Naaliw ako sa paglalaro sa mga bata nang tumunog ang telepono ko.
Inilagay ko yun sa mataas na mesa sa gitna ng minnie playground para hindi maabot ng mga bata. Tatayo na sana ako sa pagkakaupo sa play mat nang biglang may mga munting kamay ang yumakap sa akin mula sa likod at sa harapan ko rin.
"Gotcha!" Sabay na sigaw ni Eon na nakayakap sa likuran ko at si Gail na nasa harapan ko.
"You can't escape!" Sigaw ni Eon at hinila niya ako pahiga.
Nanlaki ang mga mata ko.
Jusko!
"Ah!" Tili ko nang matumba ako. Mabuti na lang at pinilit ko na patagilid ang pagtumba ko para hindi maipit si Eon na nasa likod ko kaso ako naman yung nasaktan.
"Eon, Gail!" Saway ni Lovely sa kanila. May dalawang bata ring naglalaro kay Lovely. Iniwan niya yung mga batang binabantayan niya tapos tumayo para hilahin ang dalawa palayo sa akin. "Nasasaktan niyo na si ate Rosario niyo." May halong inis na sabi ni Lovely.
Pinagsabihan ni Lovely ang dalawang bata pagkatapos ay nag aalalang tumingin sa akin. "Okay ka lang?" Nag aalalang tanong niya.
Tumango lang ako sa kanya at yung dalawang bata ay tumatakbong lumapit sa batang binabantayan ni Lovely. Naghilahay na sila ng damit tapos nag takbuhan.
Napangiti na lang ako.
Iba talaga ang mga bata mag isip.
Tumayo na lang ako, tinulungan naman ako ni Lovely. "Salamat." Mahinang wika ko sa kanya.
"Okay lang." Sabi niya at kinuha niya ang telepno ko at binigay sa akin. "Baka si Doc Enzo na yan." Sabi niya. Tumunog ulit kasi ang telepono ko.
Ngumiti lang ako sa kanya. Sumilip ako soon sa screen. May limang miss call at 30 text kay Enzo.
Hindi ko yun binasa at tumingin ulit kay Lovely.
Hindi kami nagkaroon ng oras para magkwentuhan kanina kung mayroon naman, puro lang hinging tulong sa mga bata, lalo na noong pinapakain namin sila kaya hindi ko na natanong yung nangyari kanina sa kanya. Yung pag iyak niya habang nakatitig sa akin.
"Nga pala kanina..." simula ko. "Bakit ka umiyak nang makita mo ako-I mean..." nakagat ko ang labi ko. Mali. Hindi naman kasi siya umiyak nang nakita niya ako. Umiyak siya noong nakita niya akong nakikipaglaro sa mga bata.
"'Yun ba..." nahihiyang napakamot siya sa ulo niya at napayuko pero muling nag angat nang magsalita ulit siya. "Tears of joy po 'yun." Ngumiti siya ng matipid pagkatapos. "Natutuwa po akong makita kayo. Natutuwa po akong nandito kayo, nakikipaglaro ulit sa mga bata. At higit sa lahat natutuwa akong makita po kayong masaya...." madamdaming wika niya. May namumuong luha pa sa mga mata niya.
Parang hinaplos naman ang puso ko sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin. Parang nasasabi ko tuloy sa sarili ko na ang bait-bait ko kaya maraming nagmamahal sa akin.
"Salamat..." wika ko at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.
Ngumiti lang din si Lovely na kinatulo ng mga luha niya. Nanlaki ang mga mata ko nang sinapo ni Lovely ang mukha niya at humikbi.
"l***l-
"Sabi na nga ba eh! Kaya hindi ko makontak ang asawa ko dahil kay Lovely." Narinig ko ang boses ni Enzo at lumingon sa likuran ko.
"Enzo-
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng inakbayan ako ni Enzo.
"Lovely iyakin, tumigil ka." Nakaismid na wika ni Enzo. Tymalikod siya sa amin. "Kung maka react ka, naging jowa ba kayo ng asawa ko?" Kinurot ko si Enzo dahil kung ano-ano ang pinagsasabi ni Enzo kay Lovely. Tumigil naman sa pag hikbi si Lovely at sumilip sa amin-kay Enzo tumingin.
Masama ang tingin na binigay ni Lovely sa kanya. "Kids nandito na yung pangit!" Inis na sigaw ni Lovely.
"Si Doc pangit!" Rinig kong sigaw ng mga bata na nasa slide ngayon. Mabilis na nagpadausdus ang mga bata at kumuha sila ng unan tapos binato kay Enzo.
"Pangit! Pangit! Pangit!" Sigaw nila.
Mabilis na pumunta sa harapan ko i Enzo dahil muntik na sa akin tumama yung unan.
"You kids!" Inis na sigaw ni Enzo. Bumitaw siya sa akin at humarap sa mga bata. "Lagot kayo sa akin!" Sigaw niya na para bang tinatakot ang mga bata. Ngunit ngumiti lang ang mga bata. Binelatan pa nga nila si Enzo at humagihik.
"You punks!"
Nagsitakbuhan ang mga bata nang lumapit si Enzo sa mga ito.
Tumili lang ang mga bata habang naghahabulan sila..
Isa-isang hinuli niya ang mga bata at kiniliti ito kapag mahuli niya ito.
Natutuwa ako habang tinitigan sila.
Mahilig pala si Enzo sa mga bata?
Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi ko napigilang ngumiti habang hinahaplos yun.
"Ang isip-bata world champion of the world." Mahinang wika ni Lovely kaya napalingon ako sa kanya. Nakatingin siya kina Enzo na kinikiliti ang mga bata. Hindi na siya umiiyak pero halata pa rin sa itsura niya na galing siya sa iyak. Namumula kasi ang mga mata niya.
Lumingon si Lovely sa akin. "Akala ko kaya siya napapadpad dito noon ay dahil lagi kang nandito. Kasi noong wala ka pa, hindi naman pumupunta ang lokong yan..." sabi niya at tumingin kay Enzo na nakikipaglaro sa mga bata. "Akala ko nga nag papasikat lang siya sa 'yo na mahilig siya sa mga bata kasi mahilig ka sa bata pero mali kami.... Nang mawala ka, lagi siyang nandito..." nakita ko ang ngiti niya. "Kaya nasapok ko ang ulo ko noong panahon na yun kasi kung hindi mahilig sa bata ang mokong na to bakit siya magpapatayo ng ganito? I mean parang hindi naman necessary to sa isang hospital eh... TV kadalasan ang ginagamit pang libang sa mga pasyente bata man o matanda." Paliwanag niya...
Tumingin ako kay Enzo. Kinikiliti niya ang mga bata.
"Alam mo..." mahinang wika ko habang tinitigan si Enzo. Naramdaman kong tumingin sa banda ko si Lovely. "Kahit wala akong maaalala, alam mo ramdam na ramdam ko na mahal na mahal ako ni Enzo kaya hindi nakakapagtaka na kahit wala akong naalala, masaya ako na siya ang minamahal ko at ang naging asawa ko." Madamdaming wika ko at lumingon sa kanya.
Nakatitig lang siya sa akin na para bang iniintindi lahat ng sinasabi ko. Nung naintindihan niya na, nginitian niya ako.
"Kapagod kayo!" Rinig kong wika ni Enzo. Kaya sa kanya na naman ako tumingin.
"Let's run again!" Sigaw ni Eon!
"Tama na!" Suko ni Enzo. "Hindi ko na kaya! Ang bilis ninyong lumaki, lalo ka na Eon! Nagiging kamukha ka na ng papa mo!"
Natatawang sabi niya.
"Big na talaga ako. Pwede ko na ngang pakasalan si fairy eh!" Proud na sabi niya. Napatawa naman ako ng mahina. Lumingon kasi sa akin si Eon at binigyan ako ng flying kiss. Ang cute!
Umiiling na tumawa si Enzo. Ginulo niya lang ang buhok ng bata at tumayo. "I don't think so." Sabi ni Enzo nang makatayo. Umangal naman ang mga bata. Parang alam nila na aalis na ang lalaki. Gusto pa talaga nilang makipaglaro kay Enzo. Grabe ang mga energy ng mga batang to. Kanina pa sila laro nang laro.
"Papunta na yung mga magulang niyo ngayon..." saway ni Enzo nang mag tantrums ang mga ito.
"Let's play pa!" Angal ng mga bata. Lalo na si Eon. Hinihila nga niya ang kamay ni Enzo eh.
"Next time! Kasi..." lumingon si Enzo sa akin at kininditan ako. Namula naman ang pisngi ko kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya. "Kami muna ni fairy ang maglalaro." Sabi niya na mas lalong kinamula ng mukha ko.
Nasa harap siya ng mga bata!
"Mga linyahan mo talaga!" Rinig kong sabi ni Lovely na nandoon na rin para tulungan ng makaalis si Enzo doon. Sinapak pa ni Lovely si Enzo."Sensei, teach me how to be you po?" Dagdag na tukso ni Lovely. "Magsilayas na nga kayo." Papaalis sa amin ni Lovely at inisakiso ang nga bata.
"Inggit ka lang!" Sigaw ni Enzo. Inirapan lang kami ni Lovely.
"Stop crying. Maglalaro pa naman kayo sa susunod ni Doc pangit at ni fairy eh..." pang-aaalo niya sa mga bata. "Say see you next time, fairy at doc pangit." Hindi ginawa yun ng mga bata. Kumaway lang sila na parang nag ba bye.
"See you next time, kids!" Sagot ni Enzo at inakay niya ako palabas doon sa mini playground.
Sumakay na kami ng elevator at pinidot niya yung ground floor. Uuwi na kami?
Wala kaming imik. Lalo na ako. Wala lang. Hindi ko alam kung ano ang pag uusapan namin. Atsaka mas gusto ko to eh. Ang payapa lang. Nakaakbay lang siya sa akin.
"Anong problema?" Napaangat ako ng tingin kay Enzo nang bigla niya yung tinanong.
"Hmmm..."
"Kanina ka pa tahimik eh..." bulong niya.
"Wala lang..."
"Wala lang?" Nagdudang tanong niya.
Wala naman talaga!
"Napansin ko lang... Mahal ka talaga ng empleyado mo..." sabi ko na lang sa kanya.
Gumuhit agad sa mukha niya ang ginhawa. Gusto kong matawa. Masyado siyang nag o-overthink."Nga pala kamusta ang operasyon?" Tanong ko.
"Success!" Proud na sagot niya. Bumukas naman ang pinto ng elevator at lumabas na kami. "Saan mo gustong mamasyal?" Tanong niya habang naglalakad kami papunta sa main entrance ng hospital niya. Hinihintay namin yung kotse niya.
Yumakap ako kay Enzo at mahinang bumulong. "Sa bahay."
"Ha? Pasyal muna tayo-
Nag angat ako ng mukha at nakita ko ang pagkagulat ng mukha niya. Nakagat ko ang labi ko. Alam ko kasing namumungay ang mga mata ko at namumula ang pisngi ko.
"I want you..." sensual na wika ko sa kanya.
Napalunok siya at nakita ko ang pagnanasa sa mga mata niya. Tumingin siya sa parking na parang hinahanap ang kotse niya.
"Heck! Let's go home!" Sabi niya at naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya. Pumunta kami sa kotse niya. Hindi na siya naghintay sa paghatid ng empleyado nito sa kanya.
Napangiti lang ako.
Habang nakatitig ako kay Enzo kanina habang nakikipaglaro siya sa mga bata naisip ko, bigyan siya. Gusto kong bigyan siya ng anak. Maraming anak... Magiging masaya 'yun. Mahinang napahagikhik ako sa naisip ko.
---