Kabanata 36

1000 Words
Hinatid ni Hunter si Hanna sa kwarto nito at hinayaan na munang makatulog ang kapatid bago siya muling bumaba.Tinawag niya ang isa sa mga katulong at pinasamahan ito sa kuwarto..Hindi na muna niya hahayaan na mag-isa ang kapatid kaya mabuti na yung may nagtitingin-tingin dito para umalalay lalo na sa pinagdadaanan nito ngayon ay hindi nito kakayanin pa na mag-isa. Mahina ang loob ni Hanna at mahirap para sa kapatid na tanggapin ang lahat kaya mas higit nitong kailangan ang pag-aaruga kaya mahigpit na pagbabantay ang kailanagan nilang gawin. Mabuti na lamang ay nagawa pa nitong ngumiti kanina dahil kay Margaux kaya naman kahit hindi niya nagustuhan ang ginawa nitong pakikinig sa kanilang magkapatid ay may nagawa pa rin itong mabuti dahil napangiti nito si Hanna kahit papaano subalit hindi ibig sabihin nun ay nawala na ang pagkayamot niya są babae. Ang sarap pilipitin ng dila nito kanina,magpasalamat ito dahil imbes na nakaapekto iyun kay Hanna ay tila natuwa pa ang kaniyang kapatid sa pag-aasta nitong akala mo ay kung sino. Nang matiyak na tulog na talaga si Hanna ay nagdesisyon siya na muling bumaba upang samahan ang kaniyang ama. Ang buong akala niya sa muli niyang pagbalik ay wala na ang Pamilya ni Mr.Wright pero nagkamali siya dahil nakita niya si Mr.Wright na abala sa pakikipag-usap kay Mr.Lopez na isa sa mga nakikiramay. Hinanap ng kaniyang mga mata si Rebecca dahil hindi ito katabi ni Margaux n'unit nagsalubong ang mga tingin nila ni Margaux subalit hindi man lang ito bumawi ng tingin bagkus ay para bang balak pa nitong makipagtitigan sa kaniya kaya tinapunan niya ito ng masamang tingin.. Napaangat ng kilay si Margaux ng tingnan siya ng masama ni Hunter at ito pa talaga ang may ganang magalit sa kaniya..Tama lang naman ang sinabi niya ah..ilagay nito sa lugar ang pakikipaglandian dahil burol ng ina nito pero mas inuna pa nito ang pakikipaglandian. Mas pinili na lamang ni Hunter na estimahin ang ibang nakikiramay kesa pag-aksayahan ng oras ang babae dahil wala siyang panahon lalo na at nasa malungkot na pinagdadaanan sila ngayon. Hindi naman maiwasan ni Margaux ang mapasulyap sa kaniyang relong pambisig..isang minuto na lang pala ay mag-aala una y medya na ng madaling araw kaya pala nakakaramdam na siya ng pagkaantok kaya hindi tuloy niya naiwasan na hindi mapahikab..Anong oras kaya balak na umuwi ng kaniyang ama lalo na at mukhang napapasarap ang kuwentuhan nito saka ang matanda nitong kausap..Hay!nakakabagot na lalo at nakaupo lang naman sila doon na magkapatid,masakit na ang kaniyang likod sa ilang oras na pagkakaupo..nakakaramdam na siya ng pangangalay...ngunit itong kapatid niya ay oarang wala lang kunsabagay sanay-sanay naman ito sa pangmatagalang pagkakaupo dahil sa mga pinupuntanhan nitong event or bussiness meeting man ay siguro inaabot pa ng buong araw na nakaupo lamang ito habang nakikinig..hay!at iyun ang napakaimposible na magawa niya sa kaniyang buhay..iyung maupo nga lamang siya ng dalawa o tatlong oras ay nakakabagot na iyun pa kaya na aabutin ka ng buong maghapon.. Hindi na nakatiis na tumayo mula sa kaniyang kinauupuan at nagpaalam sa kapatid..Tinungo ang kanilang sasakyan at pinili na doon na lamang niya hihintayin ang ama at kapatid.. "Awwtss." "Talaga bang nanadya ka.."ang may pagkasuyang wika ni Hunter ng biglang bumunggo sa kaniyang dibdib ang ulo ng nakilalang babae. Kapag minalas ka nga naman imbes na ang hinahanap na si Rebecca ang matagpuan niya ay ang kapatid pa nito ang kaniyang natagpuan. Napatda naman si Margaux pag-angat niya ng kaniyang ulo at ng mapagsino kung kaninong dibdib siya nabunggo,kailangan pa niya itong tingalain dahil sa pagiging matangkad nito na abot hanggang balikat lamang ang kaniyang height.. "Bakit kasi hahara-hara ka sa dinaraanan ko."ani Margaux na nagpapalusot pa kahit na siya naman talaga ang may kasalanan dahil hindi siya nakatingin sa kaniyang dinaraanan dahil nakayuko kasi siya habang naglalakad kaya hindi niya ito napansin. "Huh!at ako pa ang hara-hara ngayon sa daraanan mo?ang galing mo din talaga ano,ang galing mong magpapansin.."yamot na wika ni Hunter. "Ano?" "Oh,hindi ba?kulang ka ba sa pansin kaya ganyan ang inaasta mo?oh!talaga lang tanga ka...dahil kahit saan ka pumunta nakakapwersyo ka ng ibang tao."tahasang wika ni Hunter. Awtts..masakit yun huh!grabe naman itong makapagsalita na akala mo naman ay kilala siya nito,kung makapagsalita sa kaniya ng "tanga"..sakit nun huh..nakakadalawa na ito sa kaniya. "Sumusobra ka na.."namumula ang mga mata ni Margaux na halatang naiiyak. "At teka lang huh!binabalaan kita nandito ka sa loob ng pamamahay ko at wala kang karapatan ng kahit na ano para paratangan ako..magpasalamat ka dahil nagawa ko pang kontrolin ang sarili ko kanina.."ani Hunter ng maalala ang ginawa sa kaniya ni Margaux. "Hin..totoo naman ah."pagtatanggol ni Margaux sa kaniyang sarili.."nagmamalasakit lang ako." "Hindi iyun pagmamalasakit kundi pakikialam..huwag kang pakialamera dahil sino ka ba para makialam." Namumula ang magkabilang pisngi ni Margaux sa nararamdaman pagkapahiya dahil sa tinuran ni hunter,dahil may punto naman ito,sino nga ba siya para makialam?subalit hindi niya inaakala na makakatikim siya ng maaanghang na salita mula rito.. Bakit naman kasi uruurada ang pagtatalak niya kanina at nakalimutan niya kung bakit naandun siya sa bahay na iyun..nandoon siya para makiramay at hindi magpakialam..eh!ano nga ba naman ang pakialam niya,kahit siguro magharutan pa ang mga ito wala naman siyang pakialam dahil unang-una,Sino nga ba siya para makialam?Inilagay lamang niya ang sarili sa kahihiyan. Kaya naman hanggang sa makauwi ng bahay ay hindi mapakali ang dalaga,kamuntik na niyang pagselosan ang kaniyang kapatid ngunit may iba pa pala na dapat siyang pagselosan at yun ay ang tinatawag nitong'babe'. Kainis naman...bakit ba kasi hindi mawala sa isip niya ang lalakeng iyun? Kung bakit sa una pa lamang na nakita niya ito ay kakaiba na kaagad ang naramdaman niya,kakaiba na ang pagtibok ng kaniyang puso,iyun bang may kaba na hindi niya mawari,iba kasi talaga eh!kaya kanina talaga pakiramdam niya nakaramdam siya ng pagseselos ng basta na lamang. Basta ang alam niya ay nainis siya kanina at hindi niya iyun napigilan kaya naman nakapagsalita siya ng hindi maganda sa mga ito. At ngayon ay sigurado na siya sa kaniyang nararamdaman sa lalake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD