Rosario
Isang minuto na nang umalis si Enzo sa opisina niya at tinatamaan na ako ng pagkabagot.
Kanina, kumakain ako noong mga pagkain na natira para malibang pero ngayon, hindi ko na kaya. Kaya ang ginawa ko ay sinuyod ng tingin ang opisina ni Enzo nang nakatayo. Simple lang ang disenyo ng opisina niya.
Hindi ako magaling sa mga disenyo kaya hindi ko alam kung okay lang ba ang disenyo ng opisina niya. Pero kong ako ang tatanungin, okay lang naman. Hindi kasi masakit sa mata.
Lumapit ako sa lamesa ni Enzo. Kanina pa kasi ako kuryuso sa mga frame na nasa table niya. Gusto ko kasi malaman kong may picture kami doon. May apat na frame. Inisa-isa ko 'yun. Isang malaking frame, parang picture yata ng personnel ng hospital. Nakita ko nga si Enzo doon. Feeling ko, bago pa lang to, kasi hindi naman malayo ang itsura nitong picture sa itsura ni Enzo ngayon. 'Yung mga sumunod na frame ay pare-pareho lang ang size.
'Yung isa, feeling ko, family picture nila Enzo. Nakasuot siya ng lab gown, tapos may kasama siyang isang hindi katandaang babae na naka-formal dress at isang lalaki rin na naka suit. Nasa gitna si Enzo at nakangiti sila sa larawan. Napatingin ako sa larawan ng dalawang matanda. So ito ang magulang ni Enzo? Hawig si Enzo sa tatay niya pero nakuha naman niya ang kulay ng balat ng nanay niya. Maganda ang nanay at gwapo naman ang tatay niya pero... Nagtataka lang ako, hindi naikwento ni Enzo ang tungkol sa kanila. Hindi ko pa sila nakikita ah. O nakita ko na sila noon, pero hindi ko lang maalala. Baka nga...
Napabuntong hininga na lang ako.
Sunod namang larawan ay... Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mukha ko doon. Nakasuot ako ng isang puting dress, nakangiti sa isang matandang babae na nakangiti rin sa akin. Napatitig ako doon sa larawan nang matanda. Parang may kung ano akong nararamdaman sa puso ko habang tinitigan siya. Ina ko ba siya? Siya ba ang nanay ko? Pero bakit ganoon, sinasabi ng utak ko, hindi siya... So sino tong babae?
Bumukas yung pinto bigla kaya napatingin ako sa may pintuan.
"Hi!" Nahihiyang bati sa akin ng isang nurse. "Ah ma'am sorry, binuksan ko na. Akala ko kasi walang tao..."
Kumakatok siya? Hindi ko narinig.
"Okay lang..." sagot ko.
Ngumiti ng alanganin yung babae sa akin.
Ako naman ay muling tumingin sa mga frame. Partikular doon sa huling frame. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang larawan ko ulit. Yun nga lang ang larawang 'to, napakabata ko pa. Parang nasa edad dose yata ako.
"Ano kasi ma'am. Sabi ni doc Enzo kung may gusto kang kainin, sabihin mo lang sa akin." Rinig kong sabi noong nurse pero hindi ko siya pinansin.
Hinawakan ko ang huling frame. Tinitigan ko yun ng mabuti. Ang larawan yun ay parang inalis 'yung mga kasama ko. Kasi kung titingnan parang may nakaakbay sa akin tapos may nakahawak sa kamay ko.
"Wow ang bata niyo po jan ma'am ah!" Nagulat ako nang magsalita yung nurse. Napalingon ako sa gilid ko kasi ngayon ko lang napansin na nakalapit siya at tinitigan rin yung tinitingnan ko. Tumingin sa akin yung nurse at ngumiti sa akin. "Ang ganda niyo dyan. Kaya siguro inlove na inlove talaga si Doc Enzo sa iyo..." parang nanunuksong saad niya.
Naibaba ko yung hawak kong frame at tumingin sa kanya.
Ang totoo kasi yan hindi ko maexplain ang nararamdaman ko ngayon... Yung itsura ko sa larawan at yung itsura kong laging naalala at napapanaginipan ay pareho.
Pero kasi... sabi ni Enzo sa hospital kami nagkita? Hindi naman hospital yung lagi kong nakikita. O baka naman... Ah! Naguguluhan ako! Napahawak ako sa ulo ko ng biglang sumikdo ang sakit. Agad namang nawala 'yun at humarap ako doon sa nurse. Baka kasi magtaka siya at mag alala sa akin.
"Ahm... nurse..." hinanap ko ang name tag niya pero hindi ko nakita yun..
"Jai po." Dugtong niya. Napansin niya?
Umupo ako sa upuan ni Enzo at tumingin sa kanya. "Matagal ka na bang nurse dito?" Tanong ko sa kanya.
Pumunta sa harapan si nurse Jai at umupo doon sa upuan sa harapan ko. Parang baliktad yata. Ako yung dapat nasa upuan niya at siya naman sa akin. Siya kasi yung nurse at ako yung may sakit. Binewala ko na lang yun.
"Opo." Sagot niya sa tanong ko. "Bakit?" Inosenteng tanong niya pagkatapos.
Nakagat ko ang labi ko.
So ganoon, nakita niya ba ako noon? May alam ba siya tungkol sa amin ni Enzo? Pwede ba siyang magkwento tungkol sa buhay namin ni Enzo?
Umiling ako.
Hindi ko kayang itanong sa kanya 'yun. Baka wala siyang alam o di kaya naman may alam siya... pero diba ibig sabihin noon, kung may alam siya sa amin... tsismosa siya?
Aish.
Umiling lang ako sa kanya.
Tumango-tango lang siya na para bang sinasabi niya na okay lang. Siguro alam niya na maraming bagay ang tumatakbo sa utak ko.
Bumalot sa amin ang katahimikan pagkatapos.
Wala kasi akong pwedeng maging topic. Puro hinga lang namin ang naririnig at yung tunog ng orasan. Ang awkward tuloy.
"Ah tama!" Biglang wika ni Jai na bumasag sa katahimikan. "Ano na lang ma'am...." excited na sabi niya. "Doon na lang po kayo tumambay sa ano... malapit sa pedia ward! May ano kasi doon, mini play ground ng mga bata baka mawala ho ang bagot niyo." Suhestyon niya.
Na excite ako sa sinabi niya! Mga bata? Oh my! "Sige-sige!" Excited na sagot ko na kinatigil ko. Teka. Mahilig ako sa bata?
"Tara!" Sabi niya sabay hila sa akin. Napatingin ako sa kanya. Kung makahila kasi siya, close kami? "Alam mo ma'am, tiyak na magugustuhan mo doon. Aside sa mga bata na cute, ang bibo-bibo pa! Lalo na noong anak ni Doc Lau, maaaliw ka sa kabibohan noon!" Marami pa siyang dinaldal tungkol sa mga characteristic ng mga batang nandoon at isa lang ang nasabi ko.
"Hindi mga pasyente ang nandoon?" Tanong ko. Ang inaasahan ko kasi mga batang may sakit ang nandoon pero may sinabi siyang anak ni Dr. Lau at iba pang doctor at nurse kaya....
"Hindi. Pero mayroon namang mga pasyente. Pero kadalasan talaga ay 'yung mga anak ng mga staff namin ang tumatambay sa mini playground." Ngumiti siya. "Alam mo naman hindi lang kami mga nurse, doctor at empleyado rito.. anak, kapatid, pinsan at magulang din kami."
Napatango ako. Nakuha ko yung sinabi niya. Ang hirap din kasi kung tulad na lang, single mother ka na empleyado rito, tapos walang magbabantay sa anak mo kasi wala kang magulang o kaibigan na pwedeng pag iwanan sa anak mo. Kaya mabuting naisip nila ang mini playground para doon na lang iwan ang bata kaysa sa iba na hindi mo kilala. Baka mapahamak pa yung anak mo...
Napangiti ako. Maraming kinokonsider ang hospital ni Enzo. Nakaka proud naman.
"Jai!" Napalingon kami pareho sa sumigaw sa pangalan ng nurse. Nakita namin si Sheryl.
