Dinala ko siya sa isang restaurant na palaging kinakainan namin ng magulang ko. Dito kami kumakain or kung gusto ng parents ko kapag may date sila. Sabi pa nila ito ang the best restaurant kapag gusto mong idate ang mahal mo kaya palagi nilang sinasabi sa akin na dito ko dalhin ang magiging girlfriend ko kung made-date kami. At hindi ko dinala si Rosario dahil sa sinabi nila. Dinala ko siya dahil I also love this place. Romantic, classy at masarap ang foods. "Bakit?" Tanong ko kay Rosario. Hindi kasi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. Nasa harap na kami ng restaurant ni Rosario at parang wala siyang balak pumasok sa restaurant. Dahan-dahan siyang nag angat ng mukha at puno ng takot ang mukha niya. "Doc, hindi po sanay ang dila ko sa pagkaing 250 pataas ang presyo." Nahihiyang sabi

