NAGSIMULA ng magtrabaho si Rosario sa hospital namin bilang partner ni Lovely sa pagbabantay ng mga bata sa mini playground.
One PM hanggang five PM ang schedule niya at Monday hanggang Friday lang siya. Araw-araw, dumadaan ako sa mini playground lalo na 'pag duty niya. Syempre pumupunta ako doon para makita siya at ngayon gusto kong ihatid siya sa bahay nila.
"Enzo!" Tawag sa akin ni Sheryl nang magkita kami sa may lobby.
Pinigilan kong huminga ng malalim. Lumingon ako sa kanya.
"Bakit?" Tanong ko. Sinubukan kong magpanggap na hindi ko siya nakita kanina pero sinigaw niya ang pangalan ko kaya wala akong nagawa kundi pansinin siya ngayon. Nagmamadali pa naman ako. Out na nga ni Rosario ngayon!
"Diba sinabi ko sa'yo last week na manood tayo ng Avenger's End game pero busy ka at sabi mo next time. I think this is the right day para sa next time na yun..."
Huh!
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at napaisip ng mabuti. Hindi ko natandaam na inalok niya ako na manood kami ng sine at sinabi ko ang bagay na yun.
May sinabi ba talaga si Sheryl na ganoon sa akin? At may sinabi ba akong gan'un?
Kung mayroon man...
"I'm sorry, Sheryl pero I can't." Sagot ko na lang. "May importante akong pupuntahan." Si Rosario. Dugtong ko at pumunta sa elevator. Iniwan ko siya roon.
Narinig ko ang pagtawag niya pero hindi ko siya nilingunan.
Nang makarating ako sa elevator, pababa na yung sakay kaya hinanda ko ang sarili ko, baka isa si Rosario sa mga nasa loob ng elevator. Tumingin ako sa relo ko. Out na talaga ni Rosario ngayon.
What if nagkasalisi kami? Na kanina pa pala nakalabas si Rosario sa building? Minsan kasi ang Lovely na 'yun, pinapauwi niya ng maaga si Rosario. I don't know kung alam ba ng babaeng 'yun na pinopormahan ko si Rosario kaya maaga niyang pinapauwi ito pero I doubt it. May gusto siyang pabor na ipagawa kay Rosario. Baka gusto niyang mag leave ulit ng one month at nagpapabango siya kay Rosario para... wais talaga ang babaeng 'yun!
Speaking of Lovely! Nakakainis ang babaeng 'yun ah! Kanina ko pa siya tini-text hindi man lang nag re-reply! Tinawagan ko na rin siya kanina pero nag ri-ring lang ang phone niya!
Damn it, Lovely!
Nang bumukas ang elevator, tumingin agad ako sa loob. Walang tao. So hindi pa bumababa si Rosario?
Mabilis na pumasok ako sa elevator. May nakasabay pa ako pero hindi ko siya pinansin. Mabilis na pinindot ko ang floor kung nasaan sila Lovely. Ganoon rin ang ginawa ng katabi ko, pinindot kung saang floor siya pupunta.
Sana hindi pa nakauwi si Rosario.
"Hoy, Enzo." Napapitlag ako ng magsalita ang katabi ko. Napalingon ako at agad na nainis ako ng makita ko kung sino 'yun.
Si Jai lang naman pala. Siya pala ang nakasabay ko.
"What?" Tanong ko sa kanya. "Ba't nangugulat ka?" Inis na tanong ko sa kanya.
"Nakita ko ang nangyari sa inyo ni Sheryl sa may hallway." Agad na sabi niya.
"Oh tapos?" Ano naman ngayon?
"Don't be a jerk. Kung wala kang feelings kay Sheryl, sabihin mo ng diretso sa babae, feeling ko pinapaasa mo siya." Seryosong sagot ni Jai.
Kunot noong lumingon ako sa kanya.
"Hindi ko siya pinapaasa, Jai." Madiin na sabi ko. Never kong pinaasa si Sheryl. I mean naging close kami pero kaibigan lanh talaga ang turing ko sa kanya at alam ni Sheryl 'yun.
"Baka hindi mo lang alam na pinapaasa mo siya." Mariing wika niya. Hindi ko alam? Paano ko hindi malalaman? Eh sarili ko 'to?! Feelings ko ang pimag-uusapan rito!
"Jai-
"Manhid ka pa naman." Inis na sabi niya. Pero agad na sumeryoso ang mukha ni Jai. "Tandaan mo, Enzo, ginawa mo siyang pampalipas oras noong depress ka doon sa Rosario mo. Kaya utang na loob, 'wag mong saktan 'yung tao."
Ginawang pampalipas oras si Sheryl?
Napalunok ako.
Natamaan ako sa tanong na 'yun.
I mean, nang pinilit kong bumalik ulit sa normal, si Sheryl ang naging kasama ko noon. Lalo na noong na-busy si Jai sa pag e-earn ng units sa nursing at pagtake ng board exam. Lumalabas kami, I-we had fun, pero yun lang yun. Walang nangyari sa amin. It was just a friendly date kapag lumalabas kami. Nagsaya siya, nagsaya rin ako. Kaya I think hindi...
"Jai hindi-
"Yeah right." Putol ni Jai sa sasabihin ko. "Hindi mo na siya ginamit. Kahit anong tanggi mo, alam naman nating pinaasa mo siya." lumingon siya sa akin at nginitian ako. "Ang bilis mo ngang makasagot sa tanong ko eh." Sarcastic na wika niya.
I can't lie to her. Ginagamitan niya ako ng psychology!
Nakonsensya tuloy ako. Maybe, kailangan kong humingi ng sorry kay Sheryl. I mean.. hindi ko sinasadya. Malungkot lang talaga ako noon. I.. really used her?
"Ano yan?" Tanong ni Jai nang mapansin niya na may dala akong cake. And ramdam ko, gusto niyang ibahin ang usapan namin. "Magpapakain ka? Kanino?" Tumingin siya sa floor na pinindot ko.
"Hindi ka naman magpapachildren's party sa mga bata roon 'no?" Tukoy niya sa floor ng pupuntahan ko. Pedia ward kasi ang nandoon at yung mini playground. "Pero kung 'yun ang gagawin mo, kukulangin 'yang dala mo. Ano, selected lang ang invited sa pa-children's party mo?" Natatawang tanong niya.
"Para kina Lovely 'to at sa mga bata lang ng nasa mini playground." Sagot ko.
"Woah! Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam kay Lovely?" Gulat na tanong niya. Ngumiti lang ako sa kanya. Yeah. Wala naman talaga akong pakialam kay Lovely. Lalo na kapag ang kapal ng mukha niyang magsalita ng huwag siyang kaltasan sa late niya tutal may kapit siya rito. Hay naku, Lovely! Sa mga bata mayroon pa akong pakialam. Kapag stress ako, pumupunta ako roon para makipaglaro sa mga bata.
"Pero imposible na kay Lovely 'to..." lumingon sa akin si Jai. "So totoo ang tsismis, dinidiskartehan mo 'yung kasama ni Lovely. 'Yung si Rosario ba 'yun.." natigilan si Jai sa pagsasalita... "Rosario..." wika niya na para bang may naalala sa pangalan na 'yun. Napangiti ako. Now, you know. Lumingon siya sa akin. "Hey... don't tell me, yung Rosario na kinabaliwan mo noon at ang Rosario na 'yan ay iisa!?" Malakas na wika niya.
Mas lalong napangiti ako ng makita ko ang expression ng mukha ni Jai. She looks stupid!
"Ito talaga yung Rosario na kinabaliwan mo noon?" Gulat na tanong ni Jai. Nanlaki ang mga mata niya.
Tumango ako. Napatili si Jai sa sobrang gulat at tuwa.
"Wait! Sasama ako! Gusto kong makita ang babaeng yun!" Excited na sabi niya. Hindi nga siya pumunta sa floor na pupuntahan niya at imbes ay sinamahan ako sa mini playground. Nang makarating kami ay excited na binati niya ang mga nurse na nandoon sa nurse station at hinila ako papunta sa mini playground.
Nakita ko si Lovely agad, na kinawalan ko ng gana. Siya lang kasi ang nakita ko. Wala si Rosario. Umuwi na ba si Rosario? Aish! Wala na akong ganang ipamigay 'tong mga dala ko. Napatingin ako kay Lovely. Ang saya niya. Natutuwa ba siya na hindi kami nagkita ni Rosario?! Aish! Mas lalong ayaw kong ibigay ang dala ko sa kanya.
"Hoy!" Tawag ko kay Lovely pero hindi pa rin siya tumingin sa amin. "Nasaa-
"Lovely!" Sigaw ni Jai nang makalapit kami sa kanya! "Bakit ang saya mo?!" Masayang tanong ni Jai at yinakap niya pa ang baliw na Lovely 'yun.
Lumingon sa amin si Lovely at..."Ta-da!" Proud na pinakita ni Lovely ang result niya sa exam nila. Review niya para sa board exam. Huh? Nakita ko ang pagkawala ng ngiti ni Jai at ako naman ay parang-hindi parang! Totoo! Totoong nakatanggap ako ng masamang balita! "Pasado ako!" Masayang sigaw niya. "Pasado ako!" Ulit ni Lovely. Sumasayaw pa siya sa harapan namin na para bang sira.
