Puspusan ang naging trabaho ni Hunter pagkatapos na mailibing ang kanilang ina ni Hanna..Sa ngayon kasi walang ibang aasahan na mag-aasikaso ng kanilang negosyo kundi siya.Hindi pa niya maaaring asahan sa ngayon ang kaniyang ama dahil hindi pa ito tuluyang nakakapagbabang luksa..at saka nakapagdesisyon na rin siya na kausapin ang ama na magpahinga na ito sa kanilang mga negosyo at siya na lamang ang bahala na ma-asikaso ng lahat..Kailangan nitong libangin ang sarili upang tuluyan makalimot sa sakit..
Oo masakit pa rin para sa kaniya na wala na ang kanilang ina..pero wala naman mangyayari kung pati siya ay magmomokmok..siya ang lakas at sandalan ngayon ni Hanna at ng kaniyang Papa kaya kailangan niyang magpakatatag...at kayanin ang lahat hindi siya puwedeng maging mahina..
Katulad na lamang ng araw na iyun nasilayan niya ang kaniyang ama sa hardin ng kaniyang ina..tahimik lamang ito habang malayo ang tingin..inutusan niya ang isa sa mga katulong na magdala ng kape para samahan ang ama.
Marahan niyang inilapag ang kape sa mesa..humigop muna ng kape bago nagsalita.
"Pa, why don't you go out, why don't you accept ang paanyaya ni Mr.Javier,matagal ka ng niyaya nung tao na maglaro ng golf."
Iling lamang ang nakuhang sagot ni Hunter mula sa kaniyang ama..
Napabuntong-hininga na muling
humigop ng kape..ang hirap ng sitwasyon niya ngayon dahil nagkaroon siya ng dalawang alagain...na kailangan ng mahabang pang-unawa at pasensya..
"Kailangan mo rin libangin ang sarili mo,Papa..masakit man tanggapin pero wala na tayong magagawa pa,hindi na natin maibabalik pa ang buhay ni Mama."
"Madaling sabihin ang bagay na iyan,Hunter...pero iba yung sakit na iniwan dito sa aking dibdib ng iyong Mama..dahil hindi man lamang niya tayo binigyan ng pagkakataon na matulungan siya..na maipagamot siya."
"Pa,I know...pero wala na si Mama,ka..kahit na magtampo pa tayo sa kaniya...wala na rin saysay pa..hindi na niya mapapakinggan kung anuman yung mga saloobin natin.."aniya..kailangan niyang palakasin ang loob ng kaniyang ama..dahil kapag nagmokmok lamang ito sa bahay ay baka bigla manibago ang katawan nito at manghina dahil wala ng exercise...His Father is energetic,mahilig ito sa sports and ugali rin nito na magjogging sa araw-araw..but ngayon lahat nang mga sport activities ay isinantabi na ng kaniyang ama at pinili na lamang magmokmok sa kanilang bahay..
"She's unfair.."anitong damang-dama ang matinding paninibugho sa nawalang asawa.
"Pa,nandito pa kami ni Hanna.."tanging nasabi na lamang ni Hunter..Ayaw din naman niyang masyadong magbitaw ng anumang salita sa ama at baka mamisinterpret lang nito..mas mahirap na magtampo pa ito sa kaniya dahil may nasabi lang siya na hindi akma sa pandinig nito..lalo na at masyado pa nitong dinadamdam ang pagkawala ng kaniyang Mama.
"Hayaan mo muna ako,hijo..gusto ko mapag-isa."
Malalim na napabuntong hininga si Hunter saka tumayo..iniwan ang ama.Muli siyang bumalik sa kaniyang silid upang maligo dahil marami pa siyang aasikasuhin ngayong araw..
Naabutan niya sa sala si Hanna..nakasuot na ito ng damit na pang-eskwela..Mukhang hinihintay talaga siya nito..hindi maiwasan ang doubt na naramdaman sa kaniyang dibdib ng makita ang kapatid..simula kasi ng mamatay ang kanilang ina ay katulad ng kaniyang papa ay nagmokmok rin ito at hindi naglalabas ng silid kaya kinailangan pa niyang kumuha ng private nurse para sa kapatid upang mamonitor ang mga ginagawa nito upang masiguro na wala itong gagawin masama sa sarili..hindi rin kasi biro ang depression na pinagdaanan nito kaya naman hindi niya ito pinilit na pumasok sa school..tutal naman ay kinausap na niya ang guro nito tungkol sa kalagayan ng kapatid..kaya ngayon ay hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita dahil maaliwalas na ang mukha nito at bonus nalang yung nakasuot ito ng school uniform.
"Papasok ka na?"
"Yap."nakangiting tumango ito.
A..are you sure?can you handle yourself?because your teacher know___"hindi na naituloy pa ni Hunter ang anuman sasabihin dahil pinutol na ito kaniyang kapatid..
"Kuya,I'm okay now..don't worry..kaya ko ang self ko."
"But hanna....hindi pa natin nakakausap ang dra.mo kung pwede ka na ba talagang pumasok."
Napaingos ito.
"Kuya,I know myself,no need to ask my dra...because I'm okay,I'm fine,I'm good."anito na muling bumalik ang dating sigla at pagkakwela.
Napangiti si Hunter at medyo nawala ang pangamba sa kaniyang dibdib dahil sa nakikitang pagbabalik sigla ng kaniyang kapatid..
Masuyong inakbayan nito ang kapatid na bunso..
Habang nasa loob sila ng kotse patungong school ni Hanna..ay walang tigil sa pagtatanong at pagpapaalala si Hunter sa kaniyang kapatid..dahil may kaunti pa rin naman siyang pag_aalala..ngunit ayaw naman niyang ipakita yun sa kapatid dahil baka ito pa mismo ang maging dahilan to trigger Hanna..
"Oh!Don't forget my reminder's huh!'aniyang muli kay hanna ng ihinto na niya ang sasakyan sa tapat ng unibersidad na pinapasukan nito."Baba pa ba ako.."
"Hindi na..anu ako batang paslit na ihahatid mo pa sa mismong pinto ng room ko."pagmamaktol nito.
Natawa si Hunter at bahagyang ginulo ang buhok ng kapatid.
"Kuya,naman eh!masisira ang pagkasuklay ng buhok ko..and I told you..wag muna ako gaganyanin..hindi na ako bata.."
"Anong hindi na...baby pa rin kita..oh sige na,bumaba kana at baka ma-late ka pa."
"Okay..thank you sa paghatid...ingat ka."
"Ikaw ang mag-iingat..just call me when you need me..okay."
"Opo..paulit-ulit..ilang beses muna ba yan nasabi ngayong araw..babye..I love you,kuya.."
"I love you,Babe.."
Hinatid muna ng tanaw ni Hunter ang kapatid bago ito tuluyang mawala sa kaniyang paningin..ng masiguro na okay ay pinasibad na rin nito ang kotse patungong opisina..Sangkaterbang mga papel na naman sa kaniyang table ang siguradong naghihintay sa kaniya..
Wala naman siyang magagawa..hindi naman niya maaring pabayaan ang kaniyang trabaho lalo na ngayon na hindi pa niya maasahan ang kaniyang ama kaya kailangan talaga ay hindi pwede ang patulog-tulog..Ito na ang kaniyang pagkakataon na patunayan sa kaniyang papa na hindi ito nagkamali na ibinigay na nito sa kaniya ang posisyon na matagal na niyang inuungot dito noon pa man..kundangan nga lang ay ayaw pa nito noon dahil kulang pa daw siya sa hasa...Ngayon ay masasabi niyang hindi lang siya basta natututo dahil pakiramdam niya ang lahat ay naimprove sa kaniya pati siguro ang lahat ng nakatago sa kaniyang inner body ay nailabas na rin niya dahil sa sunod-sunod na struggle na pinagdaanan niya nitong mga nakaraan buwan..hindi lang sa work.