"ANG galing mo kanina Rosario." Rinig kong puri sa kanya ng kaklase ni Rosario. Nasa labas pa rin ako ng paaralan nila. 'Yun nga lang nasa gilid ko pinarada ang kotse. "Nag-aral kasi ako." Nakangiting sagot ni Rosario. "Madali naman ang test ni sir kung nag-aral kayo..." Nanlaki ang mga mata niya ng makita ako at hindi natuloy ang iba pang sasabihin sa kasama niya. "Doc!" Sigaw niya ng makita ako. Tumingin sa akin ang kasama niya kaya kumaway lang ako. Nasa labas ako ng kotse habang hinihintay siya. Nang makita ko siyang palabas ng gate, lumabas ako. Halos isang oras rin ang paghihintay ko rito. Lumapit siya kasama ang mga kaklase niya sa akin. "Ba't nandito pa kayo?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "May pinuntahan akong relatives dito kaya naisipan kong hintayin ka para mahatid ki

