Ikalabing-walo

4288 Words
Lumipas ang limang taon... Naging doctor na ako sa hospital namin. Pero sa mga panahon na 'yun, pilit na kinakalimutan ko pa rin si Rosario sa buhay ko. Naalala ko pa rin siya. Tang-ina. Gumamit nga ako ng ibang tao para makalimutan siya. Para maaliw ako. Pero siya pa rin eh. Iba talaga si Rosario. Kaya siguro nagawa ni Gian at ng bwisit na matandang hukluban na 'yun ang ang mga bagay na 'yun kay Rosario. Pero sa hindi sa inaasahang pagkakataon, nakita ko ulit siya, sa hospital namin, dala-dala niya ang isang matandang babae. Hindi agad ako makakilos kasi akala ko nanaginip lang ako pero hindi eh. "Hoy, Enzo, manood tayo ng avenger's end game mamaya!" Alok sa akin ni Sheryl. Kinakapatid ko siya at kasabayan ko siyang pumasok sa hospital. Hindi ko siya pinansin kasi nakapokus ang tingin ko sa babaeng may dala-dalang matandang babae. Tinitigan ko siya at napakurap pa ako ng ilang beses. Hindi ako pwede magkamali. Si Rosario talaga 'yun. Mas lalo siyang gumanda sa pagkikita namin ulit. Humaba ang kanyang buhok. Tumangkad siya. Bumaba ang tingin ko sa katawan niya at napalunok. Syempre, lalaki yun. Bata pa siya ng huli kaming nagkita eh. Ngayon, dise syete na ba siya? Dalaga na! "Rosario..." mahinang wika ko at sinundan ang siyang pumasok sa emergency room kasama ang ilang mga staff namin. Tinawag ako ni Sheryl pero hindi ko siya pinakinggan. Nakita kong palapit si Doc Lau para asikasuhin ang pasyente na dala ni Rosario kaya nagmadaling lumapit ako sa kanila. "Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko kay Rosario. Ako 'yung nag attend doon sa dala niyang pasyente! Nagulat din 'yung nurse at doctor na nandoon ako sa emergency room at ginagawa ang bagay na 'yun. Lumingon sa akin si Rosario at napasinghap ako. Mahabang panahon ang hinintay ko para magkita ulit kami. Lagi akong nagdarasal na sana siya 'yung laging mapanaginipan ko, para kahit doon lang, makita at makasama ko siya. Halos sumuko na ako sa paghahanap tapos ngayon nandito na siya sa harapan ko at nasa tabi ko pa. "Hindi ko po alam." Naiiyak na sagot ni Rosario. "Basta kanina, pagpasok ko sa kwarto niya, nasa ilalim na siya ng kama niya, nakadapa at may marami siyang sugat." Dugtong niya pa at tumingin ulit sa dinalang matanda. Napangiti ako ng lihim. Kahit natatakot si Rosario, I find her voice so cute. Hindi ako makapaniwala nasa tabi ko na siya at kinakausap ko pa siya... Umungol sa sakit ang matandang dinala ni Rosario. Tama. Chineck ko pulso niya. Pagkatapos ay tiningnan at sinuri ko ang mga sugat at pasa niya sa mukha, balikat, paa at iba pang bahagi ng katawan niya. Nakuha niya ang mga pasa ng mahulog siya sa kama. Hindi naman malala. "Don't..." mahinang sabi noong pasyente. Inilayo niya sa akin ang kamay niya. Ayaw niyang hawakan ko siya. Tumingin ako sa kanya. Biglang dumilat yung matanda. Ako agad ang unang nakita nung matanda kaya kumunot ang noo niya pagkatapos ay tiningnan niya ang paligid niya. "Ah hospital..." mahinang wika ng pasyenteng dala ni Rosario. Teka, sino pala ang matandang 'to? Kamag-anak ni Rosario? "Ilayo niyo ako sa lugar na 'to...." mahinang saad niya. "Rosario..." tawag niya kay Rosario. "Rosario?" Ulit niya. "Nanay...." Sagot ni Rosario at dinaluhan niya ang babaeng nasa ... Teka... nanay? Tinitigan ko ng mabuti ang matanda, limang taon na ang nakalipas. Pwede talagang magbago ang itsura ng nanay niya pero masyadong malaki naman ang pinagbago ng nanay niya. Hindi ito ang nanay niya! Atsaka mama ang tawag niya sa ina niya! Sino 'to?! "Rosario 'wag feeling." Mahinang sabad noong matanda. Hindi na ganoon kahina ang boses niya at unti-unting bumabalik na rin ang lakas nito. Tumingin sa akin 'yung 'nanay' ni Rosario. Hinawakan pa niya ang lab gown na suot ko para lang talaga na kunin ang attensyon ko."Hijo, 'wag kang maniwala sa batang ito, ex-madre ako. Virgin ako. Adopted ko lang yan." Hindi makapaniwalang tumingin ako doon sa babaeng nakaratay sa hospital bed. Really!? Manghang tumingin rin ang mga taong nasa ER sa kanya. "Nanay naman!" Rinig kong sigaw ni Rosario. "Huwag nga kayong magsalita nay!" Inalis ni Rosario ang kamay ng nanay niya sa lab gown ko at pumagitnan sa amin. Humarap siya sa akin. "Doctor kayo na ang bahala sa nanay ko- "Sister nga, Rosario! Hindi nanay." Madiin na sabi niya. "Madre ako oy! Baka ma tsismis ako na anak kita. Panginoon mahabagin!" Histerya ng matanda. "Nay. Huwag matigas ang ulo." Utos ni Rosario sa matanda. Namangha ako sa nakikita ko. Nakikibangayan si Rosario sa matanda. and I find it so cute. "Rosario, nahulog lang ako sa kama. Kaya ako nagkaganito... Nakakahiya, Rosario ang mahospital dahil sa katangahan kaya umuwi na tayo..." sabi nito at pilit na bumangon. "Don't." Pigil ko. Hindi malala ang pasa at sugat niya pero kailangan kong attendan yun. At ayokong umalis agad sila 'no! "No!" Madiin na wika din ni Rosario. Humarap siya sa akin. "Doc, gusto ko pong i-check niyo po si sister Mimi napapansin ko po kasi na madalas siyang nahihilo at tingin ko ho, kaya po siya nasa sahig ay dahil sa nahilo siya at natumba." Dugtong niya. Ako naman ay nakatitig lang sa kanya at tumango. Para akong natuod sa kinatatayuan ko.. Mangha-mangha lang tumingin lang ako kay Rosario. Naaliw kasi ako. I mean, this side of her is just... amazing. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito kadeterminado at seryoso. Noon kasi sa larawan na nakita ko, kainosentihan at kagandahan lang niya. 'Yung kahinaan at pagkatakot naman niya ang nakita ko doon sa insidente ni Ka Impeng noon. "Rosario!" Sigaw na palag noong matanda. "Kung ayos kayo, hindi niyo sasabihin sa akin at sa harap ng maraming tao na tanga kayo!" Madiing wika ni Rosario. Woah. "Doc Lau, ikaw na ang bahala kay... sa pasyente." Sabi ko para i-take over niya ang ginagawa ko. "Yeah. Trabaho ko naman talaga yun..." wika ni Doc Lau na para bang pinaparinggan ako. Lumingon ako sa kanya, nakita ko sa mukha niya na para bang naninibago sa ginagawa ko. Kulang na lang na isalita niya ang 'anong gingawa mo?' "Salamat Doc!" Nakahinga ng maluwag si Rosario sa sinabi ko kaya nagpasalamat siya sa akin. "What?! Wala akong pambayad! Pineperahan niyo lang yata ako!" Reklamo noong si sister Mimi. "Shh!" Saway ni Doc Lau sa kanya. "Ro-Miss..." tawag ko naman kay Rosario. I just can't call her name casually. Baka magtaka siya at sabihin pa na feeling close ako. Lumingon si Rosario sa akin at ganoon na lang ang pagkakaba ko ng magkasulubong ang tingin namin. Naalala niya ba ako? No, stupid! Tinawag mo siya kaya lumingon si Rosario! "Doon ka muna sa information area. May kailangan kang fill-outan na form..." sabi ko. "Okay." Sagot niya habang nakatitig sa akin. "Magiging okay lang ba si nanay?" Tanong niya. Ayaw niyang iwan ang nanay niya. Tumango ako. "We have the best Doctors here." Confident na sagot ko. Para mapanatag siya. Narinig ko siyang huminga ng malalim. "Okay." Sabi niya. Lumingon ulit siya sa dun sa 'sister Mimi' kaya nagkaroon ako ng tsansa na natitigan siya. Rosario... Humarap siya sa akin kaya tumikhim ako."Nasaan ang information area na sinabi mo po?" Giniya ko siya papunta doon. Hindi nakatakas sa akin ang expression ni Doc Lau nang nakita niya ang ginawa ko. Kasi naman, hindi ko ginagawa yun! Bahala nga siya! "Salamat doc ha..." sabi niya nang makarating kami sa information area. "Masaya ako na natulungan kita..." sabi ko. Ako yung kumuha noong papel na kailangan niyang fill-outan na kinagulat ng empleyado roon. Nginitian ko lang sila. Mabilis na bumalik ulit sa trabaho nila. Binigay ko ang dala ko kay Rosario at pinahiram ang ballpen ko. Sinimulan ng fill-outan yun ni Rosario. Hindi ako umaalis sa tabi niya. Tumitig lang ako sa kanya habang nagsusulat doon sa papel. Really? Totoo ba talaga to? Nandito si Rosario sa harapan ko! Napangiti ako habang tinitigan siya. Ang saya-saya ko! Maya-maya lang ay nag-angat ng mukha si Rosario kaya inayos ko ang sarili ko. "Yes?" Tanong ko. Makikita niya kasi ang pangamba sa mga mata niya. Naalala niya ba ako? Na ako yung lalaking nagligtas sa kanya mula sa manyak na albularyong yun! Ngumiti siya sa akin ng alanganin. "Doc magkano po pala ang rate niyo rito?" Huh? Hindi niya ba talaga ako naalala!? Come on, Rosario. Kapag naalala mo ako, hindi ko na kayo pababayarin! Baka bigyan ko pa kayo ng pera pagkatapos niyong ma discharge at may one year supply pa kayo ng gamot! Nahihiyang tumawa si Rosario at napakamot sa ulo. "Kasi doc, ngayon ko lang na realize na private hospital 'to. Kaya baka mahal..." pagak na tumawa ulit siya. "Pero ano doc, may pera naman ako... feeling niyo magkano ang mababayarin namin? Atsaka... Ano.... sa pinakamura lang na kwarto si sister Mimi sana ilagay pero kumportable pa rin. So tingin niyo, magkano ang babayaran namin kasama na 'yung mga laboratory fee?" Alanganing tanong niya. Napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam kong matatawa o maiinis ako sa nangyayari ngayon. "Ahmmm... 1000 ang rate namin sa ward. Tatlo sila sa kwarto." Wika ko. Tumango-tango si Rosario. I saw her mouthed 'patay'. Napangiti ako at may naisip na magandang ideya. "Bakit wala ba kayong philhealth or insurance para mabawasan ang babayaran niyo?" Concern na tanong ko habang tinitigan si Rosario. Rosario, hindi ka na ulit makakaalis sa akin. Wala akong pakialam kung hindi mo man ako maalala. Gagawa na lang ulit ako ng bagong alaala. At mangyayari lang 'yun kung matutupad ang plano ko. "Wala kaming philhealth, tapos ano.... Pero mayroong senior citizen at insurance si nana-I mean si sister Mimi. Kaso na-hospital din siya three months ago kaya ano... Pwede bang bayaran 'yung magiging excess namin next week? Kasi ano, sa susunod na lingo ko pa po makukuha yung refund ng scholarship ko..." dugtong niya. Nag-aaral siya? Hindi ko mapigilan mapangiti. Masaya ako na malaman na maayos at normal ang naging buhay niya pagkatapos. Oo, walang halong biro. OA naman kong sasabihin kung naging miserable ang buhay ko nang nawala siya kahit na yun ang totoo. Hindi ako galit na ayos siya sa nakalipas na taon samantalang ako, laging hinahanap siya. Namiss ko lang talaga ng si Rosario ng sobra at feeling ko ang tanga ko dahil nga nasa akin na nga siya, nasa tabi ko na siya ng panahon na yun tapos pinakawalan ko pa. 'Yun 'yung nararamdaman ko. At isali na rin ang mga masasamang pwedeng mangyari sa kanya. Rosario's face is just... tempting... Kung isa kang masamang tao, baka may maisip ka na hindi maganda habang tinitigan ang mukha niya. Pero ang kinatatakutan ko talaga noon, ay kung baka nagkaroon ng trauma si Rosario sa nangyari sa kanya. Ayokong mangyari yun. Kaya nag hanap ako ng mga pwedeng makatulong sa kanya para ma-overcome niya ang trauma niya sa nangyaring trahedya. Pero okay lang naman siya. Rosario is a strong woman. "Pwede naman..." sagot ko sa tanong niya. "Ano....Pwede rin po ba siyang makaalis sa hospital kahit hindi pa namin mabayaran 'yung excess?" Tanong niya. Napakurap ako. Woah. Masyado namang inaabuso ni Rosario ang kabaitan ko. Naalala niya ba ako? Baka naman naalala niya ako, tapos ginagamit niya ang advantage niya sa akin ngayon? Pero hindi ganoon si Rosario. Pero baka nahawa siya doon sa matandang kasama niyo. Base sa mga napansin ko kanina, may makulay na ugali ang matandang 'yun. To think na madre yun. Ex-madre pala. "Ano! Hindi naman kami tatakas pero kasi kapag dito nag stay, diba dumadagdag sa bill namin yun kaya ano..." nahihiyang wika niya at tumawa ulit. Rosario kung alam mo lang wala akong planong pabayaran sa inyo ang hospital bill niyo. Napangiti na lang ako sa mga tumatakbo sa utak ko. "Ano pwede ho akong magtrabaho rito! Pwede ko hong putulin yung mga mahahabang talahib o di kaya mag janitress! Pero promise! Babayaran ko talaga ang excess namin!" Pinigilan kong mapangiti. Magtrabaho sa amin... Soulmate yata talaga tayo, Rosario! 'Yun ang unang bagay na naisip ko kanina eh. Kasi kung magtatrabaho siya rito.. Araw-araw ko siyang makikita. "Well, aw!" Sigaw ko ng may tumusok na sa pwet ko. Napalingon ako. Si Eon! "Pangit!" Tumatawang sabi ni Eon. This snotty brat! Bakit nandito 'to?! Gusto kong paluin ang batang to. May sasabihin akong napakaimportante kay Rosario! Sinisira niya ang diskarte ko! "Eon!" Sigaw ni Lovely sa malayo. "Ahh!" Sigaw ni Eon at tatakbo sana ng hawakan mo ang kwelyo ng t-shirt niya. No. Hindi ka na makakahasik ng lagim rito! "Eon naman! 'Wag kang umalis na lang basta-basta!" Saad ni Lovely. Nakita ko ang paghinga niya ng malalim bago kinarga 'yung bata. "Lovely, bakit nandito ang batang to?" Kinotrol ko ang inis ko. Kung hindi niya kaya ang trabaho niyang bantayan ang batang makukulit, papalitan ko siya. "Ang cute mo naman!" Masayang wika ni Rosario. Huh? Napalingon kami ni Lovely sa kanya. Nakangiti siya habang nakatingin sa uhuging si Eon. Lumapit siya kay Lovely. "Ahmm pwede kargahin si Eon?" excited na paalam niya kay Lovely. "Ahmm..." nagdadalawang isip si Lovely. Isa kasi sa rules namin, bawal ipakausap sa stranger ang mga bata. "Yeah!" Masayang sigaw ni Eon at nagpakarga sa kanya. Kaya hindi na natapos ang pagtanggi ni Lovely. Inilahad pa ni Eon ang dalawang kamay niya at excited na excited na magpakuha kay Rosario. "Ang cute mo!" Masayang wika ni Rosario. Cute? Hindi cute ang batang yan! "Ang cute mo rin para kang fairy at angel... " pa-cute na sabi ni Eon at malutong na hinalikan niya pa sa pisngi si Rosario pagkatapos ay yinakap ng mahigpit. Nakita ko pa ang ngiti ni Eon na parang binigyan ng paborito niyang laruan habang yakap na yakap si Rosario. Ang saya-saya ng bata. Naikuyom ko ang kamay ko. "Ehhh!" Kinilig naman si Rosario sa sinabi ni Eon. Ah. Gusto kong itapon si Eon palabas ng hospital ko. Limang taon ako naghahanap kay Rosario pero kahit isang yakap o halikman lang wala akong nakuha. Nagseselos ako sa bata! "Sino ang babaeng 'yan?" Tanong ni Lovely. "Naku! Naku! Parang nanalo sa lotto si Eon ha! Dadagdag na naman ang babaeng 'yan sa listahan ng crush niya." "Kunin mo si Eon kay Rosario." Sabi ko. Tumingin sa akin si Lovely. Hindi niya ako sinunod at tinitigan lang ako. "Hey man, anong problema mo?" Tanong ni Lovely. Siguro sa expression ng mukha ko. Naiinis ako. "I said- "Balik ka na kay ate..." rinig kong sabi ni Rosario at binigay kay Lovely. "No!" Sigaw ni Eon at ayaw bumitiw kay Rosario. Aish! Pepektusan ko ang batang 'to! Tumawa si Rosario at pinaharap niya sa kanya si Eon. "Sige na sumama ka na kay ate. Kapag hindi ka sumama, hindi na ako makikipaglaro sa yo ulit..." "Promise? Bakit babalik ka ba rito?" Tanong ni Eon. Oo, you snotty brat! Babalik siya dito at hindi dahil sa 'yo! Kundi dahil sa akin! Tumango at ngumiti si Rosario kay Eon. "Oo. Nandito kasi ang... kapamilya ko." Sagot ni Rosario. "Kaya mapapadalas ako rito." Dugtong niya at ngumiti. Napaiwas ako ng tingin. Okay, mali ako. Hindi ako ang rason ng pagpunta niya! "Really?!" Masayang tanong ni Eon. Tumango lang si Rosario. "Sige na, kiss na kay ate ganda..." sabi ni Lovely. Lovely! Humanda ka. Kakaltasan ko ang sweldo mo. Last sweldo, hindi ka nakaltasan sa late mo, ngayon, humanda ka! Walang family friend-family friend ngayon! "Mahilig ka sa bata?" Tanong ko kay Rosario ng umalis na ang dalawang yun pagkatapos ang limang minuto. Si Eon kasi ayaw pang umalis! Tumango siya. Then, hindi mo matatanggihan ang i-offer ko. Tsk. Kahit na ayoko nito, pero dahil malakas ang loob ko na hindi nga niya matatanggihan 'to... "Ganito, about sa sinabi mo sa akin. Kakausapin ko yung taga cashier about sa bill mo pero magtatrabaho ka dito kasama si Lovely." Wika ko. Nagulat siya sa sinabi ko. "Okay lang ba 'yun?" Ang una at totoong plano ko ay papatrabahuin ko siya bilang personal assistant ko para mapalapit siya sa akin pero alam ko, imposible yun dahil maraming mga tsismoso at pakialamera sa hospital namin. Kaya agad na magtataka ang mga 'yun kung bakit ginawa kong ginawang personal na assistant si Rosario. Kaya imbes na magawa ko ang 'Oplan:Make Rosario Fall Hard To Me', baka pumalpak lang. Kaya kakausapin ko ng masinsinan ang taga-cashier ngayon. Walang makakaalam. Walang makikialam. 100% ang tsansa ko kay Rosario! "Ahmmm...ano?" Tanong ni Roaario. Naguguluhan siya sa sinabi ko. "Sabi mo hindi ka makakabayad sa bills mo sa hospital kaya naisip ko na baka gusto mong magtrabaho sa aki-amin. Gaya ni Lovely, yung babae kanina, binabantayan niya yung mga anak ng mga staff namin habang nagtatrabaho." Tumango-tango si Rosario na para bang iniintindi ang sinasabi ko. "Marami akong gustong itanong sa 'yo tungkol sa sinasabi niyo pero tatanungin ko muna si sister Mimi tungkol diyan, kasi kailangan ko ng consent niya. Kung papayagan niya ba ako o hindi. Seventeen pa po kasi ako." Sabi niya Tatanungin niya pa ang matandang 'yun. Pero what if kung ayaw ng matandang 'yun. Anong gagawin ko?! No. I-pre-pressure ko siya. Ngayong araw, walang bakante sa Ward, semi-private at private room. Sa suite lang. Kaya sorry Rosario. "Okay pero bibigyan lang kita hanggang hapon. 5 pm." Sabi ko. "May mga nag-aapply kasi sa trabahong ini-offer ko sa 'yo." Sabi ko. Binigay ko sa kanya ang number ko sa hospital. Kasi kung number ko na personal, kailangan ko pang isulat o di kaya i-dictate. Wala akong card noon eh! Hindi cool yun! Kaya ito muna. Ang importante naman ay mapapayag ko siya ngayon. Kinuha niya ang card ko at tiningnan yun. "Doctor Lorenzo Garcia." Basa niya sa pangalan ko. Napatikhim ako. Bakit ang saya sa pakiramdam ko nang binasa lang ni Rosario ang pangalan ko? Ang baliw ko talaga sa kanya! ----- "MAHAL kong pinsan." Agad na sabi ni Jai ng pumasok siya sa opisina ko. "Alam mo ba na may dumagdag na mayamang pasyente sa hospital natin ngayon..." ano bang inaasahan ko kay Jai. Alam ko naman kung bakit nandito siya. Tsismis. Akala ko pa naman importante. "May sampu tayong suite room, siyam doon may naka-occupy. Tapos ngayong tanghali, may gagamit sa bakanteng room. Wala ng bakanteng room kaya ibig sabihin nun, wala na akong matutulugan nito ngayon kapag free time ko." Reklamo niya. So 'yun ang concern niya, wala na siyang matutulugan? "Wala akong pakialam." Sabi ko sa kanya. Tsk. Basta maayos ang pagpapatakbo ko sa hospital at mahusay ang ginagawang trabaho ng mga tao ko, at higit sa lahat, nagbabayad ng maayos ang mga pasyente namin, okay na ako doon. Kaya wala akong pakialam sa sinasabi niya. Napatingin ako sa orasan. Malapit nang mag alas singko pero hindi pa ako tinatawagan ni Rosario. Pinayagan ba siya ng nanay-nanayan niya? Sana naman oh! Ang ganda ng offer ko sa kanila! Minsan lang may ganitong offer! Hindi niya ba alam, magbabantay lang siya ng bata, may magandang future na siya. "Enzo, anong problema, bakit balisa ka?" Tanong sa akin ni Jai pero hindi ko siya pinansin. Tiningnan ko ulit ang phone ko. Naman oh! Wala talaga! Minaximum ko na nga ang volume ng ringtone ko kaya malalaman ko kong nag text or tumawag na ba siya! Kainis naman! Masyado akong pinapakaba ni Rosario! Puntahan ko kaya yung nanay-nanayan niya para kausapin. "Natatae ka ba?" Huh? Mabilis na lumingon ako kay Jai dahil sa tinanong niya. Nakangiti siya at naka-peace sign! "Jai umalis ka sa opisina ko! Ngayon na!" Inis na sagot ko. "Ito naman, joke la- "Layas!" Sigaw ko. "Tsk. KJ." bulong nito at nakasimangot na umalis sa opisina ko. Nang makaalis siya, tumingin ulit ako sa cellphone ko pero wala pa ring text or tawag man lang. Argh! Nasaan ka na ba Rosario Cortel!? Pabagsak na umupo ako sa upuan ko at napatingala. Baka hindi talaga siya pinayagan! Tsk. Mapuntahan nga ang matandang nanay-nanayan ni Rosario! Kakausapin ko! Tumayo na ako para puntahan ang matanda ng bumukas ang pinto ng opisina ko. Aish si Jai! "Ano na naman Jai?!" Inis na tanong ko at lumingon sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng hindi naman pala si Jai 'yun kundi si Rosario yun. Napaawang ang labi ko nang makita ko siya. Si Rosario na nakaponytail ang buhok, may bahid ng lipstick ang lips. Nakasuot siya ng v-neck na white plain dress, hapit na hapit ito sa katawan niya na pinatungan niya ng itim na blazer at nakasapatos siya na di-gaanong kataas na takong. She's wearing a corporate attire. "Ahm hi Doc." Nahihiyang bati ni Rosario. Bumalik ang tingin ko sa mukha niya. Napalunok ako. Bat ang ganda niya!? I mean maganda naman talaga siya pero ang ganda-ganda niya ngayon. Nagpaganda pa siya sa akin?! Lumapit siya sa akin. Kaya, pull yourself together man! Be confident! Kailangan mong maging cool sa mga mata ni Rosario. Tumikhim ako at tumingin ako sa orasan. "5:20 na miss, late ka na. Paalis na sana ako." Seryosong wika ko. "Ahmmm sorry..." nakita ko ang pagkagat ng labi niya. Napatitig ako doon. Damn. That kissable lips! Nag-angat siya ng tingin kaya inayos ko ang sarili ko. Sa mukha niya ako tumitig. "Natagalan ako kasi umuwi pa po ako para magpalit ng damit at ihanda ang dapat ipapasa ko." Huh? "Galing ka sa klase niyo?" Tanong ko. Pero linggo ngayon. Umiling siya. "Kasi baka may interview. Diba ho hiring ho yung ini-o-offer niyo na trabaho sa akin kaya sabi ni sister Mimi na umuwi muna ako para makapagpalit..." sagot niya at binigay sa akin ang hawak na folder. Hindi ko napansin na may hawak siyang folder. Kinuha ko yun at binuksan. Nagulat ako nang bumungad sa akin ang original copy ng Local Birth Certificate niya. Hindi yung NSO o PSA copy ah. Local Birth Certificate talaga. Akala ko pa naman resume o application letter. Bakit ganito? Pinaupo ko muna siya sa upuan na nasa harapan ng mesa ko at ako naman ay bumalik sa upuan ko. Habang naglalakad pabalik sa upuan ko, binabasa ko yung Local Birth Certificate niya. I... Fine. Pinaimbestigahan ko siya kaya alam ko ang basics information niya. At totoo ang nakasulat doon. Napansin ko na may kasunod pa ang Local Birth Certificate niya kaya tiningnan ko. Kaya 'yun naman ang tiningnan ko ng umupo ako sa upuan ko. Napalunok ako. Nandoon ang NBI clearance, police clearance, medical certificate kasama ang drug test result niya, PAG-IBIG ID, SSS number, at ang Form 137 niya noong high school siya. Bakit ganito? Kung inaasahan niya na iinterviewhin siya, diba dapat resumè at application letter ang nandito. Bakit nagpapasa na siya ng requirements? "Doc..." tawag niya sa akin. "Original copy yan. Hindi ako makaka-graduate sa kurso kong Social Worker kung wala 'yan." Napatingin ako sa kanya. "Bakit mo binibigay sa akin 'to? Hindi ko siguro nasabi sa yo na part time ka lang rito." Sabi ko. Ayoko kasi nag full time siya, kasi nag-aaral pa si Rosario. Ayokong makagulo sa studies niya. Well, okay naman kung hindi siya mag-aaral basta ba asawa ko na siya. "To prove na hindi ako tatakas at nagsasabi ako ng totoo. Na hindi ako scammer." Sagot niya. "Atsaka sabi rin kasi ni sister Mimi, baka tinutulungan niyo po ako dahil ahmm..." nakagat niya ang labi niya at nahihiya sa sunod na sasabihin niya. Tinaas ko ang isang kilay ko. "What?" Tanong ko. "Kasi nagagandahan kayo sa akin at sa tingin niyo, ganda lang ang mayroon ako. Mali po kayo. May utak naman daw ako at hindi ako basta-basta magpapauto sa mga lalaki." Huh? Napaawang ako sa sinabi niya. "Kaya mayroon akong NBI at police clearance diyan dahil wala akong inakit na lalaki, sinirang pamilya dahil sa ganda ko. May PAG-IBIG ako dahil scholar nila ako at SSS rin dahil nag apply ako ng school now, pay later kaya may SSS number na ako. At ang Form 137 ko ay nandyan bilang pagpapatunay na nag-aral ako ng elementary hanggang high school at ngayong kolehiyo.... At makikita niyo, matalino rin ako..." sabi niya na para bang nag re-recite sa harapan ko... "'Yan ho ang sinabi sa akin ni sister Mimi na dapat sabihin ko ho sa inyo." Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Gulat na gulat ako. Parang skit ng isang gag show ang sinabi niya. Pero nang inisip ko ng mabuti ang sinabi ni Rosario, pinigilan ko ang pagtagis ng bagang ko. That old woman! Ano tingin niya gingamit ko ang kainosenthan ni Rosario?! Alam niya ba ang plano ko? O based on experience niya 'to... O baka kay Rosario? Lalo na yung sinabi niya about wala siyang sinirang pamilya. Bakit feeling ko humuhugot ang matandang 'yun?! "Sir tatanggapin niyo pa po ba ako?" Umaasang tanong ni Rosario. Kinalma ko ang sarili ko at seryosong tumingin kay Rosario. "Bago ko sagutin ang tanong mo, pakisabi rin kay sister Mimi na professional at matulungin lang talaga ako." Sabi ko at tumayo. "Welcome sa hospital namin, miss Rosario!" Masayang anunsyo ko at inilahad ang kamay ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako. Kaya napahiya ako. Dahan-dahan na binawi ko ang kamay ko. "Magsisimula ka bukas. Dalhin mo ang schedule mo sa paaralan and then si Lovely na ang mag o-orient sa 'yo at kayo na ang mag-usap kung ano ang sched mo rito. 90 per hour ang rate namin rito at minimum na kailangan mong irender kada araw ay 4-5 hours.." paliwanag ko pero feeling ko wala ang sinasabi ko sa mga iniisip ni Rosario. "Rosario..." tawag ko. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. "Namin?" Mahinang tanong niya. "Welcome sa hospital namin?" Tanong niya sa akin. Ah. So 'yun ang iniisip niya?! "Tama... Nakalimutan kong ipakilala ang sarili ko... I'm Dr. Lorenzo Garcia Jr. The owner of this hospital." Sagot ko. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat. ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD