Ikalabing-dalawa

2147 Words
"Enzo..." ungol ko sa pangalan niya. "Malapit na ako." Parang dasal na wika ko nang bumilis ang galaw niya. Nakagat ko ang labi ko nang habang tumatagal ay nagiging mabilis at malakas ang bawat pagbayo ni Enzo sa akin. Pabiling-biling ang ulo ko sa masarap na sensasyong dala nito sa kaibuturan ko. Her s*x clenched around his.... "I'm coming..." Malapit na... malapit na talaga niyang maabot. Mas isinagad pa lalo ni Enzo ang kahabaan nito sa akin at kasabay non ay ang pagsabog na masayang sensasyon sa kaibuturan ko. "Ah Enzo!" Pikit matang sigaw ko sa pangalan ni Enzo habang pinupuno ng katas niya ang loob ko. 'Yan nga! Sana walang nasayang! Para makabuo na kami. "Oh, Enzo..." nanghihinang tawag ko sa kanya ng unti-unting humuhupa ang sensasyong nararamdaman ko.. Enzo dipped his head and claimed my lips. Kaagad ko namang tinugon ang halik niya. Ramdam na ramdam ko pa ang kanya sa akin. Hindi pa niya inaalis. Hindi pa siya ba pagod? God! May round ... 3? 4? 5? Pang ilan na ba 'to? Pero pinakawalan ni Enzo ang mga labi ko pagkatapos ay matiim niya akong tinitigan. "I love you." Mahinang wika ni Enzo. 'Yung parang gusto niyang ako lang ang makarinig sa sinabi niya. Masuyo kong inagaw ang kamay na mahigpit na hawak ni Enzo at niyakap ko siya ng sobrang higpit. Ramdam na ramdam ko ang bilis at lakas ng t***k ng puso ni Enzo. Ilang minuto rin kaming ganoon nang pinagpalit niya ang posisyon namin pagkatapos hinugot niya ang kanya sa akin. Napaawang pa ang labi ko sa ginawa niya. Nakaunan na ang ulo ko braso niya habang nakayakap siya sa akin. Hinahaplos niya ang buhok ko at paminsan-minsan ay ginagawaran niya ng halik ang ulo ko. Napapangiti ako kapag hinahalikan niya ako. Sana ganito na lang palagi. Yung lagi na lang kaming nag-a-ano. Naidikit ko ang mukha ko sa dibdib niya dahil sa kapilyahang nasa utak ko... Biglang bumigat ang talukap ng mga mata ko habang tumatagal. Feeling ko ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa mga ginawa namin kaya dahan-dahan akong hinila ng antok... "Rosario may gusto akong sabihin tungkol... hindi ko narinig ang sasabihin ni Enzo nang tuluyan na akong matulog. ---- "Manood tayo ng palabas!" Nakangiting wika ni Enzo bigla. Nasa sala kasi kami at nag-uusap sa mga detayle sa kasal namin. Hindi siya pumasok ngayon kasi tinanghali siya ng gising. Namula agad ang pisngi ko. Alas sais ng umaga tumigil si Enzo kaya ayun... Napakahilig talaga ng lalaking 'to! Partly, may kasalanan din ako bakit siya natagalan ng gising. Ang rupok ko kasi sa kanya. Pwede naman kasi akong tumanggi pero kasi... gusto ko rin naman. Kumikislap sa tuwa ang mukha ni Enzo kaya alam kong may iniisip naman itong kapilyuhan at may masama akong pakiramdam sa nasa isip ng asawa ko ngayon. "Ano ang panonorin natin?" Tanong ko sa kanya na mas lalong nagpangiti sa asawa ko. May pilyo na naman talaga itong naisip! Tinaas niya ang hintuturo niya at nag form ng 'x'. Nanlaki ang mga mata ko at nahampas siya nang agad na nakuha ko ang tinutukoy niya. Gusto niyang manood ng x-rated na movies-movies ba ang tawag doon? Eh s*x lang naman ng s*x ang mga nandoon eh. Kung ano-ano talaga ang biglang naiisip ng lalaking 'to! "Ayoko!" Sigaw ko sa kanya. "Iba ang panoorin natin. Yung matino 'wag 'yung... ano.." namumula ang pisngi ko ng sabihin ko yun. "Porn." Sabi ni Enzo. "Enzo!" Hinampas ko siya ng unan na malapit sa akin. Tumawa lang siya. Nainis tuloy ako. Pinagtitripan niya ako. Nakakainis! Hindi ko alam siguro dala ng hiya at inis ko sa kanya, hindi ko napigilan na umiyak. Natigilan si Enzo sa pagtawa at mabilis na dinaluhan ako. "Rosario, mahal, sorry..." pang-aalo niya pero hinawi ko lang ang kamay niya. "No!" Sigaw ko. "Pinagtitripan mo ako eh!" Humihikbing wika ko. Trinay niya ulit akong hawakan at aluin. Hinayaan ko na lang siya. "Fine hindi na kita tutuksuhin. Sorry na..." alo niya. Sinandal niya ang ulo ko sa braso niya. "Sige ano bang gusto mong panoorin? 'Yung spaces between us?" Malambing na tanong niya. Hinahaplos niya pa ang balikat ko na para bang tingin niya na yun ang magpapatahan sa akin. "Ayoko na noon! Napanood ko na yun!" Parang batang sagot ko na nagwawala. Inilayo ko pa ang sarili ko sa kanya. "Ano pala 'yung gusto mo?" Malambing pa rin na tanong ni Enzo at hinawakan ako tapos binalik ulit ang posisyon namin. Tumigil ako sa paghikbi at napangiti. Parang nakarinig ako nang magandang balita. Masayang lumingon ako sa kanya. "Gusto ko manood ng Bolt!" Excited na sagot ko. "Bolt?" Nakakunot noong tanong niya. "Oo! 'Yung aso ang bida atsaka pusa. Tapos yung boses ng pusa ay yung kay Miley Cyrus. Gusto ko yun!" Paliwanag ko sa kanya. "Pero mahal..." namomroblemang tawag niya sa kin. "Wala ako noon. Atsaka ang luma na..." Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng biglang nagsalubong ang kilay ko. Mabilis na nagbago ang timpla ng mood ko sa sinabi niya. Bumangon ang inis ko. Gusto ko siyang sipain. Nakakabwisit siya! Tinulak ko siya palayo sa akin. "Mayroon ka ngang Wall-E kaya mayroon ka ring Bolt. Ang sabihin mo, tinatamad kang maghanap doon sa mga tambak mong CD!" Inis na sabi ko at inirapan siya. "Mahal..." tawag niya at akmang hahawakan ako nang sinamaan ko siya ng tingin kaya natigilan siya. "Mahal kasi wala talaga akong ganoong palabas." Paliwanag niya. Ingat na ingat siya habang sinasabi niya yun sa akin. Mas lalong sumama ang loob ko. "Hindi naman kasi ako mag sa-suggest kung wala doon sa collection mo. Nakita ko kasi!" galit na sabi ko. Kainis! Inirapan ko siya at tumingin doon sa kabilang side ng sofa. Narinig kong huminga siya ng malalim.. "Sige hahanapin ko at yun ang panonoorin natin." Mahinang wika niya. Napalingon agad ako sa kanya. "Talaga?" Masayang tanong ko. Tintigan lang ako ni Enzo na para bang naninibago siya sa akin. Binuka niya ang bibig niya na para bang may sasabihin pero hindi niya natuloy. Tumango na lang siya. "Baka magalit ka pa sa sasabihin ko." Mahinang bulong niya na hindi ko narinig dahil sa sobrang tuwa ko dahil hahanapin niya yung CD ng 'Bolt'. Yinakap ko si Enzo agad. "Thank you!" Sabi ko at hinahalik-halikan ko siya sa buong pisngi niya. Tumawa lang siya ng mahina. Kinalas ko siya sa yakap ko nang akmang yayakapin niya ako. Tinulak ko siya ng mahina. "Hanapin mo na para makapanood na tayo..." utos ko at kinuha ko ang remote para ma-on yung TV niya. Alam kong nakatitig si Enzo sa akin na nakamaang sa sinabi ko. "Masusunod mahal na reyna." Parang napipilitang wika niya at hinalikan ako sa pisngi. Tumayo na nga siya ng tuluyan at pumasok doon sa isang kwarto na nandoon lahat ng mga cd, playstation, may malaki siyang computer na pang gamer daw tapos may gitara rin doon at kung ano-ano pa. Parang recreational activities niya lang ang kwartong yun. Noong isang araw nga tinuruan ako ni Enzo na maglaro ng DOTA doon sa kwartong yun. Ini-on ko yung TV at sumalubong sa akin ang channel na pang sports. Actually, hindi ako nanonood ng mga palabas dito, kasi sa ipad lang ako laging nanonood ng youtube na tungkol sa pagluluto. Ano kaya ang bagong palabas ngayon? Ang natatandaan kong pinanood kong teleserye ay Mara Clara nina Kathryn Bernardo at Julia Montes. Atsaka hindi ako sanay sa mga channel sa TV ni Enzo. Ang dami. Dalawa lang kasi sa amin. ABS-CBN at GMA lang. Tapos ang gusto laging pinapanood ni nanay Mimi ay Kapuso noon dahil mahina ang signal ng Kapamilya network atsaka paborito niya yung Eat Bulaga. Natigilan ako sa paglipat sa channel nang may mapagtanto ako. Sinong nanay Mimi ang tinutukoy ko? Nanay ko? Diba Rosa ang pangalan niya? Nawala ang pag-iisip ko ng malalim nang biglang tumunog ang isang pamilyar na tugtog. Tumingin ako sa TV screen. "Mula Batanes hanggang Jolo.." sabay ko sa kanta. Pinakita sa TV yung mga host ng Eat Bulaga. Nakita ko yung babaeng hindi nagsasalita noon sa screen. 'Yung babaeng sumasabay lang sa mga boses ng iba. Yun ang paborito ni nanay Mimi kaya lagi ko siyang nakikita. Silang dalawa nung lalaking gwapo na may malalim na dimple! Kalyeserye yata ang segment nila. Nagulat ako na nagsasalita na yung babae! "What?" Mahinang tanong ko nang mapansin kong ibang-iba na yung babaeng 'yun. Mas lalo siyang gumanda pero bakit siya nagsasalita? Nakapagsasalita pala siya? Masaya akong nanonood ng Eat Bulaga. Parang alam mo 'yun. Kinukumpleto nito yung parang kulang sa akin, 'yung memorya ko na nakakamangha. Si Enzo lang kasi ang nakakagawa noon. Kaya niyang gawing perpekto ang mundo ko kapag kasama ko siya. Hindi ko akalain na kaya palang gawin rin ng isang programa. Napatingin ako sa kwarto na pinuntahan ni Enzo nang mag commercial break. Mga dalawampung minuto na rin ang lumipas ng umalis si Enzo, wala man lang akong narinig na update sa kanya. Baka natakpan na si Enzo doon sa mga CD niya? Ang dami kasi! Para ng tower doon. Actually, napakakalat sa kwartong yun. Ang dami kasing mga gamit na parang tinambak lang doon. Trinay ko ngang linisin pero ayaw ni Enzo. Baka daw kasi mabagsakan ako noong mga CD at DVD na nandoon. Huminga na lang ako ng malalim. Tumayo ako para puntahan si Enzo sa kwarto at tulungan siya sa paghahanap noong 'Bolt'. Pero may biglang tumunog na parang isang isang bomba o sirena ba- basta hindi ko alam kung ano yun basta nakuha ang attensyon ko dahil sa tunog na yun. Napatingin ako ulit sa TV. Breaking news pala. Akala ko kung ano na! Nagpatuloy ako sa pag-alis. Nasa dulo na ako ng sofa nang makuha ng isang balita ang buong attensyon ko. "Napatay si Emilio Bonajos o mas kilala bilang Ka Impeng sa ginawang paghuli sa kanya kanina sa bayan ng San Roque. Nanlaban daw ang lalaki nang siya ay tangkang hulihin ng mga pulis. Ang nasabing lalaki ay top 1 most wanted ng bayan ng San Roque dahil sa patong-patong na kaso. Kabilang na rito ang paggahasa sa isang menor de edad na babae sa isang baryo at sa pagpatay ng ina nito, walong taon na ang nakalipas." Naestastwa ako sa kinatatayuan ko. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Ka Impeng? At yung balita... Bakit pamilyar? Para akong nawawalan ng lakas habang pinapakinggan ko ang balitang yun. Dahan-dahan na humarap ako sa telebisyon ulit. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa larawang nakapaskil sa TV. Nanginginig ako sa kaba at nerbyos. "Sinasabi umano ni Ka Impeng na siya ay sugo ng Diyos na may kakayahang gumamot ng kahit na anong sakit kapalit ang pagpapabayad ng malaking halaga. May kaunting grupo rin siyang tinayo na kung saan ang mga kababaihan ay kanyang ginagawang asawa..." Marami pang sinasabi ang babae. May mga video pa siyang pinakita na kung saan may isang babae na sinabi na hindi nanlaban ang napatay na lalaki at isang video rin ng pulis na tingin ko ay ang lider ng nasabing operasyon. Hindi ako makagalaw habang nakatitig larawang pinaskil sa TV. Doon lang nakapokus ang atensyon ko. Napalunok ako. Siya yung lalaking lagi kong naalala! 'Yung lagi kong napapaniginipan. 'Yung lalaking may ginagawang hindi maganda sa akin. Hindi ko alam kong ilang minuto nakatitig sa screen ng TV. Kahit iba na yung palabas... Totoo siya? Totoong tao si Ka Impeng? So totoo yung lagi kong nakikita? Tumulo bigla ang luha ko sa mga mata at hindi ko alam ang nararamdaman ko. Feeling ko ang dumi-dumi ko at takot na takot ako. Si Enzo... Nagtaksil ako kay Enzo? Napayakap ako sa sarili ko. Biglang naalala ko ang lagi kong napapanaginipan at naalala. 'Yung mga haplos ng lalaking yun sa katawan ko... Nandidiri ako sa sarili ko. "Nakita ko na mahal ko!" Masayang sigaw ni Enzo. Napalingon ako kay Enzo. Napatitig ako sa mukha niya. Enzo... Hindi ko na alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya. Mahal na mahal niya ko tapos nagawa ko yun... Hindi ako nararapat sa kanya... "Anong nangyari sa 'yo?" Tanong niya at lumapit sa akin. "Lumayo ka!" Sigaw ko sabay atras palayo sa kanya. Mabilis na napahawak sa ulo ko nang may biglang larawan na lumabas sa utak ko. Mga aalala? "Ah!" Sigaw ko dahil sa sobrang sakit. Ang sakit-sakit ng ulo ko. Napaluhod pa ako dahil sa sakit. Parang binibiyak ang ulo ko... "Ang sakit!" Hiyaw ko. Gusto kong mamatay sa sobrang sakit. Mabilis na dinaluhan ako ni Enzo. "Mahal! Anong nangyayari sa yo?!" Nag aalalang sigaw ni Enzo. Pilit niya akong pinapatingin sa kanya pero hindi ko kaya. "Mahal..." tawag niya. Pero parang hindi ko siya narinig dahil namanhid na ang katawan ko at utak ko ng biglang pumasok sa utak ko ang mga nawawalang alala ko... Nagsimula 'yun sa hindi magandang pangyayari sa buhay ko.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD