabi ng madre doon sa nagkomento galing sa mga tsismoso. Nilingunan niya 'yung nagkomento. "Ikaw anong natapos mo?" Pang-uuyam na tanong niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Kakaiba siya sa iniisip ko na madre. Bumalik ulit siya sa ginagawa niya sa mama ko. "Status mo sa sss? Umuwi ka kaya at maghugas ng pinggan sa inyo." Nang-uuyam pa rin niyang sabi. Siniko niya ako kaya natauhan ako. "Paypayan mo ang mama mo." Sabi niya at tsinek ang temperatura ng mama ko. Tinanong niya rin kong ilang minuto na ba nawalan ng malay si mama. Sinagot ko naman. Mayamaya ay nakita ko siyang umiling. Kinabahan ako. May problema ba kay mama? "Hija, kailangan natin dalhin sa ospital ang mama mo..." sabi niya. Lumingon-lingon pa siya sa tabi ko. Huh? Bakit kailangang dalhin ni mama sa hospital? Anong nangyayari kay mama? "Hoy!" Tawag ng madre sa isang lalaki. "Tulungan niyo ako, dalhin natin ang aling 'to sa pinakamalapit na hospital." Utos niya. Natuliro 'yung lalaki at parang nagdadalawang isip na gawin 'yung sinabi ng madre sa kanya. "Halika na! Mas malaking blessing ang pagtulong sa kapwa." Dagdag pa ng madre. Lumapit 'yung lalaki na napipilitan. Kinarga niya ang mama ko at pumara naman 'yung madre ng taxi. Sasakay na sana kami ng taxi nang pumalag ako... "Pero wala kaming pambayad sa hospital!" Apela ko at pinigilan ko 'yung pagsakay kay mama sa taxi. Kaya nga siguro nawalan ng malay si mama ay dahil pantubig lang wala kaming pambili. Na-dehydrate siguro siya. Tumigil 'yung babae sa sinabi ko at tumingin sa akin. "Alam ko. Sinabi ko bang kayo ang magbabayad?" Huh? Edi sino pala? Tumitig ako sa madre. Ngumiti lang siya sa akin. Siya? "Pasalamat ka, madre ako." Sabi niya at hinila ako palayo roon para makapasok na kami sa taxi. Pinasakay niya ako sa harapan ng taxi. "Sige na punta na tayo sa pinakamalapit na hospital." Sabi niya sa driver nang makasakay siya. Natulala ako sa ginawa niya. "Thank you." Sabi ko. Tinitigan lang ako noong madre. Dinala nga si mama sa hospital, high blood daw si mama at inatake siya kaya nawalan ng malay. Mabuti daw at nadala sa hospital kung hindi... baka wala na siya sa akin. Hindi ko alam na may high blood pala si mama. At hindi na nakapapagtaka na inatake siya... Lagi kaming tumatakbo, nagtatago kapag ramdam ni mama na para bang may sumusunod sa amin. Babad din kami sa init dahil sa kakahanap ng matitirhan at sa pagbebenta ng kung ano-ano para lang mabuhay. Isang beses lang din kami nakakain sa isang araw. Kaya siguro bumigay ang katawan ni mama. Gaya ng sabi noong madre, siya ang nagbayad sa bayarin namin sa hospital. At hindi lang doon nagtatapos ang tulong niya, pinatira niya kami sa bahay niya. Wala raw kasing magbabantay nito kapag nasa kumbento siya.... Gaya ng mga taong tumutulong sa amin, nagdududa kami sa tulong ng madre. Kasi sa mga nangyari sa akin, sa amin, mahirap ng magtiwala. Pero kasi madre siya. Wala naman sigurong masamang gagawin siya diba? Kasi alagad siya ng Diyos. Pero nasa utak din namin na baka, tulad ni Ka Impeng, nagpapanggap rin siya pero mali kami. Iba si sister Mimi. Hindi rin siya 'yung inaakala ko na tipikal na madre. 'Yung mahinhin at alam mo 'yung, hindi makabasag pinggan. Para siyang gangster kung kumilos. Doon niya kami pinalagi sa bahay niya. Maliit lang ang bahay pero konkreto. May maraming halamang nakatanim sa paligid kasi mahilig siya sa halaman. Parang naging caretaker kami ng bahay dahil pinapaswelduhan kami ni sister Mimi sa papanatiling maganda ng bahay niya. Akala ko nga ginagawa niya 'yun dahil gusto niya akong magmadre dahil minsan nakwento niya sa akin na mabuti raw na magmadre ako kasi nakikita niyang may potential ako pero mali ako. Gusto niya lang talagang tumulong. Galing sa mayaman na pamilya si sister Mimi at nang mamatay ang ama niya, binigay ss kanya ang mana niya. Binili niya ito ng bahay na tinitirhan namin, at yung iba ay binigay niya sa mga charity at sa kumbentong pinags-stayan niya. At naisipan niya na tulungan kami kasi nakakaawa kami at hindi niya raw talaga alam kong paano at saan gagastusin ang pera niya kaya ibinigay na lang daw niya sa amin. Para naman may masabi siyang may pinuntahan ang pera niya. --- NAPATINGIN ako sa maliit na bahay na nasa harapan ko ngayon. Ito ang bahay na nakita ko sa panaginip ko. Kumatok ako pero walang sumagot. "Tao po!" Sigaw ko pero wala talagang sumasagot. Walang tao. "Sister Mimi!" Tawag ko sa kanya. Naglakad-lakad ako baka may makita ko kahit na caretaker lang, teka kami ni mama ang caretaker nito... Pero baka may pumalit sa amin ng mamatay si mama at mawala ako. Napatigil ako sa paglalakad ng nakuha ng attensyon ko sa isang malaking paso... May tanim itong rosas na lanta.... Hindi ko alam pero... iba ang pakiramdam ko. Pamilyar ang pasong yun. Dahan-dahan akong lumapit. Nang makalapit ako sa paso, hindi ko nakontrol ang sarili kong iniangat yun. Mabigat pero kaya naman at alam mo yun, para akong natutuwa dahil pakiramdam ko, hindi nagbago ang bigat nito. Parang ginawa ko na 'to noon at nasabi ko na 'walang nagbago' sa bigat niya. Nagulat ako nang makita ko ang isang susi. Iniangat ko yun at tinitigan. 'Rosario' 'Yun ang nakalagay doon sa keyholder. Pakiramdam ko may nagsasabi sa utak ko na ito ang susi sa mga alaala kong hindi ko pa naalala. Kinuyom ko yun at napapikit. Sana. Tumayo ako at bumalik ulit ako sa pinto. Huminga ako ng malalim. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Dahan-dahan kong inilagay ang susi sa lock para mabuksan yun. Dumagundong ang kaba ko. Nabuksan ko yun. Huminga ako ng malalim at pumasok ako sa loob ng bahay... Parang nahihilo ako sa nararamdaman ko. Ang amoy nito ay napakapamilyar sa ilong ko. Sinuyod ko ng tingin ang loob ng buong bahay. Walang alikabok. May naglilinis ba nito? Hindi ko man naaalala, sobrang pamilyar ang mga gamit na nasa loob. Ang mga gamit, dekorasyon.. Napatigil ako sa isang larawan. Malaking larawan na nakalagay sa sala... Dahan-dahan kong nilapitan yun. Larawan ko, ni Sister Mimi sa panaginip ko at si Enzo... May isang frame rin ang kumuha ng atensyon ko. Wait lang... Ang larawang 'to, ito 'yung nakita ko sa desk ni Enzo. "ENZO..." salubong sa akin ni Jai. Alam kong siya ang sumalubong sa akin para mapakalma ako at mapigilan sa pwede kong magawa sa mga empleyado namin. "Anong nangyayari?" Tanong ko sa kanya. Bumalik agad ako sa hospital ng tinawagan ako ni Jai dahil nawawala si Rosario sa kwarto niya and I expecting na naayos nila. Hindi pwedeng hindi pa nila maayos. Wala pang 24 hours ng huli kaming nagkita ni Rosario. "Nasaan siya? Nakita niyo na ba?" Tanong ko nang makita kong palapit ang head of security namin sa hospital. "Hindi pa doc pero..." hindi ko pinakinggan ang sunod na sinabi niya. Hindi pa? "Ano?! Ang laki-laki ng pinapasweldo ko sa inyo tapos hindi niyo mabantayan ang pasyente niyo!?" Galit na sigaw ko. Mga walang silbi! "Enzo, calm down." Pangkakalma ni Jai sa akin. "Sige na ipagpatuloy niyo ang paghahanap sa kanya..." kausap ni Doc Lau sa mga guards namin. Napakislot ako sa noo ko. Bwisit ah! 'Yung agency na pinagkukunan namin ng mga security, kakausapin ko talaga kapag hindi nila naayos to ngayon! I will fire them all! Mga sundalo ang ipapalit ko rito! "Dude, kalma lang..." sabi ni Dr. Lau. "Paano ako kakalma! Gulong-gulo ngayon si Rosario tapos nawawala-- "Sa tingin mo sinong may kasalanan?!" Natigilan ako sa tanong ni Jai. "Sa tingin mo bakit gulung-gulo siya ngayon?!" Dugtong niya. Napuno na siguro siya sa akin. Lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon, sinasabi ko sa kanya kaya alam niya. Komportable kasi akong sabihin sa kanya ang lahat, maybe because she is psychiatrist na mas piniling maging nurse. Jai... "Hindi ka makasagot. Kasi alam mo kung bakit." Inis na sabi niya. "Kaya pwede ba, 'wag mong pairalin yang init ng ulo mo at kumalma ka! Ikaw lang ang pwede naming asahan ngayon." Hindi na ganoon kalakas ang boses ni Jai pero masasabi kong kalmado na ito. Naguluhan ako sa huling sinabi niya. "Sabi mo may naalala na si Rosario? Sa tingin mo saan siya pwedeng pumunta ngayon?" Mariing tanong niya sa akin. Agad na may rumehistro sa utak ko na kung saan pwede pumunta si Rosario.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD