Napaangat ng ulo si Hunter ng makita ang sang paper bag na kalalapag lamang sa kaniyang table.
Ang nakangiting si Rebecca ang tumambad sa kaniyang harapan.
"Nagdala ako ng pagkain,hindi ka pa raw kasi kumakain sabi ni Mario."
May kung anong saya ang naramdaman ni Hunter ng makita ang dalaga dahil niya inaasahan na mag-aabala ito para puntahan siya nito sa opisina.
"Tinawagan ka ni Mario?"napakunot-noong tanong niña.
"Yap."
Napailing si Hunter.Wala na naman magawa sa buhay niy ang kaibigan dahil pati si Rebecca ay ginambala pa nito.
"Pasensya ka na sa kaibigan kong yun,pati ikaw inabala pa."
"Hindi abala sa akin na puntahan ka,"anitong tinungo ang center table na nasa loob ng kaniyang opisina at doon inilapag ang mga dalang pagkain."mabuti nga ất naisipan ni Mario na tawagan ako."
Nawala ang anuman pagód niya habang pinagmamasdan ito na inilalabas sa paper bag ang mga pagkaing dala nito.Nakikita niya sa dalaga ang pagiging material wife nito na isang maasikaso at maalalahaning asawa.
Tumayo siya saka lumapit kay Rebecca.
"Salamat."
Ngumiti lamang ito.
"Maupo kana at kumain."
"Sabayan mo ako para lalo akong ganahan kumain."Aniya sabay kindat kay Rebecca.
"Sus."
"Salamat huh."
"Para saan?"anito.
Malambing na nilagyan nito ng ulam ang pagkain ni Hunter..
Isang simpleng gesture na lalong napahanga ang lalake sa dalagang kaharap..Nakikita niya ang kaniyang ina sa katauhan ni Rebecca dahil katulad ito ng kaniyang ina kung paano nito asikasuhin ang kaniyang ama at masaya siya sa isipin iyun na hindi siya nagkamali kay Rebecca dahil nasisiguro niyang isa itong mabuting asawa.Asawa agad?wala pa nga sila ni Rebecca sa estado ng pagiging mag-real dyowa tapos asawa kaagad ang kaniyang nasa isip.Hindi ba pwedeng unahin muna niya ang panunuyo sa dalaga.Tsk!
"Hey!natulala ka na?"nangingiting wiki ni Rebecca na sinubuan bigla ang nakatungagang si Hunter.
Nagulat naman si Hunter sa ginawa ni Rebecca dahil isinubo nito sa kaniyang bibig ang kutsarang ginamit nito.Matamis ang ngiting sumilay sa mga labi nito saka nginuya ang pagkaing isinubo ni Rebecca.
"Sarap."namimilyong wika ni Hunter.
"Lalo na kapag natikman mo ang aking luto baka lalong mapatulala ka sa sarap."
"Talaga?"may kislap sa mga mata ni Hunter."Kailan ko kaya matitikman ang masarap na sinasabi mo?"
"Ako?pwede rin bang tumikim ng masarap na iyan?"nakangiting bungad ni Mario.
Walang paanyaya na basta ito naupo sa harapan nila at kumuha ng pagkain.
"Hindi."pinandilatan ito ng mga mata ni Hunter."At bakit ka nandito?"
Kahit kailan talaga mapanirang moment ang kaibigan niyang ito kung kailan nasa magandang momentum na sila ni Rebecca ng usapan saka naman ito parang kabute na bigla na lamang sumusulpot.
"Ito naman,umaalburuto na din kasi ang tyan ko kaya naisip ko na makikain na lang din dito,okay lang naman sayo di ba,Rebecca."nakangising wika nito na tila pa nanunudyo.
"Oo naman,marami naman nitong pagkain."nakangiting wika ni Rebecca.
Lihim na sinipa naman ni Hunter ang paa ni Mario na hindi mapapansin ni Rebecca.
"Kanina ka pa ba?"tanongg nitong muli kay Rebecca na hindi pinansin ang ginawang pagsipa ni Hunter habang patuloy lamang ito sa pagkain."Ang sarap ng pagkain."
"Mabulunan ka sana.."hindi na nakatiis na wika ni Hunter na medyo may pagkayamot ang tinig.
Paano pa siya nito makakadiskarte kay Rebecca kung may isang kabute na bigla na lamang susulpot upang mang-istorbo,hindi naman niya ito mapalayas dahil nakakahiya naman kay Rebecca..
Natawa si Rebecca sa tinuran ni hunter para sa kaibigan nito.
"Dahan-dahan lang kasi sa pagkain wala ka naman kaagaw."
"Baka kasi nakakaistorbo na ako sainyo kaya binibilisan ko na ang pagkain ko."Anito sabay sulyap kay Hunter.
"Hindi no,kaya dahan-dahanin mo lang ang pagkain mo at baka nga mabulunan ka."
Napangisi si Mario sabay kindat sa kaibigan na hindi maipinta ang mukha..
Alam niyang hindi maganda ang timplada ng kaniyang kaibigan sa bigla niyang pagsulpot dahil nasıra ang diskarte nito.
Kaya matapos kumain ay nagpaalam na siya sa dalawa.
"Salamat sa masarap na pagkain..eeskapo na ako."
"Bakit may gagawin ka na ba?"
"Ha..ah..wa..wala__"
Hindi na naituloy nito ang sasabihin ng bigang sumingit si Hunter at inunahan ng magsalita si Mario.
"May gagawin ka pa hindi ba?"
"Ah oo!nakalimutan ko may gagawin nga pala ako."napangisi ito.."Paano,salamat ulit REbecca."
"Okay."ani Rebecca.
"Pasensya ka na sa kaibigan kong iyun medyo may kakulitan."Ani Hunter.
"okay lang,nakakatuwa naman din kasi si Mario bukod sa mabait na ay may pagkakwela rin."
Napangiti si Hunter dahil totoo naman ang sinabi ni Rebecca tungkol sa kaibigan kaya naman higit pa sa kaibigan ang turing talaga niya kay Mario kahit kailan ay palagi ito sa kaniyang tabi kapag may problema siya at nagkataon lamang ng mamatay ang kaniyang ina ay umuwi ito ng probinsya kasama ang pamilya.Hindi na rin naman niya ito pinabalik kaagad dahil ayaw din naman niyang masira ang bonding nito sa pamilya at naiintindihan naman niya kung wala ito sa mga panahong nagluluksa siya dahil nandyan naman si REbecca na umalalay at nagpapawala ng kaaiyang lungkot.
"Maswerte ka kay Mario dahil may kaibigan kang katulad niya,ako kasi walang matatawag na bestfriend."
"Ngayon meron na."
Napakunot-noo ito.
"Sino?"
"Ako,dahil bestfriend muna ako ngayon,kahit na anong oras nandito lang ang mga balikat mo na laging nakahanda paras masandalan mo."
Napangiti si Rebecca na medyo kinilig sa tinuran ni HUnter..Kunsabagay,simula ng makilala niya sina Hunter at Mario ay parang nagkaroon siya ng tunay na mga kaibigan dahil panatag ang kaniyang kalooban kapag kasama niya ang mga ito lalo na kay Hunter.
Hindi pumayag si Hunter na umuwi siyang mag-isa ng magpaalam siyang uuwi na dahil nagpilit pa rin itong ihatid siya na pinaayagan na rin naman niya sa bandang huli..baka kasi naabala na niye ang lalake kaya hindi na sana niye gusto pa na maagpahatid kaya lamamng ay makulit ang lalake kaya pumayag na rin siya.
MUla są bintana ng kaniyang kwarto ay kitang-kita ni Margaux ang pagdating nina Hunter at ng kaniyang Ate Rebecca. nagsalubong ng mga kilay ng dalaga dahil bakit tila ata ay nakikita niyang palaging madalas ay magkasama ang dalawa..Biglang kinutuban si Margaux hindi kaya ay may something na ang dalawang ito dahil mukhang hindi na about sa business ang dahilan ng pagkikita.