Ikalabing-pito

1002 Words
Tinigil ko ang sasakyan sa harap ng isang bahay. Tinawagan ko ang kontak ko kung nakita ba nila si Rosario sa tirahan nila noon sa baryo pero hindi raw umuwi ang asawa ko roon. May pinadala rin akong mga tao para kompirmahin pero hindi pa nila kinukumpirma at habang naghihintay, pinuntahan ko ang bahay na 'to. Nasa utak ko na baka umuwi si Rosario sa lugar nila ng nanay niya pero malakas ang kutob ko na makikita ko si Rosario rito. Matagal na rin ng huli akong nakadalaw sa lugar na 'to... Ang huling punta ko ay noong nakapagdesisyon ako na mapasaakin si Rosario... Malinis ang labas ng bahay. Buti na lang at may binayaran akong tao para panatilihing malinis ang loob at labas ng bahay nila Rosario. Tuluyan ng lumabas ako sa kotse at tinitigan ang kabubuan ng bahay. Dito namalagi si Rosario at nanay niya nang umalis sila poder ko... at sana nandito nga siya. Sana... Huminga muna ako ng malalim. Naalala ko tuloy kung bakit sila napadpad sa lungsod at bakit siya dito tumira... ---- NASAGIP ko silang mag-ina. Pero pagkatapos magpasalamat at yakapin ako ni Rosario, hindi ko na siya nalapitan at nakausap ulit. Dahil sa tuwing lalapit ako kay Rosario, kinukuha ng nanay niya ang attensyon niya tulad na lang ngayon. "Rosario..." tawag ng kanyang ina. Balak ko sana siyang tanungin kong ayos lang ba ang bahay na nakuha ko para tuluyan nila ngayong gabi. Pinatira ko muna sila sa isa sa mga tirahan ng kaibigan ni papa na malapit sa bayan nila. Wala ang may-ari ng bahay dahil nasa Amerika. Dito ko muna sila pina-stay habang inaayos pa ang kaso na isasampa sa Ka Impeng na 'yun. Kapag tapos na ang lahat ng problema rito, aalukin ko sila Rosario na sa bahay namin-no! Mali! Doon muna sila sa bahay na bibilhin ko titira. Naisip ko na kasing maging independent, ngayon-ngayon lang. Kaya kailangan kong bumili ng bahay-sariling bahay ko. "Kumusta? Okay lang ba ang bahay? Pansamantala lang naman 'to eh habang inaasikaso ng abogado ko ang kaso ni Impeng." Wika ko. Bahala na kung sino ang sumagot. Swerte na lang kong si Rosario ang sumagot sa mga tinanong ko. "Ahmm..." "Komportable naman ang bahay." Sagot agad ng nanay ni Rosario kaya hindi nakasagot ang dalaga. "Salamat hijo, pero gusto na muna naming magpahinga ni Rosario." Dugtong ng ina niya. May himig pa sa boses niya na para bang pinapaalis ako. Wow. Baka nakakalimutan niya na ako ang sumagip sa anak niya? Sa kanila? Huminga ako ng malalim. Tumango na lang ako. Kahit na naiinis ako, naiintindihan ko naman ang nanay ni Rosario. Nagiging maingat lang siya dahil minsan na siyang nagtiwala sa isang taong nag-alok ng tulong sa kanila pero anong ginawa. Muntik ng mapahamak ang kanyang pinakamamahal na anak. Haysst. Nararamdaman siguro ng nanay ni Rosario na may ulterior motive ako sa pagtulong sa kanila. Hindi man ganoon parehas kay ka Impeng ang gagawin ko-teka. Hindi nga ba?! Hindi no! Hindi ako gagawa ng isang bagay na ikakahamak ni Rosario! Napailing na lang ako. Bilib din talaga ako sa instincts ng mga babae. Nagpaalam ako sa kanila na uuwi na muna. Pero ang totoo doon lang ako mag s-stay sa malapit na hotel para malapit lang ako sa kanila. Iniwanan ko pa sila ng isang cellphone para kung may kailangan sila, isang tawag o text lang nila, nandoon agad ako. Pero kinabukasan, nang bumalik ako sa bahay nila, wala na sila... Umalis sila. Hindi ko alam ang rason bakit sila umalis. Hindi naman kasi sila nag-iwan ng sulat! Kainis! Wala man lang silang pasabi! Para akong nababaliw dahil sa kahahanap sa kanila... kay Rosario. Nakasama ko na siya eh. Tapos ngayon, mawawala pa siya... Hindi ko alam ang gagawin. Para akong nababaliw. Umuwi ako sa amin... No. Sapilitang pinauwi ako ng mga magulang ko dahil tatlong buwan na akong hindi umuuwi sa amin at hindi ako pumapasok sa paaralan dahil sa kakahanap kay Rosario. Nag-alala si mama at si papa sa akin. Dahil first time kung magkaganoon. Hindi nila ako makausap ng matino. Baka napano raw ako. Sinabi ng abogado ko ang mga nangyari para malaman nila kung ano ang nangyayari sa akin, bakit ganoon daw ako kumilos. Kasi kunting-kunti na lang, manghihingi na ng tulong ang mga magulang ko ng tulong sa mga eksperto para bumalik ako sa normal. Nang malaman ng magulang ko ang dahilan kung bakit ako nagkaganoon, pinagsabihan nila ako, lalong-lalo na si papa pero hindi ako nakinig. Nasa utak ko ang tanong na 'bakit'? 'Bakit umalis sila Rosario?' At kung baka ano na ang nangyari sa kanila. Nag-aalala ako para sa kanila. Baka mapahamak sila. Maraming mga masasamang bagay ang pumasok sa utak ko pero pinagsabihan ulit ako nila papa at mama na umayos. Kailangan kong magiging matatag. Maybe, siguro yun na rin ang rason kung bakit naging mas close kami ni Jai. Humingi ng tulong ang magulang ko sa kanya, para bumalik lang ako ulit sa normal. Normal? Hindi ko kayang gawin 'yun pero nang makita ko ang concern na concern na mukha ng mga magulang ko at pamilya ko kaya umakto ako na okay lang. Pinilit kong bumalik sa normal at kahit papano nasabi ko na naging okay ako. Pumasok ako sa paaralan ulit. Binalik ko ang dating buhay ko pero alam mo 'yun, may kulang. Habang nag-aaral ako, my parents hired private investigators para hanapin si Rosario at para mapanatag daw ako. Pero hindi nila nakita si Rosario. Kaya ang tanging naging solusyon ko ay piliting kalimutan si Rosario sa buhay ko pero hindi ko kaya. Nakakatuwa nga eh. Sa isang batang babae, nagago ako! Ano bang ginawa niya sa buhay ko para maging ganito ako? Hindi naman kami pormal na nagkilala. Hindi niya ako kilala. Hindi nga yata siguro alam ni Rosario ang pangalan ko. Kaya dapat ko lang siya kalimutan at mag move-on na! Tutal ang dami namang magagagandang babae sa skwelahan at sa paligid ko kaya tama... Balang-araw, makakaahon din ako sa kanya. Sana..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD