Isa ang pamilya ni Don Facundo kasama ang dalawa nitong anak na babae ang nakiramay sa Pamilya Faulkerson.
"My condolences to your family.."ani Don Facundo sa mag-ama.
Tumango lamang ang ama ni Hunter..
"Thank you,Mr.Wright.."pormal na wika ni Hunter..
Si Hunter na ang nakikipag-usap sa bawat taong nakikiramay sapagkat hindi pa kaya ng kaniyang ama na mag-entertain sa mga taong dumarating na nakikisimpatya sa pagkawala ng kaniyang ina.
"Nakikiramay ako.."ani Rebecca kay Hunter na ginagap ang palad ng lalake upang ipaabot na nasa tabi lamang siya nito.
"Thank you."aniya kay Rebecca.
Hindi naman napansin ni Margaux ang dalawa dahil naging abala ito sa kachat.
Palihim na siniko naman ni Don Facundo ang bunsong anak.
"Pwede ba,hija..mamaya ka na lang makipaghuntahan diyan sa mga kachat mo sa phone dahil nandito tayo sa bürol."mahinang pinagsabihan nito ang anak.
Oh!mabilis na itinago naman ni Margaux ang phone sa kaniyang bulsa saka sumunod sa ama ng maupo ito sa kabilang upuan.
Sa kabila ng pakikiramay ay naging malikot naman ang mga mata ni Margaux at mataman niyang pinagmasdan ang litratong nakalagay sa casket ng ina ni Hunter..Maganda pala ito at tisay kaya hindi maipagkakaila na nakuha ni Hunter ang wangis ng ina..May lungkot na naramdaman si Margaux at naawa siya para kay Hunter dahil masakit ang mawalan ng ina,ngunit sa kabila ng lahat ay maswerte pa rin ito dahil nakasama pa rin nito ng matagal ang ina at hindi katulad niya na hindi kailanman nasilayan ang kaniyang ina.
Kayaa batid niya kung gaano ito kasakit para kay Hunter,matapos pagmasdan ang litrato ng ina ni Hunter ay bumaling naman ang tingin niya sa lalake medyo nanlalalim na ang magkabilangg gilid ng mga mata nito at mababakas ang matinding kalungkutan sa mga mata..Oh!kung pwede lang ba niya itong lapitan at ipadama ang kaniyang pakikiramay at e-care ito ay gagawin niya kaso hindi pwede dahil nasa burol siya at wala sa tabi-tabi lang para magnilandi.Stop it!Margaux..hindi muna nirespeto ang burol ng ina ni Hunter,kastigo niya sa sarili at pagninilandi pa rin kay Hunter ang nasa isip mo.
Ipinilig ni Margaux ang ulo at pilit na ibinaling sa iba ang kaniyang tingin upang mahagip ang aura ng isang babaeng na parang pamilyar sa kaniya ang mukha.Nakita niya itong lumabas at kasabay noon ang pagtayo ni Hunter mula sa kinauupuan nito at sinundan ang direksyong kung saan patungo ang babae.
Sino kaya ang babaeng iyun?bakit sinundan ito ni Hunter?tanong ng isipan ni Margaux kaya naman hindi tuloy siya mapakali sa kaniyang kinauupuan.
"Ano ba?para kang kaputol na uod sa likot mo."mahinang saway sa kaniya ni Ate Rebecca ng makitang hindi mapakali ang kapatid sa kinauupuan nito.
"Ha.."
"Ang likot mo.."
"Ah..naiihi kasi ako,lalabas muna ako at hahanap ng comfort room."palusot niya sa kapatid..
Ewan niya mung bakit tinahak din niya ang direksyon kung saan nagtungo si Hunter.
Medyo may kadiliman sa parteng iyun at mahina lang ang liwanag na inaabot ng mga ilaw na nakasabit,palinga-linga siya habang marahang naglalakad..Natutop niya bigla ng kaniyang mga kamay ang bibig ng makita si Hunter at ang babae dahil magkayakap ang mga ito kaya dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan ng mga ito.
"Babe..tahan na."
Babe...bigla rumihestro sa isipan niya ang salitang'Babe'ng marinig niya iyun kay Hunter..Oh!that was a girl na kasama nito sa SM..ito yung tinawag ni Hunter na Babe..
Napaismid si Margaux dahil hindi na nilagay ng mga ito sa lugar ang paglalandian at wala man lamang pagrespeto ang mga ito dahil mismong sa bürol pa ng ina nito nakikipaglandian ang lalake.
"Babe,hindi ko kayang nakikita kang ganyan.."ani Hunter sa kapatid..
"I don't know what to do,Every minute I think about Mom,na iniwan na niya tayo.... I feel like the pain is slowly killing me. "
"Ssshhh...Papa and I are still here for you, it hurts... but you can't be weak because Mama wouldn't want that."
Sa kabilang banda naman ay pilit na inilalapit ni Margaux ang kaniyang tenga upan mapakinggan kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa..Babe lang kasi ang narinig niya kanina dahil medyo napalakas ang pagkakasambit ni Hunter..
Ano kaya ang pinag-uusapan ng dalawang ito?tanong ng isip ni Margaux..
Humawak ang dalaga sa isang sanga ng punong-kahoy na nasa kaniyang harapan upang magbalanse sa kaniyang katawan ngunit sa kasamaaang palad ay nabali ang sangang hinahawakan niya kaya lumagapak siya sa damuhan na naging dahilan para mag-aagaw ng atensyon sa magkapatid.
Napakunot-noo si Hunter na nagmamadaling lumapit sa babaeng parang palakang tumihaya sa damuhan upang tulungan sana itong makabangon ngunit ng mamukhaan nito si Margaux ay nagbago bigla ang isip ng lalake at hinayaan nitong bumangon mag-isa ang babae.
Ang sama ng ugali talaga ng lalakeng ito,hindi man lamang siya tinulungan makatayo at talagang tiningnan lamang siya nito...badtrip!
"What are you doing here?"may pagkayamot na tanong ni Hunter.
"Eh!ikaw ba't nandito ka sa labas?imbes na nandoon ka sa loob para samahan ang Papa mo ay nandito ka sa labas at nakikipaglandian."walang preno-prenong wika ni Margaux.
"What?"lalong nagsalubong ang mga kilay ni Hunter.
Ano ba ang pinagsasabi ng babaeng ito?lalong nadagdagan ang pagkayamot nito kay Margaux.
"Oh hindi ba?inuna mo pa ang pakikipaglandian kesa samahan ang Papa mo sa pagdadalamhati..Irespeto nyo naman ang burol ng Mama mo."ani Margaux sabay irap sa lalake.
Hindi na hinayaan pa na makapagsalita si Hunter dahil mabilis ng lumayo si Margaux sa mga ito.
"Aba't..."awtomatikong susundan sana ito ni Hunter ngunit pigilan siya ng humahagikhik na si Hanna.
Natigilan si Hunter dahil nakita niyang tumatawa ang kapatid..
"Sino sya?"
"Sino?yung baliw na babaeng pinagbibintangan tayong magkasintahan,isang lukaret yun."
"Pero bakit ganun siya kung umasta? parang nagseselos.."anito na humahagikhik pa rin.
"Nagseselos?"pag-uulit niya sa sinabi ng kapatid.
Tumango ito..
"Yeah!halata naman sa kilos niya,para siyang nagseselos..Sino ba yun?"
"Anak siya ng isa sa mga client ko."
"Oh!mukhang iba lang dating sayo ah"
"Babe,hindi ako interesado sa babaeng iyun,okay!"
"Pero interesado sya sayo.."
Natigilan si Hunter sa winika ng kapatid na si Hanna..Ang babaeng iyun interesado sa kaniya pero siya ay hindi.Si Rebecca ang babaeng pumukaw ng kaniyang interes at wala Siyang balak na patulan ang pagpapansin ni Margaux.