Heto na naman siya.
Ah tama. Nandito rin pala siya. Stockholder pala siya.
Mabilis na lumapit siya sa amin. Napansin kong nakasuot siya ng lab gown... Doctor siya?
She crossed her arms nang makalapit na siya sa amin. Mataray na tinitigan ni Sheryl si Jai at nang mapatingin siya sa akin, inismiran niya ako at inirapan.
Napaawang ang labi ko
"Bakit ka pakalat-kalat sa hospital at kasama mo pa talaga siya!" Mataray na wika ni Sheryl. Hindi man niya sabihin ang pangalan ko, ako yun. Obvious naman. Wala kayang ibang kasama si Jai.
Feeling ko, hindi naman talaga si nurse Jai ang puntirya ni Sheryl kundi ako. Naawa tuloy ako sa nurse. Nadadamay siya sa kaartehan ng babaeng 'to.
"Inutusan po ako ni doc Enzo na samahan muna si ma'am Rosario." Sagot naman ni Jai. Nagulat ako. Kasi diba stockholder itong si Sheryl. Bakit nakikipagtalo si Jai na isang nurse lang?
"Nang duty mo?" Pabalang na tanong ni Sheryl kay nurse Jai.
"Hindi no! Tapos na shift ko. May extra pay nga ako sa free service ko ngayon. Tss." Pangmamayabang ni Jai kay Sheryl.
Pero imbes na mayabangan, tinaas lang ni Sheryl ang isang kilay niya.
"Did you just 'tss' me?" Galit na tanong ni Sheryl. Feeling ko sasabunutan niya si Jai. "Baka nakakalimutan mo kung sino ak-
"Sheryl, shut up. Ikaw kaya ang bumalik sa trabaho mo." Putol ko sa sasabihin niya. Siya ang nagsimula kaya bakit siya pa 'tong galit? Nanahimik kami ni nurse Jai dito tapos bigla lang siyang lumapit at nang away! Atsaka tapos na pala shift ng nurse eh. Kaya kung saang anggulo, siya yung mali.
Kaya kailangan kong ipagtanggol si nurse Jai baka natatakot siya kay Sheryl dahil boss niya ito. Baka ano pa ang isipin ni nurse Jai sa mga amo niya sa hospital na to. Baka sabihin niya na namemersonal at nandadamay ng ibang tao ang ilan sa boss niya.
Bumaling ng tingin sa akin si Sheryl, nanlilisik ang mga mata. Feeling ko titirisin niya ako. "You..." akmang lalapit sana sa akin si Sheryl nang humarang si Jai sa gitna namin.
"Ma'am Sheryl, hindi ako ginawang tagabantay ni Doc Enzo, nang walang dahilan." Madiin na sabi ni Jai kay Sheryl. Natigilan naman si Sheryl at tumingin kay Jai. Hindi ko nakikita ang itsura ni Jai pero nakita ko ang pagbakas ng takot sa mukha ni Sheryl.
"Aish!" Inis na sabi niya sabay walk-out.
"Isusumbong kita kay Enzo!" Hirit pa niya.
"Edi isumbong mo." Sulsol ko pa sa kanya. "Tingnan lang natin kung sino ang papanigan ni Enzo!" Mayabang na saad ko at inirapan siya.
Humarap sa akin si Jai na nakangiti. Nahiya tuloy ako. Baka ano pa ang isipin niya tungkol sa akin. "Tara na." excited na sabi niya lang at hinila niya ulit ako papuntang elevator. Mabilis na pinindot yun para mabuksan.
Pumasok kami doon at pinindot yung floor papuntang pedia ward.
"Parang natakot yata si Sheryl sa 'yo?" Tanong ko nang maalala ko yung naging reaksyon ni Sheryl sa huling sinabi ni nurse Jai.
"Dapat lang." Tumatawang sagot ni nurse Jai.
Ha?
Tama lang ba na pagsabihan niya ang boss niya ng ganoon?
Hindi ba siya takot sa boss niya?
Dapat mayabangan ako sa sinabi niya pero dahil sa hindi naman kami bati ni Sheryl... hindi ko alam ang dapat na maramdaman.