"Paano nangyari yun?!" Sabay na tanong namin ni Jai. Gusto kong ibato sa kanya ang dala ko. May pyramide kaming ginawang magkakaibigan. Ako at si Jai ang nasa tuktok at yung iba ay sunod namin. Si Lovely ang nasa pinakadulo ng pyramide. Kaya bakit ganito, makakapasa na ba siya sa pagiging social work? Makakaakyat na siya sa pyramide na ginawa namin? Magkaka-lisensya na siya?! No way.
"Dahil yun kay Rosario!" Masayang sagot ni Lovely. Tamang-tama naman na lumabas si Rosario sa CR.
Nagulat si Rosario ng makita kami. Napangiti ako ng makita ko siya. Nandito pa siya? Good news!
"Magandang hapon po." Nahihiyang bati niya sa amin. Nakita niya na nagkakagulo kami sa test paper ni Lovely.
"Aha!" Masayang sigaw ni Jai! Mabilis na nakalapit ang pinsan ko kay Rosario at hinahalik-halikan ito.
"Jai!" Sigaw ko. Baliw! Baliw ang babaeng 'to. Bakit niya hinahalikan si Rosario?! Baka maguluhan ang babae sa ginagawa ni Jai! Baka masabihan pa kami ni Rosario na pamilya kami ng baliw sa ginagawa niya! f**k! Hindi ko siya kikilanin na pinsan ngayon!
"Isa kang alamat!" Sigaw ni Jai at parang hindi ako narinig. Nakayakap pa rin siya kay Rosario. Binigay ko kay Lovely ang dala ko at lumapit sa kanila para hilahin ang baliw kong pinsan. Bakas sa mukha ni Rosario ang hindi pagkakomportable sa ginawa ni Jai.
Oh God no! Rosario! Hindi kami pamilya ng mga baliw at weird!
"Hindi ka lang pala maganda at mabait. Matalino ka rin pala!" Wika pa ni Jai.
"Jai!" Hinawakan ko ang damit niya at hinila siya. Lumingon lang sa akin ang pinsan ko.
"Eh?" Inosenteng tanong niya.
Wow! Nagmaang-maangan pa siya!
"Mahiya ka kay Rosario!" Madiin na sabi ko at pinandilatan siya para tumigil siya.
"Inggit ka lang maman yata eh! Yakapin mo rin si Rosario!" Nakangiting wika niya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at mabilis na napatingin kay Rosario. Nanlaki ang mata ng dalaga sa sobrang gulat.
Dumiin ang pagkakahawak ko sa pinsan ko. Gusto kong ibaon ng buhay ang pinsan ko ngayon. Pero hindi natinag ang pinsan ko. "Yakapin mo rin si Rosario bilang papasalamat sa ginawa niya kay Lovely." Paliwanag niya at tumawa pa siya pagkatapos niyang sabihin 'yun. Inalis niya ang kamay kong nakahawak sa kanya.
She's teasing me!
"Jai." Mariing tawag ko sa pangalan niya. Ngayon ay alam na alam ni Jai na galit na galit ako.
"Okay-okay." Suko niya at lumayo sa akin tapos lumapit kay Rosario.
"Pasensya na Rosario." Hinging paumanhin sa kanya ni Jai.
"O-okay lang... po..." wika ni Rosario. Nakikita sa mukha ni Rosario ang naguguluhan sa mga nangyayari. "Ah mauuna na po ako sa inyo."
"Ah sige-sige!" Sabad agad ni Lovely. "Rosario! Bukas turuan mo ulit ako ha." Aish! Masama ang tinging binigay ko kay Lovely na ngayon ay busy sa pagkain ng cake na dala ko. Mag-aalok pa sana ako na ihahatid si Rosario! Tapos magsasalita siya!? Sinisira niya ang plano ko! Si Jai naman na alam ang plano ko, niliigan niya si Lovely. "Aw, Jai!" Sigaw ni Lovely sa sobrang sakit.
"Hey, Lovely! Nagpapaturo ka kay Rosario?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Jai. Now I know bakit mabait si Lovely kay Rosario. Ito pala ang ginagawa niya.
"Hoy, Jai! Tumahimik ka! Hindi ako tulad mong genius kaya kailangan ko ng tulong! Bitawan mo nga ako!" Inis na wika rin ni Lovely.
"Ah marunong lang ako ng kaunti kasi pareho kasi kami ng kurso kaya..." si Rosario na gustong awatin si Jai.
"Junior mo si Rosario?! Shame on you, girl!" Inis na sabi ni Jai at ngayon ay sinasabunutan na ni Jai si Lovely. Yeah. Work harder, Jai! Mas masaya kong hindi makapasok ng ilang araw si Lovely para magkatotoo 'yang sick leave niya kapag tinatamad siyang pumasok.
"Jai! Tumigil ka! Tama na!" Si Lovely.
"Ahmm pinahiram ko lang naman po siya ng notes ko. Hindi ho... Please tama na po. Nasasaktan na si Lovely... Miss...
"Pabayaan mo na sila..." Sabad ko sa sasabihin niya. Nakikita ko sa itsura niya na gusto niyang tulungan si Lovely na makawala sa ginagawa ni Jai but 'wag na siyang mag aksaya ng panahon. "Ihahatid na kita."
Napatigil yung dalawa sa ginagawa nila at napatingin sa akin-sa amin ni Rosario. Bigla na lang kinuha ni Lovely 'yung cake at umalis sila ni Jai ng walang paalam. Mabuti naman.
Napatingin si Rosario sa dalawa bago sa akin. Mukha siyang... hindi kumportable sa akin.
"Ah, pupunta pa po ako kay sister Mimi." mahinang sagot niya.
Narinig ko ang hagikhikan nila Lovely at Jai. Damn it! Hindi pa sila talaga tuluyang umaalis?! "Ang advance mag-isip kasi." Rinig kong sabad noong dalawa bago sinirado ang pinto at 'maglaho' na ng tuluyan sa mini playground. I-a-assign ko silang dalawa sa bagong hospital namin para mabusy sila doon.
"Ah sige, samahan na kita tapos ihatid na kita sa inyo..." wika ko.
Nanlaki ang mga mata ni Rosario sa sinabi ko. Eh? Masyado ba akong mabilis?
"Wow." Manghang sabi ni Rosario.
Wow?
"May problema ba?" tanong ko sa kanya.
Nakagat ni Rosario ang ibabang labi niya at nahihiyang nag-iwas ng tingin bago sagutin ang tanong ko. "Sabi kasi ni sister Mimi ng dinala siya sa suite room, hindi raw siya magtataka kung bibisitahin mo siya kasama ako..." nilaro-laro ni Rosario ang hintuturo niya bago ulit nagsalita. Ako naman ay napamaang sa sinabi niya. That sister Mimi. Bakit may feeling ako na siya pa ang sisira sa plano ko.
"Pero... Hindi ko na lang po pupuntahan si sister Mimi." Sabi niya. Bakit? Ayaw niya bang makita kami magkasama ni sister Mimi?!
Rosario don't be mean to me!
"Why?"
"Kasi nagpusthan kami eh. Kapag pumunta ka ngayon, bibigyan ko siya ng chocolate. Pero diba bawal 'yun sa kanya?"
Damn that old woman! Really!
Bakit feeling ko pinaglalaruan ako ng matandang 'yun?!
Tumango ako sa tanong ni Rosario.
Kailangan kong makausap ang sister Mimi na 'yun. Alam niya na gusto ko si Rosario. Kaya... ewan! Basta parang nasa palad niya ako. May kung anong sinulid sa katawan ko na ginagalaw niya. Kalkulado niya kasi ang bawat galaw ko eh!
Haharapin ko ang matandang 'yan at ipapaalam ko na rin sa kanya ang panliligaw ko kay Rosario.
Sabay kaming bumaba sa hospital. Gaya ng sabi ko kanina, ako yung maghahatid sa kanya sa bahay nila. Tumanggi siya but I will not take 'no' as an answer.
"Kain muna tayo..." sabi ko ng nasa kotse na kami. Binuksan ko 'yung pinto para makapasok siya.
"Naku... 'wag na po..." nahihiyang tanggi ni Rosario ng nasa driver seat na ako.
"Sige na, masama ang mag take ng exam na walang laman ang tiyan..." Nakwento niya sa akin na pupunta siya sa school nila dahil mag s-special exam siya ngayon.
Huminga siya ng malalim. "Sige..." napipilitang sagot niya.
Ahm...
"Saan mo gustong kumain?" Tanong ko sa kanya nang mapaandar ko na ang sasakyan.
"Ahm... kayo na po ang bahala..." sagot niya. Hey.
Napakurap ako ng ilang beses sa sinabi niya.
Ako na ang bahala?
Sure siya?
Baka kung saan ko siya dalhin!
Umiling ako! Get a hold of yourself, Enzo!
Okay. Ako ang bahala.
Napangiti ako.
Ako ang bahala sa first date namin.