Napatingin sa akin si nurse Jai. Binigyan niya ako ng tipid na ngiti. Siguro napansin niya ang reaksyon ko sa sinabi niya.
"Pinsan ako ni Enzo. I'm Jai Lee Garcia." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Gulat na gulat ako. Pinsan siya ni Enzo? Napaatras ako ng kaunti sa kanya dahil sa kaba ko. Sa ilang buwan na kasama ko si Enzo ngayon lang ako nakakilala ng kamag-anak niya. "At mas malaki ang shares ko sa hospital kaya pwede kong palayasin si Sheryl dito." Sabi niya na para bang yun ang paliwanag niya na bakit hindi siya takot kay Sheryl.
Napalunok ako.
Ako naman yung natatakot.
Sabi niya mas malaki ang shares niya? So ibig sabihin mas boss pa siya kay Enzo?
"'Wag kang kabahan." Sabi niya nang makita niya na parang hindi ako komportable. Sino bang hindi magiging komportable?! Pinsan siya ng asawa ko! Asawa kong hindi maalala! At boss din niya ito! "Ihahatid lang kita sa floor ng play ground ha... Hindi na kita masasamahan." Ah. It's okay. Okay na okay. Kinakabahan ako sa presensya mo. "Baka kasi magsumbong na naman si Sheryl kaya kailangan kong aksyunan." Dugtong niya.
Napakurap ako. Tama si Sheryl pa. Oh my! Magkakagulo na naman yata!
"Okay..." Tanging nasabi ko na lang kahit na naguguluhan ako. Napayuko ako.
"No. Dapat ako magpasalamat sa 'yo." Seryosong sabi niya na kinalingon ko. Nakatitig siya sa akin. Kanina pa niya ako tinitigan? Atsaka bakit siya magpapasalamat sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti siya sa akin. "Dahil sa 'yo, muling naging abnormal ang pinsan ko." Tumatawang sabi niya pero may mga luhang namuo sa mga mata niya. Bakit ganoon ang saya-saya niya pero bakit may mga luha sa mga mata niya?
"Masaya akong makita ka ulit." Sabi niya pa at yinakap ako. Tumunog yung elevator na hudyat na nasa floor kami. "Nandito na tayo." Marahang tinulak niya ako palayo at pinahid-pahidan niya pa yung luha sa mga mata niya at yung tumulo sa mukha niya.
Sumeryoso ulit siya at hinawakan yung 'open' na button noong elevator. Lumabas naman ako-mali hindi ko natuloy ang paglabas ko. Naguguluhan pa rin ako kasi parang ang bilis ng mga nangyari.
Lumingon ako sa kanya.
"Nasa kabilang pinto lang yung opisina ko sa opisina ni Enzo ha kung gusto mo ng bumaba." Tinuro niya pa yung left side.
Kinagat ko ang labi ko. Yung pagkakasabi niya parang alam niya ang nasa utak ko at parang sinasabi niya na pwede akong pumunta sa opisina niya para pag usapan yun...
Tumango lang ako 'tapos tuluyang lumabas sa elevator. Lumingon ako sa kanya pero sumirado na yung pinto at bumalik na yun sa floor na pinanggalingan namin.
Jai Lee Garcia.
Walang bahid ng isang alalala ang lumabas para maipakita na nagkita na kami noon. Kinagat ko ang labi ko ng biglang sumakit ang ulo ko. Sa pilit kong pag-aalala, sumakit na naman.
Ayaw ko na munang pilitin ang utak ko. Baka mag alala pa si Enzo at madistract ko lang siya sa ginagawa niyang operasyon. Importante pa naman yun.
Tumingin ako sa harapan.
Sumalubong sa akin ang isang hallway. May mga nurse station naman sa magkabila or dulo noong unang hallway. Pero imbes na magtanong sa mga nurse tumingin na lang ako doon sa mga signs. Sinundan ko yung may makasulat na 'Children's playground.' Malapit lang ito sa semi private para sa mga bata ng kwarto.
Naglakad ako papunta doon.
Napangiti ako dahil malayo pa lang ako, naririnig ko na ang mga hagikhikan ng mga bata. Excited na pumunta ako doon.
Pagdating ko, nagsilingunan sila lahat.
"Hi!" masayang bati ko.
May mga batang agad na lumayo, may iba naman tumitig lang sa akin at wala man lang isa na lumapit. Siguro dahil hindi nila ako kilala at bigla na lang ako nagpakita sa kanila.
Imbes na malungot, natuwa ako. Nakikinig talaga sa magulang ang mga batang to. Sinabihan siguro sila ng nanay or tatay nila ng 'Don't talk to strangers'
"Eon!" Rinig kong sigaw ng isang babae. Nakasuot siya ng maong pants at t-shirt na yellow. May hinahabol siyang bata na walang salawal. Lumabas sila sa isang kwarto
Tumatawa lang yung bata habang hinahabol noong babae. Nang mahuli niya yung bata ay kinarga niya ito at sinuotan ng damit. Lumapit naman agad yung mga bata sa kanya.
"Stranger alert! Stranger alert!"
"Miss Lovely, may magandang stranger!"
Napangiwi ako sa mga pinagsasabi ng mga bata. Parang sinusumbong nila ako. Naguluhan yung babae sa sinabi ng mga bata pero noong tinuro ako noong batang si Eon, lumingon siya sa akin.
"Uhm... Hi!" Alanganing bati ko.
Nanlaki ang mga mata niya at biglang napatayo na karga yung batang si Eon.
"Ma'am Rosario!" Bati niya.
Nagulat ako sa reaksyon niya.
Kilala niya ako?
O pinaalam ni Jai na papunta ako rito?
Tumango lang ako.
"Napasyal kayo!" Nakangiting saad niya. Binaba niya yung batang karga niya. Lumapit siya sa akin. "Natutuwa akong makita ka ulit." Masayang wika niya. Inilahad niya ang kamay niya. Tinitigan ko lang yun. Magkaibigan ba kami noon? Atsaka yung tono niya nang magkita kami, parang palagi ako dito!
"Ah tama!" Napakamot sa ulo noong babae sa sinabi niya. Nakagat ko ang labi ko. Feeling ko naalala niya na wala akong maalala kaya hindi ko siya kilala. "Hi ma'am! Ako pala si Lovely, caretaker ng mga bata dito." Napatango ako at napatitig sa babae.
"Salamat." Nahihiyang sagot ko at naappreciate ko ang ginawa niya.
Ngumiti lang siya at humarap doon sa mga bata.
Bigla siyang pumalakpak ng sobrang lakas ng isang beses kaya nakuha niya ang mga attensyon ng mga bata.
"Kids! Ito si ate Rosario niyo." Sabi ni Lovely na nakangiti. Pinapakilala niya ako sa mga bata. "Makakalaro natin siya ngayon!"
"Fairy!" Sigaw noong isang batang babae at mabilis na nagsilapitan yung mga batang babae sa akin.
"Please braid my hair!" Sigaw noong isa pang cute na batang babae.
"I want to play with lego and you!"
"No laro tayo ng bahay-bahayan!"
Sabay na sabay na sabi ng mga bata. Kaya hindi ko na alam kong sino yung nagsalita. Nag uunahan pa sila sa paglapit sa akin.
"Isa-isa lang...." natatawang saad ko. Hindi ko kasi alam kung sino ang uunahin ko pero natutuwa ako sa mga reaksyon nila.
Napatingin ako kay Lovely para sana humingi ng tulong pero nagulat ako nang nakatitig lang siya sa akin habang tumutulo ang luha niya.
Huh?
Lumapit sa akin yung bata kaninang tumatakbong walang salawal si Eon. Nginitian ko siya at bigla niya akong yinakap ng mahigpit.
"Ms. Angel!" Masayang sigaw niya at hinalik-halikan ako. "Marry me now!"
"Eon!" Sigaw ng isang bata at pilit na nilalayo siya sa akin...
Natawa lang ako sa ginawi ng bata pero hindi ko maalis ang mukha ni Lovely kanina.
Nakagat ko ang labi ko.
Gusto ko na talagang makaalala.